CAPÍTULO 2

1613 Words
MATAPOS ANG PAG-UUSAP nina Don Arturo at iyong judgemental na kapatid nitong si Madett, naglakad na papasok ang Don habang siya'y nasa pinto lamang at naghihintay sa pagpasok nito. Kailangan niyang saraduhan ang pinto para hindi mapasok ng mga magnanakaw kahit na may mga guard sa labas. "May gagawin ka pa ba, Rosallia?" tanong ni Don Arturo nang makapasok sa loob. Hindi muna siya sumagot, sinaraduhan na muna niya ang pinto at nakangiting humarap sa matanda. "Wala na naman po. May iuutos po ba kayo? Sabihin niyo lang po at malugod ko po iyong gagawin." Ngumiti ang matanda. "Ihatid mo ako sa aking kuwarto at nahihirapan akong maglakad, maaari ba, hija?" "Oo naman po. Naging kasambahay pa po ako rito kung hindi ko po gagawin ang mga ipag-uutos niya. Kahit ano pa po iyan ay gagawin ko. Halina na po't tutulungan ko na po kayong maglakad." Bahagya siyang naglakad patungo rito at inangat ang kamay para hawakan pero natigilan siya. "P-puwede ko po bang hawakan ang braso niyo?" tanong niya kapagkuwan. Napatawa na lamang ang Don sa tinuran niya. Oo, alam niyang nakakatawa iyon pero gusto lang muna niyang manigurado kung gusto nitong magpahawak. Muwang niya bang mamaya ay itulak siya kasi allergic ito sa mahirap. Pero mukhang hindi naman ganoon si Don Arturo. "Hindi ko alam kung ano ang pumasok diyan sa utak mo, Rosallia. Sige na, hawakan mo na ako at ihatid sa aking kuwarto." Napatango na lang siya at mabilis na hinawakan ang braso nito saka inakay paakyat sa ikalawang palapag ng mansiyon. Tatlong palapag iyon at halos lahat ng nakatira rito ay nasa ikatlong palapag. Habang silang mga kasambahay at si Don Arturo ay nasa ikalawang palapag. Hindi rin maiwasan ni Rosallia ang makaramdam ng ka-espesyalan. Dati, ang alam niya ay sa ikaunang palapag natutulog ang mga kasambahay pero sila... nasa ikalawang palapag. Iba talaga si Don Arturo, sobrang bait at mabuti na lang ay hindi ito nahawa sa mga kapatid nitong masasama ang mga ugali. At dahil medyo may katandaan na ang Don, nahirapan siyang akayin ito pataas kahit na may walker ito. Aniya nga, trabaho niya ito at dapat niyang panindigan ang pinasok niya. Ilang sandali pa ang nakalipas, nakarating na sila sa ikalawang palapag. "Kahit ano ang ipag-utos ko ay gagawin mo, Rosallia?" mayamaya pa'y tanong ni Don Arturo sa gitna ng kanilang paglalakad. Tumango siya. "Oo naman po, kahit ano," masaya niyang sagot dito. Hindi na umimik ang matanda. Nagpatuloy na sila at nang marating na nila ang kuwarto nito, siya na ang nagbukas ng pinto. Pagkabukas na pagkabukas pa lamang niya, ang napakalaking loob na kaagad ang bumungad sa mga mata niya. Animo'y nagkikislapan ang mga mata niya dahil sa nasasaksihan. Ang laki ng kama at maski sa kuwarto nito ay punong-puno ng mg antigong bagay. Wala itong kasama sa kuwarto dahil namatay na ang asawa nito noon pa. Pumasok na silang dalawa habang akay-akay pa rin niya ang matanda at nang marating ang kama, umupo na roon ang Don. "Kung wala na po kayong iuutos ay mauuna na po ako," aniya. "Wala na, maaari ka nang umalis." "Sige po..." nakangiti niyang sagot at tumalikod na. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang biglang nagsalita si Don Arturo. "Sandali lang, Rosallia." Kaagad na nangunot ang noo niya dahil doon. Kapagkuwan ay hinarap niya ito. "Bakit po?" nagtataka niyang tanong. "Huwag ka munang umalis. Close the door." "P-Po?" "I said, close the door!" matigas nitong ani na kaniya namang tinanguan. Naglakad na siya patungo sa pinto at mabilis iyong sinaraduhan kapagkuwan ay nakangiti pa ring humarap sa Don pero sa loob-loob niyang kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan. Hindi niya alam, pero masama ang pakiramdam niya ngayon. Parang agresibo ito. "A-Ano na pong gagawin ko?" kakaba-kabang tanong niya. Ngumisi si Don Arturo saka tumayo at walang pagdadalawang-isip na itinumba ang walker nito na ikinaamang niya. Hindi lang doon iyon nagtatapos dahil naglakad ito nang tuwid na lalong ikinaamang ng bibig niya. Hindi totoong mahina na ang matandang ito. Malakas pa ito— malakas na malakas! "Huwag kang maingay, Rosallia. Just this night," medyo mahinang anito habang naglalakad— may ngisi pa rin sa mga labi nito. "Ano pong sinasabi niyo, Don Arturo?" takot niyang tanong dito. Hindi siya sinagot ng matanda... nagpatuloy lang ito sa paglalakad patungo sa kaniya. At kalaunan ay mabilis nitong nahawakan ang kaniyang magkabilang braso. "Huwag kang maingay, Rosallia. I promise you, just this night," ngingisi-ngising sabi nito saka dumukwang sa leeg niya at parang hayuk na dinalaan. Dahil doon, kaagad na magpumiglas si Rosallia dahil sa ginagawa ni Don Arturo. Pilit niyang kumakawala pero hindi niya kaya— hindi niya magawa dahil malakas ito kumpara sa kaniya na babae lamang. Diring-diri si Rosallia habang ginagawa iyon ng Don sa kaniya. Sa bawat paglapat ng mga labi nito sa balat niya, halos masuka siya. At kasabay noon ay ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata. "Tama na po, Don Artu—" Galit na tumigil ito at hinarap siya. "Huwag kang umiyak kung ayaw mong mamatay!" pagalit nitong sigaw saka hinila siya patungo sa kama. Kahit na nagpupumiglas siya, hindi pa rin siya makawala dahil sa sobrang lakas ng hayuk. Hindi pala totoong mabait si Don Arturo. Demonyo at halimaw pala ito. Nagsisisi na siya na pumasok siya sa trabaho sa mansiyon nito... nagsisisi rin siyang pinagkatiwalaan niya ito, na sinabi pa niyang walang masamang balak ito pero mayroon pala! Hayuk siyang itinulak ni Don Arturo sa kama at mabilis na kinaubabawan. Katulad kanina, ginawa na naman nito sa kaniya. Iyak lang siya nang iyak dahil doon... dahil wala siyang laban dito. Kalaunan ay parang ulol na pinunit nito ang mga damit niya maski ang suot niyang bra at panty ay hindi nakatakas. "Ang ganda mo, Rosallia. And I know, masarap ka," may pagnanasang ani Don Arturo saka lumuhod sa kama ay nagsimulang maghubad. Hindi siya makakaalis kung wala siyang gagawin kaya bumuwelyo siya at mabilis na sinipa ang matanda dahilan para mahulog ito sa kama. Narinig niya ang pagdaing nito kaya dali-dali siyang tumakbo at tinungo ang pinto. Nanginginig niyang hinawakan ang seradura at pinihit iyon pero hindi bumukas. Inulit-ulit niya pero walang nangyari. Kailangan niyang makatakas para hindi siya magahasa ni Don Arturo. At saka lamang niya napagtanto na kapag sinaraduhan ang pinto, hindi ito mabubuksaan kaagad dahil kailangan pa ng susi. Napahagulhol na lang siya dahil doon kaya binalingan niya kung nasaan ang Don at hindi pa man siya tuluyang nakakaharap, isang matigas na bagay ang pumukpok sa kaniyang ulo dahilan para matumba siya at mawalan ng malay. "ANONG NANGYARI SA iyo, Rosallia?" biglang tanong ni Ebet habang abala sila sa paglilinis ng swimming pool. Napatingin siya rito. At ang nangyari kagabi at rumihistro bigla sa kaniyang utak. Ginahasa siya ni Don Arturo ng ilang beses at iyong totoo'y mahapdi ang ibaba niya. Ilang ulit siya nitong ginalaw at diring-diri siya rito... diring-diri rin siya sa kaniyang sarili. Madumi na siya... madumi na ang pagkataong matagal na niyang inaalagaan nang dahil sa matandang iyon. Bakit naman ganoon? Akala niya'y magiging maayos ang buhay niyo rito pero naging baliktad. Naging basura ang buhay niya at ang dahilan noon ay si Don Arturo. "W-wala, ayos lang ako," malumanay niyang ani saka tumungo at ngumiwi dahil biglang kumirot ang ulo niyang hinampas ng Don kagabi. Nang magkaroon siya ng malay kagabi, ginagalaw na siya nito. Bakit sa lahat, siya pa ang kailangan nitong gahasain? Maling pinagkatiwalaan niya ito. Gumawa ito ng masama sa kaniya at humanda na siya dahil babagsak siya. Magsusumbong siya sa mga pulis ukol sa ginawa nito. Malakas ang loob niya dahil siya ang biktima. "Ayos? E, kanina ka pang ngumingiwi riyan. Ano bang nangyari? At oo nga pala, nakalimutan kong itanong sa iyo kanina ito. Saan ka ba nagpunta kagabi, huh? Hinihintay kita sa kuwarto natin pero hindi ka dumating," naguguluhang bulalas ni Ebet. "Marami ang nangyari kagabi na hindi mo na kailangang malaman pa," nakangiti niyang sabi rito saka nagpatuloy. Nakita niyang kumibit-balikat lang si Ebet at hindi na siya kinausap pa. Mas mabuting tahimik dahil kapag maingay ay naaalala lang niya ang ginawa ni Don Arturo. Matapos nilang maglinis, nagpaiwan muna si Rosallia dahil may aayusin pa siya. Umuna na si Ebet dahil kakain daw ito gutom na. Abala siya sa pagpupulot ng mga d**o ng isang tinig ay narinig niya mula sa kaniyang likuran. Pamilyar iyon at hindi na niya kailangang mag-isip kung sino iyon. Walang iba kundi ang demonyo at halimaw. Walang iba kundi ang r****t. Si Don Arturo. Kaagad na gumuhit ang galit sa kaniyang buong pagkatao at padaskol na hinarap ito at hindi nga siya nagkamali. "Bakit ka nandito? Gagahasin mo ba ulit ako?" walang galang niyang tanong dito. Nawalan na siya ng respeto rito at marahil ay deserve nito iyon. Napakababoy! "I came here to remind you." Ngumisi ito. "Kung gusto mo pang mabuhay ang pamilya mo, huwag na huwag mong sasabihin ang ginawa ko sa iyo kagabi. I could kill them if I want... isasama na rin kita. You don't know me, Rosallia! Hindi mo ako kilala! You better shut your mouth kung gusto mo pang mabuhay pa. Itatak mo iyan. And then, don't you dare leave my mansion, just don't leave," lintaya nito. "Hayop ka, pati pamilya ko ay idadamay ko. Napakadem—" Pinutol siya nito. "Demonyo ako, Rosallia. I'm just pretending to be nice!" nakangising bigkas nito at umalis na. Naikuyom na lang niya ang mga kamao at isinumpa ang matanda sa isip niya. Darating din ang araw na babalik ang karma nito. Hindi man ngayon, pero kaya niyang maghintay! ———
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD