CHAPTER FOUR/ Part one
ZACH
I CAN'T HELP my self falling for her. Sa bawat araw na lumipas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi naman ganito ang pakiramdam ko nang naging kami ni Rain. Siyempre masaya ako noon pero iba ang nararamdaman kong saya ngayon.
I admitted, nasasaktan ako sa pag-alis at pang-iwan sa akin ni Rain lalo na when she turn down my marriage proposal to her. I’m hurt and mad dahil unang beses kong makatanggap ng rejection, she hit my ego as a man. 'Yong feeling na hindi pa ba ako sapat. All her want and needs binigay ko sa kaniya. Deserve ko ba talaga ang masaktan ? And I was so desperate that time wala na akong ibang babae na nakitang makasama at madadala sa altar. Matagal na kasi akong kinukulit ni lola Feli na mag-asawa.
Pero ngayon nawala na ang bitterness ko. At masasabi kong naka move-on na ako totally my past relationship dahil kay Amara. Don't get me wrong, hindi ko siya ginawang panakip butas. It's so happened na nahulog ang loob ko sa kaniya. And I’m dead serious about my feelings to her. Kaya ayaw kong mapunta siya sa kahit na sino maging kay Japeth pa. She's mine!
“Grecie!”
“Yes, Sir Zach. May kailangan po ba kayo?” Humahangos itong papalapit sa akin.
“Nothing! Maaga akong aalis and please don’t foget to send my email all those important documents na kailangan kong e-review.” I saw relieved in her face.
“Yes, noted po, Sir.”
“Okay, you may go now!” Yumukod ito sa akin at nagmamadaling lumabas sa aking opisina. Kinuha ko ang aking cellphone at tini-text ko si Amara.
“Please, wait for me in your school. Susunduin na kita.” Nilagyan ko ng serious emoji before ko pinasa aa kaniya.
Mabilis ang naging kilos ko. Halos takbuhin ko na ang parking area ng gusali upang mapuntahan ko kaagad si Amara. Maliksi kong binuksan ang driver set nang tuluyan na akong nakarating sa parking at kaagad pumasok sa loob. Binuhay ko ang makina ng aking kotse at pinasibad ko na ito patungong University na pinag-aralan ni Amara. But before that, dumaan muna ako sa flower shop at kinuha ko ang boquet ng Daisy flowers. Ino-order ko na ito kanina online pero sinabihan ko na lang ngayong hapon ko ito kukunin.
Pagkarating ko sa flower shop hindi ko na kailangan panbumaba ng sasakyan dahil nakaantabay na si Melody sa akin nakatayo sa may gutter sa daan. Siya ang assistnat ng may-ari sa flower shop.
“Thanks, Melody!” Iniabot ko sa kaniya ang bayad. Ten thousand kasama na ang tip no'n.
“You’re always welcome, Sir Zach. Order po kayo ulit, ha. Napaka suwerte naman ng girl friend mo, Sir.”
Tanging ngiti ang naging sagot ko kay Melody. Excited na akong ibigay kay Amara ang mga bulaklak.
Hindi mapuknit ang ngiti sa aking mga labi nang dinala ko ang bulaklak sa aking ilong at sinamyo ko ito, sobrang bango. I’m sure na magugustuhan ito ng mahal ko. Gustong-gusto ko mang sabihin sa kaniya ang tunay kong nararamdaman pero pinipigil komuna ito. Ayaw ko siyang biglain at baka matakot pa siya sa akin.
Sapat na sa akin ang makitang napapasaya ko siya sa mga simpleng bagay na ito. Mas lalong lumawak ang aking pagkakangiti nang maalala ko ang naging reaksyon ni Amara nang pinadalhan ko siya ng isang truck ng white roses. It was so epic and worth it! Tinupad ko ang sinabi ko sa kaniya na kaya ko siyang bigyan isang truck na mga bulaklak.
Until now I can felt the heat of her body when she hugged me tight dahil sa sobrang tuwa niya sa ginawa ko. Mas lalo akong humanga sa kaniya dahil kahit na sa pinaka-simpleng bagay na ginawa ko sobrang na a-appreciate niya ito. Hindi siya mahirap pasayahin. Hindi katulad ni Rain na kahit ginawa ko na ang lahat hindi pa rin ito sapat sa kaniya. She never be contented!
Ipinilig ko ang aking ulo. What should I compared Amara to Rain. Mas hamak na lamang ang Amara ko.
Amara is far different sa lahat ng mga babaeng dumaan sa akin. All my life ngayon lang ako na pa-paranoid sa tuwing makikita kong may ibang lalaki siyang kinakausap. Lahat ng magandang katangian sa isang babae nakikita ko sa kaniya.
Sinipat ko ang aking cellphone na nakapatong sa ibabaw ng dash board. Kanina ko pa tini-text si Amara pero hindi sumasagot. Hinahaplos ko gamit ang isa kong daliri ang cute na key chain unicorn na nakasabit sa loob ng sasakyan. Kaparehas kami ni Amara. Couple key chain kumbaga.
Napag-alam ko na mahilig siya sa unicorn kaya noong napadaan ako ng department store at nakita ko ang key chain unicorn si Amara kaagad ang pumapasok sa isipan ko. At walang pag-alinlangang binili ko ito kaagad. Ito ang unang bagay na binigay ko sa kaniya simple and cheap pero labis na ang tuwanga kaniyang nadarama.
Ngunit kaagad na palis ang ngiti ko nang hindi pa rin nag-reply sa akin si Amara. Nag-aalala na ako sa kaniya. Dati naman mabilis iyong mag-reply sa mga chat or messages ko. Hindi na ako makatiis, tinawagan ko na lang ang kaniyang numero. Ilang sandaling nag-ring ito ngunit kaagad din naman nitong sinagot.
“Amara, where are you?” Puno ng pag-aala kong tanong sa kaniya.
“Nasa bahay na po ako, Zach. Sorry hindi ako naka-reply kaagad sa iyo. Ngayon ko lang nakita text mo. Pero ayos naman ako hinatid na ako ni J–”
“Hello, Amara! Amara!” tawag ko sa kaniya sa kabilang linya.
Ngunit wala ng sumasagot. Naikuyom ko ang aking kamao dahil biglang naputol ang nais nitong sabihin. Muli kong tinawagan ang kaniyang numero ngunit hindi na ito makontak pa.
“F*ck!” I cursed. Buong lakas at sunod-sunod akong bumusina. s**t! Naabutan ako ng traffic! I felt so frustrated! Hindi na ako mapakali knowing na may naghatid sa kaniya na ibang lalaki. Hindi ko mapigilang mag-over think at the same time nag-alala para kay Amara. Kung puwede lang paliparin ko itong sasakyan ginawa ko na makarating lang ako kaagad sa condo.
Hindi na ako nag-abala pang ipasok ang aking sasakyan sa parking area. Ibinigay ko na ang susi kay Manong Guard at siya na lang ang bahala sa sasakyan ko. Tangan ang malaking boquet ng bulaklak malaki ang bawat hakbang ko upang makapasok sa elevator. Good thing, I have my private elevator kaya wala akong kasabay sa loob.
Napanting ang tainga ko dahil sa nadatnan ko ang dalawang taong masayang nagtatawanan. Umalingaw-ngaw sa loob ng unit ko.
Tila isang bulkan na kanina pa nag-aalburoto nais ko ng pumutok sa galit. Hindi ko nagustuhan ang aking nakikita. Ang tigas talaga ni Japeth. Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili kong pinaulanan ng suntok si Japeth na ikinatili ni Amara.
“What the hell, Bro! Bakit mo ako sinuntok?” galit nitong asik sa akin habang sapo ang kaniyang dugoang labi.
“I’ve already warned you. Layuan mo si Amara or else magkakalimutan na tayo! Sinabi ko na sa iyo na hindi ako papayag na liligawan mo siya!” galit kong sigaw kay Japeth. Nagtaas baba ang aking dibdin dahil galit na nararamdaman ko.
“Tsk... At sino ka naman para pagbawalan ako? Hindi ka naman tatay ni Amara. Kaya wala kang karapatan na diktahan kung sino ang gusto niya!”
“Asshole!” muli kong pinaundayan ng suntok si Japeth. But this time nakailag na ito.
“Japeth! Zach! Tama na po. Bakit ba kayo nag-aaway!” pigil sa amin ni Amara. Pumapagitna na ito sa amin.
“Amara! Inuutusan kitang lumayo sa lalaking ’yan!” utos ko kay Amara.
“Bakit ko naman gagawin 'yon? At wala namang ginagawa si Japeth, ah! Magkaibigan lang kami.” Halos maiyak na nitong sabi. Pero mas lalong uminit ang ulo ko dahil kinakampihan pa nito si Japeth.
“Honestly, hindi ko maintindihan kung ano ba ang ipinuputok ng butsi mo? I don't understand! Okay naman tayo,
Dude. Bakit ka na lang nagkaganito?g Para kang isang asong ulol na- mangangagat na lang bigla! You look so threatened!” tila may pang-uuyam na ani nito. Hindi pa ako nakuntento at muli na namang sinuntok si Japeth at muli na naman itong napahandusay sa sahig. At kaagad namang dinaluhan ni Amara.
“Japeth!” umiiyak na dinaluhan nito ang kaibigan kong nakahandusay sa sahig.
“Ano ba, Zach! Ano bang nangyari sa iyo?” singhal nito sa akin. Mabilis kong natawid ang pagitan namin at marahas kong hinatak ang kaniyang braso palayo kay Japeth.At walang babalang ipinangko ko siya patungo sa kaniyang silid.
“Bitiwan mo, Zach! Ano bang ginagawa mo?” nagwawalang saad ni Amara ngunit hindi ko na siya sinagot pa at nagpatuloy paghakbang.
Wala akong pagtutol na narinig mula kay Japeth sa aking ginawa.