Caden HINDI ko alam kung para saan iyong tanong ni Sunshine kagabi habang naghihintay kami ng order namin. Why was she asking me in the first place? May plano ba siyang mag-resign sa Acceron? I haven't talked to Mama regarding the deed she did back home. Sinabihan ko na siyang umalis doon at ibenta na lang ang bahay para wala ng gulo. Kaso mahirap talaga pakiusapan si Mama at kahit si Marco ay suko na rin sa kanya. The last time we talked, Marco told me that he asked Mama to go away and our mother firmly said no. Mukhang hindi ko na talaga mapipigilan iyong bangayan na iyon ng mga nanay namin kahit pa umalis si Sunshine ng Acceron. Magka-konekta na naman ang mundo namin at wala na sa bokabolaryo ni Mama ang umiwas. I gently scratched my arm when I felt a sudden itch there. I got distract