Chapter 12

1064 Words
Kaybilis ng araw at buwan at ngayon nga ay naka takda na siyang umuwi ng pinas. Isang taon mula nang umalis siya sa bansang silangan, ayaw man ng puso niya ay wala na siyang magagawa pa lalo na at ginigipit na daw ang kanyang papa. "Naka handa na ba lahat ng gamit mo?" Tanung sa kanya ng tita Belinda niya . " Opo, naka handa na po," Sagot niya dito. niyakap siya nito, alam ng tita Belinda ang tungkol sa pag papakasal niya. Nung una ay hindi ito pumayag at nagalit pa ito sa papa niya, ilang beses din nakiusap ang tita Belinda niya na wag na ituloy pag papakasal niya pero wala din itong nagawa sa naging desisyon ng kanyang ama. Nangako ito na susunod ng pilipinas sa birthday niya. sa susunod na linggo ay 18th birthday na niya. kung ang iba ay excited sa sa debut nila, Siya naman ay gustong hinalin pabalik ang oras para maging malaya ulit siya. "Promise susunod ako, kung may iba pang paraan para wag kang makasal sa Dexter na yon ay gawin mo, kung gusto mo tumakas sabihan mo at tutulongan kita" Sabi pa ng tita Belinda niya, yumakap siya dito at ngumiti. "Ok lang po ako tita saka kilala ko naman po si Dexter at sigurado ako na di po ako ikakatiwala ni papa sa taong di niya kilala." "Naku siguradohin lang ng pap mo, kundi ipapa multo ko siya sa mama mo." natawa siya sa sinabi nito _______________________________________ "Welcome back anak" Nakangiting salubong sa kanya ng nana Luz niya. Niyakap siya nito ng mahigpit, Ito ang nag sundo sa kanya ngayon dahil may importanteng meeting daw ang kanyang ama. "Nana na miss ko po" sabi niya dito at gumanti ng yakap. "Asus na miss daw ako hindi mo na nga nagawang tumawag sa loob ng isang taon kaya nag tatampo ako sayo " May bahid ng pag tatampong sabi nito sa kanya. sinadya niya talagang huwag na tumawag para mawalan siya ng balita sa binata. "Nana naman sorry na po, pero alam mo naman po kung bakit ko ginawa yun diba" Aniya dito "Pero alam mo anak hiyang ka sa ibang bansa lalo kang gumanda doon." Puri nito sa kanya. "Ay nana matagal ko na pong alam yun" biro pa niya dito "Aysus nag buhat pa lalo ng bangko, halika kana at alam kong pagod ka sa biyahe, Romy ung gamit ni Richelle." Utos nito sa driver nila Wala pang isang oras ay nakarating na sila sa bahay nila. bumaba agad siya at inikot ang buong paligid na miss niya ang lugar na ito. "I really miss this." sabi pa niya "Halika kana sa loob at ng maka pag pahinga ka" Aya sa kanya ng nana Luz niya. kaya pumasok na sila sa loob ng bahay "Welcome home ma'am Rich" Sabay sabay na bati sa kanya ng kasambahay nila. "Wow! thank you na miss ko kayo ate Mary" Aniya dito at yumakap "at talagang nag abala pa kayo sa pag aayos para lang sa pag dating ko," " Naku ma'am syempre po gusto rin namin na suprisahin namin kayo." "Thank you so much sa inyo sobrang na miss ko kayo" "Kami din ma'am lalo na ito si nana, tuwing gabi at alas 7 ng umaga ay laging naka abang sa cellphone minsan kinukulit ako na tawagan ka kaya lang po ay hindi na namin kayo ma contact. Hindi na po kayo nag open sa Skype niyo." Nakonsensiya tuloy siya sa kweninto nito. "I'm sorry nana," Hinge niya ng paumanhin dito at niyakap ito. "Kalimutan muna yun halika kana at kumain nag paluto ako kay diday ng mga paborito mong pag kain " anito at hinila na siya papuntang dinning room. " Wow, na miss ko ang mga gantong pagkain thank you nana" " Sige na kumain kana at mag pahinga alam ko na pagod ka at may jet lag pa." sabi ni nana Luz. Nag sandok na siya nang pag kain ng may narinig siyang busina ng sasakyan, alam niya na ang papa niya na yun kaya dali dali siyang tumayo para salabungin ito. " papa " Agad siyang yumakap dito ng maka baba na ang ama niya sa sasakyan. "Anak, kamusta kana? pasensya kana at hindi ako ang nag sundo sayo may urgent meeting kasi sa opisa." agad din itong gumanti ng yakap sa kanya. "Ok lang papa, halika kana sabayan mo kami sa pag kain. na miss po kitang kasabay kumain." Aya niya sa ama sumunod naman ito sa kanya. Masaya silang kumain at habang kweninto niya sa mga ito ang naranasan niya Florida. Hindi makapaniwala ang ama niya ng sabihin niyang nag part time job siya doon at naka ipon ng sariling pera dahil doon. Pag katapos kumain ay umakyat na siya sa dating kwarto. Wala parin nag bago dito mula sa hardin hanggang sa kwarto niya ay walang binago ang mga ito maliban sa kobre kama at kurtina. Lumapit siya at umupo sa edge ng kama. Inikot niya ang kanyang paningin hanggang sa dumako ito sa isang picture frame na naka sabit sa ding ding. kinuha niya iyon at hinaplos ito iyon ang huling kuha nila nung graduation nila. Saka niya lang din napansin na marami pa silang picture na naka sabit doon. Binalik niya ang lawaran kung saan ito nakasabit saka pait na ngumiti. Sino ang mag lalagay ng mga larawan nila ng binata doon? Nasa ganun siyang pag iisip ng may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto, agad naman niyang binuksan ito at nakita ama sa na nakatayo roon. "Bakit po papa may kailangan po ba kayo?" Tanong niya rito, umiling ito sa kanya. "Wala anak sinilip lang kita para tanungin kung ayos kana ba dito." sagot nito sa kanya. "Wag niyo na po akong alalahanin papa sanay naman po ako dito." Kahit gusto niya man makipag usap pa dito pero parang hinihila na talaga ang katawan niya ng kama. "Sige, kung ok kana dito mag pahinga kana dahil magiging busy na tayo para sa pag aayos ng kasal at birthday mo." sabi nito, tumango lamang siya at ngumiti dito bilang sagot sa sinabi nito. bukas na bukas din ay aasikasohin na nila ng magiging asawa niya ang pag papakasal nila kasabay ng kanyang kaarawan. Tulad ng sinabi niya noon sa ama na sa pag balik niya kahit na sa mismong kaarawan niya ay isabay ang kanyang kasal
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD