"Mag iingat ka doon anak, Mami miss kitang bata ka. Bakit ba kasi biglaan ang pag alis mo" Emosyonal na sabi sa kanya ni nana Luz. Paalis na siya ngayong umaga at hinihintay niya na lang ang pag baba ng papa. Nahabag siya dahil sa sinabi nito.
"Nana babalik naman po ako, tatawag ako palagi promise ko yan ha." niyakap niya ang matanda para kahit papano ay ma ibsan ang lungkot na nararamdaman nito.
"Pag hindi mo na gusto doon at na ho homesick ka na umuwi ka kaagad ha, lagi mong tatandaan nag aantay kami ng papa mo sayo" Tuloyan na bumagsak ang pinipigilan niyang luha sa sinabi nito
"Promise po nana pag di ko na gusto doon at na miss ko kayo uuwi po ako. Please ingatan niyo po ang sarili niyo. Wag niyo po pababayaan si papa nana ha, kung may ano man pong problema at emergency wag kayo mag atubiling tawagan agad ako." Aniya sa matanda.
"Let's go anak baka malate kana sa flight mo" Napatingin siya sa papa niya at tumango.
"Babye po nana, mag iingat po kayo dito ha, alagaan niyo ang kalusugan niyo " Paalam niya sa matanda niyakap niya ulit.
" Mag iingat ka doon wag mong kalimutan tumawag dito." Yumakap din ito sa kanya tumago lang siya at kinuha na ang kanyang bag. Inilibot niya muna ang paningin sa loob ng bahay nila. Siguradong mamimiss niya ang lugar na ito. Pag katapos ikotin ang paningin sa buong kabahayan ay sumakay na siya sa likod ng sasakyan kung saan nakaupo ang kanyang papa.
Saktong 7am ay nasa airport na sila. Tumingin siya sa papa niya at nakita ang lungkot sa mga mata nito.
"Wag kana malungkot papa, pwede mo naman po ako madalaw doon anytime diba.Saka isipin mo na lang nag bakasyon ako doon dahil summer tulad ng pag babakasyon ko doon kada taon." Nakangiting sabi niya sa papa niya
"Kung pwede lang na pigilan ko na wag kana umalis anak ay ginawa ko na. Pero ayaw kong lalo kang magalit at mag tampo sa akin, kaya kahit labag man sa kalooban ko ay gagawin ko ito para sayo."
"Saglit lang ang isang taon papa," kumbinsi niya pa dito.
Bago tuloyan pumasuk sa airport ay yumakap siya dito. Alam niya na kahit di man sabihin ng papa niya ay na na kokonsensiya ito.
"Papasuk na po ako papa at tinatawag na po ang flight ko mag iingat po kayo, wag po sana puro trabaho." Nakangiting bilin niya dito.
"Sige na, ikamusta mo ako sa tita Belinda mo, pag may oras at maluwag ang schedule ko dadalawin kita doon" dagdag pa nito.
_______________________________________
Mabilis lumipas ang buwan. Six months na siya ngayon dito sa Florida USA,
huling tawag niya sa pilipinas ay nung unang buwan niya dito at birthday niya.Naalala pa niya ang pa uusap nila ng nana Luz niya
"Hello nana kamusta po kayo diyan?" Bungad agad niya sa matanda. kasalukoyan siyang nag bibihis dahil papasuk na siya sa pinapasukang paaralan dito.
"Ok naman kami dito anak, ikaw kamusta ka? happy 17th birthday sayo, abay isang taon na lang at dalaga kana"Dinig pa niyang sabi nito inayos niya muna ang buhok niya at humarap sa laptop niya.
"Thank you po nana,ok naman po ako, nag aadjust pa ng konti. May kaibigan na rin akong nakilala dito maliban kay Skye "Si Skye ay anak ng kaibagan ng tita Belinda niya nakilala niya ito nong lagi siyang nag babakasyon dito.
"abay mabuti naman kung ganun, at nang hindi ka nalulungkot diyan."
"Marami naman po akong kilala dito nana saka mababait din po sila, oo nga pala nana andiyan na po ba si papa?" Tanung niya rito
"Naku wala pa,iwan ko ba diyan sa ama mo at laging gabi na umuuwi." Napakunot noo siya sa sinabi nito
"Bakit po siya ginagabi?"
"Hindi ko rin alam anak at wala naman siyang sinasabi sa akin. Ang mabuti pa ikaw na ang mag tanong sa papa mo."
"Ganun po ba, sige po ako na kakausap kay papa. ah nana...." Nag dadalawang isip pa siya kung tatanungin niya ba ang matanda tungkol kay Brylle o may balita man lang ito sa binata.
" bakit anak?"
"Nag bisita po ba si brylle diyan nana?" Tanong niya dito.
"Naku yung batang yon ang kulit, nung araw ng alis mo pumunta dito mga alas onse ata ng umaga. Ayaw pa nga maniwala sa akin na wala ka dito, at talagang pumasok sa kwarto mo. Dahil akala niya ay ayaw mo daw siyang makausap." Napakagat labi siya sa kwento sa kanya ng matanda.
"Ano po sabi niya ng wala ako."
"Nakakatampo ka daw bakit daw hindi mo man lang pinaalam sa kanya na aalis ka. Para nga siyang iiyak ng mga oras na nalaman niyang umalis ka, at diyan na mag aaral. Naawa din ako sa kanya, bakit hindi kayo mag usap na dalawa anak. Baka pag nag kausap kayo ay mag kaayos kayong dalawa." Ngumiti lang siya sa matanda
"Wala rin naman pong magbabago nana kahit mag usap pa po kami" Sabi niya dito.
Yon ang huling pag uusap nila ng nana luz niya at huling tawag niya sa pilipinas. at di na ulit pa tumawag doon naging busy na rin kasi siya sa school maliban pa doon ay nag part time job sa coffee shop na pag mamay ari ng mommy ni Skye. Wala na din siya naging balita sa binata kahit sa mga kaibigan niya doon. Nag deactivate kasi siya ng mga account niya sa mga social media at gumawa ng bago account.
"Chel iha inaantay kana ni Skye. May usapan daw kayong lalabas kayo ngayon araw " Kinatok siya Ng tita Belinda niya sa kwarto upang ipaalam na inaantay na siya sa labas ng binata.
"Susunod na po ako tita" Pag kasabi nun ay dinapot na niya ang sling bag niya at muling tinignan ang sarili sa salamin ng makitang ok naman ang itsura niya ay lumabas na rin.
Pag labas niya nakita niya si Skye na kausap ang tita Belinda niya. Kita kita niya agad ng beloy nito sa pisnge. Aaminin niyang gwapo ang binata. Maganda din ang katawan nito ang kulay asul na mg mata nito na para bang nang hihipnotismo Ng mga babae.
"Hi kanina ka pa ba?" Tanung niya sa binata
"No actually kadarating ko lang. So let's go?" Aya nito sa kanya
"Tita alis na po kami" Pag papaalam niya sa tiyahin.
"O siya mag iingat kayo sa biyahe. Skye ingatan mo yang pamangkin ko ha." Bilin pa nito sa binata
"no problem, aunty, you know that when I'm with her, she's safe" Kindat nito sa tita Belinda niya.
"Aysus nag papalipad hangin ka lang kay Richelle eh" Tukso ng tita niya dito na kinatawa lang ng binata.
Agad din naman silang umalis ng binata.
Niyaya siya nito na mamasyal sa isang pasyalan dito sa Florida at dahil wala naman siyang pasok ngayon araw ay pumayag siyang mamasyal kasama ang binata.
Mga Isang oras din ang binyahe nila at marating nila ang Florida state park. inikot niya ang tingin sa buong paligid napa kaganda ng lugar
"Let's go babe " Anito at hinawakan ang kamay niya papasok ng parke.
buong hapon ay nag ikot sila,nkumain at kung anu ano pa. Kahit papano nawala sa isip niya ang na anim na buwan na lang at matatali na siya sa lalaking di niya mahal.