Chapter 19: Deceive

2537 Words
QUINN FREYA WESTWOOD THE GUITAR strings are strumming lightly into my ears. I turned on my side and I saw kuya Aleister, he was playing a sweet music into my ears. He is trying his best to make me happy again, para muli akong ngumiti. I appreciate him minsan nga naiisip ko sobrang sama ko. He's right in front of me pero naghahanap ako ng iba. I love you too... Napapikit ako ng maalala ko ang tatlong salitang 'yon. Those words should send kilig on my spine, but it didn't. Nasaktan ako ng madinig ko ang mga salitang 'yon mula sa kaniya. If you really love me back, why do you have to leave me? Kung mahal mo ako kahit m******s ka, bakit kailangan mo'ng i-hit and run ang puso ko?  It's been three months but the pain is still the same. Hindi na ako makapag focus sa mga ginagawa ko, pakiramdam ko kalahati ng buhay ko ang nawala ng hindi na siya nagpakita sa akin. "Freya, it will be your 18th birthday next month. You need to cheer up before your debut." Giit niya sa akin. Hindi ako sumagot sa kaniya, sa halip ay nagtalukbong ako, pinilit kong pinikit ang aking mata. Umaasa na sa pagpikit ko ay mababawasan ang nararamdaman kong sakit. Sana pwede ko na lang paliguan ng holy water ang puso ko total mali naman ang magmahal sa isang demonyo. "Kuya Aleis, pwede bang iwan mo muna ako?" tanong ko sa kaniya habang nakatalukbong ako. Pinigilan kong mag c***k ang boses ko dahil alam kong masasaktan siya kapag makikita na naman n'ya na iniiyakan ko ang isang demonyo. "Frey---" "I just want to be alone. Please, can you leave me?" I asked him again. Mahina siyang napabuntong hininga. "Hindi mo pa rin ba talaga kakalimutan ang demonyong 'yon?" tanong n'ya sa akin.  "Ayokong makipagtalo Kuya Aleis. Please, iwanan mo muna ako." Pakiusap ko muli sa kaniya. Alam kong 'di niya naiintindihan kung bakit. Alam kong para sa kaniya ang paggamit ni Asmodeus sa kaniyang ay isang malaking dagok. Kahit na sinong matinong tao ang tatanungin mo, walang tama sa ginawa ni Asmodeus na paggamit sa katawan niya. A demon used him. Sa mata ng tao, mata ng Diyos o kahit na ano pang elemento sa mundong ito. Maling- mali 'yon. And here I am, wanting that Demon to comeback inside him again. Why? Because I fell in love with it. "Freya, noong una akala ko maiintindihan kita pero... bakit 'di ko magawa? How can you fall in love in that foul creature?" tanong n'ya sa akin. Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay tila ba matagal na siyang hinihintay ng aking puso. Akala ko noon dahil lang sa gamit niya ang katawan mo. "Akala ko kapag umalis siya sa katawan mo ay ikaw pa rin ang gugustuhin ko. Pero hindi 'yon nangyari, Kuya Aleis. Sana nga ganoon na lang ang nangyari, sana sa katawan mo na lang, sana sa'yo na lang kasi alam ko ikaw ang gusto ko e. Sana inisip ko na lang na ikaw siya. Pero hindi e, alam kong 'di ikaw siya. Alam kong demonyo siya pero nahulog ako sa kaniya."  "I struggled inside my own body, Freya. You know how awful it is to get used by that demon yet you fell in love with him. You promised to help me, Freya. You promised to save me..." "I'm sorry..." sagot ko sa kaniya. Nadinig ko na lang ang padabog na paglapag ng gitara niya sa sahig at kasunod no'n ay ang malakas na kalabog ng pintuan. Paano ka ba babalik sa aking buhay?  *** MALALIM akong huminga habang nakatingin sa langit. Punong- puno ito ng bituin, mahina akong napangiti habang dinadamdam ang hangin na dumadampi sa aking balat. "Asmo--" tatawagin ko sana siya ngunit wala akong nakita sa aking tabi. I don't even know how long am I here. Basta ang naalala ko kusa akong dinala ng aking mga paa rito. Maybe my heart thought that I will see him here na baka isa siya sa mga taong nakakasalubong ko. Hindi ko alam kung paano ko siya makikilala pero ang puso ko, alam kung sino siya. I am hoping that somehow, I will see him here. Because I know that this place is also special for him. Muling bumalik ang kirot sa aking puso.  Ang damohan, ang hangin, ang mga bitwin sa langit. Lahat ng mga 'yon ay nandito habang tinititigan ko siya. They are the witness of my love for him. They are the witness of my sin.  "Alam mo siguro na nandito ako diba?" tanong ko sa kaniya at saka ako mahinang ngumiti. Walang sumagot sa akin. "Makakalimutan ba kita? Siguro para sa'yo madali lang 'yon kasi demonyo ka pero paano ako? Natatakot ako na baka habang buhay na akong masasaktan kasi wala ka na sa aking tabi." Ring Ring... Napatingin ako sa aking cellphone, naka-ilang miss call na sila Mom at Dad, maging si Kuya Aleis pero 'di ko ito sinasagot ang mga tawag nila. "Freya..." nakadinig ako ng bulong sa aking tainga.  "Asmodeus," hinanap ko ang bulong na 'yon pero wala. It's a male voice, the tone and the way it speaks to me seems to be like Asmodeus. "Freya... nandito ako..." bulong nito sa akin. Napapikit ako, my heart skipped a beat when I heard the voice again. Is it really you, Asmodeus? "Ikaw ba talaga 'yan, Asmodeus?" tanong ko muli sa bulong na 'yon.  "Ako 'to, Freya..." "Magpakita ka sa akin, please?" I begged him. Tumingin- tingin muli ako sa paligid, naghanap ako ng tao na maari niyang sapian pero walang ibang tao doon kung 'di ako. "Huwag mo na lang akong iwan. Hindi ko kaya Asmodeus, hindi ko kaya!" sigaw ko sa kaniya. "Gusto rin kitang makasama. Ayokong iwanan ka Freya pero demonyo ako at tao ka. Hindi kita pwedeng mahalin dahil 'di tayo maaring magkasama." Giit niya sa akin. "Baka may paraan pa. Asmodeus, please... 'di ko alam kung kakayanin kong wala ka..." "Gusto mo ba talaga akong makasama, Freya?" tanong ng boses na 'yon. "Ako kasi gustong- gusto na kitang makasama..."  muli niyang dagdag sa akin. Napangiti ako ng madinig ko 'yon mula sa kaniya. "Are you willing to do everything to be with me?" He asked me again.  "Oo, gagawin ko ang lahat. Please..." I begged him. Nakarinig ako ng panandaliang katahimikan at kasunod no'n ay ang bulong niya sa akin. It felt hypnotizing, the way he whispered those words made me addicted. Pakiramdam ko, I'll lose a big opportunity kapag 'di ko ginawa ang mga bulong niya sa akin.  Naramdaman ko na lang ang paglalakad ko, my feet is bringing me to places where I can do what he wants. Kusang huminto ang aking mga paa, "Magkakaroon tayo ng kalayaan kapag sumama ka sa akin..." "Isn't Hell a bad place?" "I'm a Demon, Freya... I can make Hell a living paradise for you..." muli n'yang giit sa akin. Napapikit ako at tumingin sa bangin, I'm just a few steps closer. If I jump in this cliff, makakasama ko na si Asmodeus. 'Yon ang sabi niya sa akin, I believe him. Gusto niya rin ako makasama. "Are you willing to die to be with me, Freya?" He asked me again. Wala sa sarili akong napatango ng tanungin n'ya 'yon. "Then jump and be with me..." "Freya! No!" Nakadinig ako ng sumigaw pero binalewala ko ito, hinayaan kong magpatihulog ang katawan ko sa bangin. Hoping that when I opened my eyes, Asmodeus will be in front of me and we will have our happy ending in his realm. *** THIRD PERSON'S POINT OF VIEW "SIR, bawal ang underage sa brothel ko. Gumamit ka muna ng legal na katawan bago ka umubos ng alak sa bar ko." Mapang-asar na giit ni Azazel kay Asmodeus habang nakaupo ito sa bar at lumalaklak ng sangkatutak na Guervo. He was using a human's body so he thought that he would get drunk easily. Gusto niyang malasing upang malimutan ang lungkot at sakit na nakita niya sa mga mata ni Freya noong iwan niya ito. "Maawa ka sa katawang gamit mo, teenager lang 'yan oy!" seryosong giit ni Lucas sa kaniya. Masama siyang tumingin sa mga ito at muling uminom. Napabuntong hininga si Aze sa inaasal ni Asmodeus. "Alam mo kung nahihirapan ka na, bumalik ka na lang sa impyerno at maghasik ng kalaswaan doon kesa manatili ka dito at magmukhang tanga." Saad ni Lucas sa kaniya. "It's not easy, Lucas." Sagot ni Asmodeus sa kaniya, he tried to smile.  "It's easy, you just need to wake up from the fact that you are a demon and she is a human being." He replied. "Madaling sabihin para sa'yo dahil 'di mo pa nararanasan na magmahal." Sagot niya kay Lucas.  "You know what the one from above is a smart person. Hindi niya inalis ang abilidad na magmahal kahit sa aming mga demonyo. Maybe it's his way of telling us that even though we chose the darkness, he is still above us. Love can make even the smartest demon fool." Giit niya dito. "Kaya niyang gawing masama ang mabuti at ang mabuti ang masama. Love can make any risks worth taking or dying for." Pag sang-ayon ni Azazel kay Asmodeus. "Grim reapers are exception in my case, Love is taken away from us so that we can fetch souls easily." Giit ni Lucas sa kaniya at saka ito sumimsim ng alak.  "Well you need to pray that Love won't come knocking in your heart, Lucas." Aze sighed. "Pero Asmodeus, I think Lucas is right, you need to go back to Hell to finally forget her. Staying here might change your mind again. Tandaan mo, kung 'di mo siya iiwan agad mas lalo siyang mapapahamak. Yung mga nasa baba mas gusto nilang patayin si Freya kesa ikaw mamatay. They know that loving her will cause your death." Aze added.  Bumakas ang lungkot sa mga mata ni Asmodeus, tears fell from his eyes. Kung nakikita lang siya ng ibang demonyo siguro ay pinagtatawanan na siya ng mga ito. "Habang nagtatagal ka dito sa mundong 'to, mas lalo siyang nawawalan ng pagkakataong mabuhay.  If she dies before she can do her mission she will have her soul rot in hell." Lucas added to him. Again he took another shot trying to ease the pain in his heart. "Asmodeus..." he heard Freya's voice whispering his name. Tila ba nagising siya at nawala ang panandaliang lango niya sa alak. He can feel it, she is in danger again. Kailangan n'yang gumawa ng paraan upang mailigtas ito. "Freya..." napatingin ang dalawa niyang kasama sa kaniya. Napapikit siya at nakita niya sa kaniyang vision ang demonyong bumubulong sa tabi ni Freya. Tempting her to grab the knife making her think that he is him and that dying will make them be together. It's Halsius, the demon of suicide, she leads every man into the temptation of killing his/ herself. "Bakit ano na naman 'yan?" Wala sa mood na tanong ni Lucas sa kaniya. "Freya's life is in danger again. I - I need to save her!" Giit niya at saka niya kinuha ang kaniyang uniform pero hinawakan ni Aze ang kaniyang kamay. "Hunters ang parents niya, they can save her if ever she's in danger. You'll put her life into danger again." Aze warned him. "She'll be okay without you. Someone will save her, it doesn't need to be you, Asmodeus!"  "No! She's in danger, Aze! Halsius is trying to kill her!" He said at saka ito naglakad palabas brothel. He left the teenager's body and traveled going to Freya's house. Agad siyang dumiretso sa kwarto nito pero ang nakita niya ay ang natutulog na si Freya habang nakayakap kay Aleister ng mahigpit. Halsius is not around, the place is sound is quiet. Doon niya napagtanto na baka nga... baka nga 'di naman talaga dapat siya ang magligtas dito.  Being with Aleister is safer than being with him. The wounds on her wrists, marks of rope on her neck. Lahat ng mga sugat na 'yon ay dahil sa kaniya, kung 'di siya bumalik sa buhay ni Freya. Kung bumalik na lang sana siya at impyerno at 'di na nag-risk pa. Kung 'di lang siya naging makasarili, sana ay 'di nagbago ang buhay nito. Lumapit siya kay Freya at hinimas ang pisngi nito. "Asmodeus..." bulong nito na tila ba alam niyang nandito lang siya.  Mapait na lang siyang napangiti, "Siguro nga tama si Aze, it doesn't need to be me." And he disappeared, accepting the reality that a Demon like him won't have the chance that he assumes to have. *** NAKATULALA sa hangin si Freya habang ginagamot ni Aleister ang mga sugat nito sa kaniyang pulsuan. Her eyes are dried because of crying, halata sa mukha niya ang puyat at stress. She's not okay. God knows she's not okay.Hindi niya naiintindihan kung ano ba ang nangyayari sa dalaga, all of the sudden, she is showing suicidal tendencies and desperation to die. Kung 'di niya ito nahanap noong nakaraang linggo malamang ay namatay na talaga ito. He caught her trying to jump off the cliff at ng pigilan niya ito, hindi na ito tumigil sa pag-iyak. "Aleister, maraming salamat sa paggamot sa aking anak ha?" Freya's Mom told him. Mahina siyang ngumiti. "Para po kay Freya gagawin ko ang lahat. Pero bakit po ayaw ninyo na isugod natin siya sa hospital?" "Dr. Filippa is here to help her. My daughter will be okay, basta mayro'ng tutulong sa amin na gumamot sa kaniya sa t'wing magse-selfharm siya. She'll be fine." Sagot nito sa kaniya at inabot niya ang bandage kay Aleister. Sandaling napatingin ang mama ni Freya sa labas, pinapakinggan nito ang pag-u-usap ni Dr. Filippa at ng asawa niya. "Napapahamak na ang anak ko tapos ang gusto mo e hayaan ko lang! Mamatay ang anak ko!" Napatingin si Aleister ng madinig niya 'yon. "Aleis, pupuntahan ko lang ang asawa ko ha? Samahan mo muna si Freya." Giit nito sa kaniya, he nodded at nagmadali namang lumabas ang mama ni Freya. Sinara nito ang pintuan kaya naman naiwan ang dalawa sa loob ng kwarto. "Look what that f*****g demon did to you." He remarked in a serious tone. Napatingin si Freya sa kaniya. "Bakit ba ayaw mo akong maging masaya?" tanong niya kay Aleister. "Pinapahamak ka niya, Freya." "Gusto lang niya na makasama ako, Kuya Aleis. May pagkakataon na, hayaan mo na akong maging masaya." She desperately begged. nagsimula na naman itong umiyak sa harap niya.  "Kuya, hindi din niya kayang mabuhay ng wala ako. Naiintindihan mo ba ha? Mahal na mahal namin ang isa't- isa kaya pakiusap, hayaan mo na lang akong mamatay!"  Napapikit na lamang si Aleister at saka siya yinakap ng mahigpit nito. "Gusto naming maging magkasama na!" muli n'yang iyak kay Aleister. "Naiintindihan ko ha? H'wag ka ng umiyak. Hahanap ako ng paraan upang magkasama kayong dalawa ha? Pakiusap, h'wag mo lang saktan ang sarili mo..." bulong niya dito, panandalian siyang humiwalay sa yakap niya rito at saka pinunasan ang mga mata ni Freya habang tinatanggap sa sarili niya, na hindi na para sa kaniya ang puso ni Freya kung 'di para sa demonyong gumamit sa katawan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD