"Iuuwi ko na po ang asawa ko. Napagdesisyunan ko po na sa bahay ko na lang siya aalagaan. Alam ko na gusto nang umuwi ni Ashlene,” Jonathan said with a very sorrowful look, his tone also full of grief. Mahigpit niyang hawak ang isang kamay ni Ashlene na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
Magdadalawang buwan na pagkatapos ng aksidente pero hindi pa rin nagigising ang kanyang asawa.
“Kaya mo ba, Anak?” Hindi na nagulat pa ang mama ni Ashlene na si Aling Marcelina sa naging desisyon na iyon ng manugang. Naisip ng ginang na kahit gusto rin sana nitong alagaan ang anak ay mas may karapatan na ngayon si Jonathan dahil si Jonathan ang asawa. Ang tanging magagawa na lamang ng ginang ngayon ay alalayan ang mag-asawa.
“Are you really sure of that, Son?” tanong din ni Aling Susan kay Jonathan, a bit of doubt was also in her tone.
“Yes, Ma, Mom, aalagaan ko ang asawa ko. Kakayanin ko po,” Jonathan answered without hesitation. He promised God during their marriage that he would take care of Ashlene in good times and bad, in sickness and health, and he wanted to keep that promise. Aalagaan niya ang kanyang asawa hanggang sa magising ito.
Naisip niya na kukuha na lamang siya ng private nurse na mag-aasikaso kay Ashlene sa kanilang bahay kapag babalik na siya sa opisina. Disidido siya na gagawin niya ang lahat para maibigay ang pangangailangan ng kanyang asawa. Magtatrabaho siya nang maigi.
Kailangang magising si Ashlene dahil marami pa silang pangarap na mag-asawa. Kailangan pa nilang ipagpatuloy ang next chapter ng kanilang buhay—ng kanilang buhay legal na mag-asawa. Kailangan pa nilang bumuo ng isang pamilya kasama ng kanilang magiging anak tulad nang pinangarap nila noong mag-live-in partner pa lang sila. Kailangang matupad lahat ang mga pangarap nilang iyon kaya hindi niya igi-give-up si Ashlene.
“Maiwan ko po muna kayo. I will now settle Ashlene’s discharge. Kakausapin ko na rin po ang doktor niya ngayon,” paalam ni Jonathan sa kanyang ina at byenan nang hindi na sila nagsalita.
Malungkot na sinundan ng tingin na lamang ito nina Aling Susan at Aling Marcelina. Awang-awa ang dalawang ginang kay Jonathan. Kitang-kita kasi nila ang paghihirap ng kalooban nito sa sitwasyon ngayon ni Ashlene.
“Huwag tayong mag-alala dahil matatag ang anak ko, Balae. Kakayanin niya ang lahat ng ito.” Idinantay ni Aling Susan ang kamay sa balikat ni Aling Marcelina.
Ngumiti si Aling Marcelina pero hindi pa rin nito napigilan ang pagluha. “Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil siya ang naging asawa ng anak ko, Balae. Salamat sa pagmamahal niyo sa aking anak.”
Maluwag na niyakap ni Aling Susan ang balae at hinagud-hagod ang likod. “Nagmamahalan ang ating mga anak kaya naniniwala ako na hindi sila susuko sa isa’t isa, Balae. Aalagaan ni Jonathan si Ashlene at gigising naman si Ashlene para kay Jonathan. Magtiwala lamang tayo sa ating mga anak.”
Napahagulgol na si Aling Marcelina sa itinurang mga salita na iyon ni Aling Susan.
********
Sa doctor's office nga dumiretso si Jonathan nang iniwan niya saglit ang kanyang asawa, ina, at biyenan.
“If that’s what you want, Mr. Villasera. I believe your decision will be beneficial for your wife’s condition. And don’t worry; I will always prioritize her on my schedule. Bibisitahin ko siya nang madalas sa inyong tahanan,” at pagpayag naman ng doktor ni Ashlene sa nais niyang mangyari.
“Thank you, Doc.” Ini-extend ni Jonathan ang kanyang kamay para sa shake hands. In spite of the situation, he now managed to smile. At least, isa sa mga problema niya ay natapos na. Sapagkat ang totoo mas mahirap para sa kanya kung mananatili pa nang matanggal si Ashlene sa ospital. Malaking halaga ang matitipid niya kapag sa bahay na lamang nila ipagpapatuloy ni Ashlene ang pagpapagamot. He needs to be wise if he wants to prove that he can fulfill the role of being a husband to Ashlene. Hangga’t maaari ay ayaw niyang humingi ng tulong, lalo na sa Mama ni Ashlene. Papatunayan niya na kaya niya talagang alagaan ang kanyang asawa tulad ng kanyang ipinangako noon.
Nakipagkamay sa kanya ang doktor, ngumiti, and gave him a reassuring tap at shoulder. “Everything will be going to be fine.”
He nodded. Pigil na pigil niya ang sarili na huwag maluha. Ayaw niyang umiyak dahil wala naman siyang dapat iiyak. Dapat nga ay magpasalamat siya dahil kahit paano ay buhay si Ashlene. Hindi siya iniwan ng asawa. Suwerte pa rin sila dahil sa nakarimarimarim na aksidenteng iyon ay magkasama pa rin sila na mag-asawa.
Maaliwalas na kaunti ang mukha ni Jonathan nang lumabas siya sa opisina ng doktor. Pabalik na siya at malapit na siya sa kuwarto ng kanyang asawa nang may biglang bumangga sa kanyang likuran.
“Sorry,” agad-agad na paghingi naman ng dispensa ng babaeng bumangga sa kanya.
Lumingon siya sa babae at napansin niya agad na maganda ito. She was stunning, like a doll that came to life. Her face was perfectly sculptured, with big almond-shaped eyes, a tiny nose, and a swan-like neck emphasizing her model-thin elegance. Additionally, she had a voluptuous bust, a slender waist, and a saucy, plum-like backside.
Oh, hell! What was that?!
Iniling-iling ni Jonathan ang ulo. Ano ba ang mga naisip niyang mga iyon? Bakit pinupuri niya ang babae?
“Nasaktan ka ba, Mister?” may pag-aalalang tanong pa ng babae sa kanya. “Sorry talaga. Nagmamadali kasi at hindi kita—”
“No, Miss. I’m fine,” he said abruptly to cut her off. Pagkatapos ay ngumiti siya para ipakita na wala itong dapat ipag-alala.
“Sure ka ba? Nandito naman tayo sa ospital, puwede kang magpa-checkup kung gusto mo kung hindi ka sure.”
Natawa siya sa babae tapos ay natawa na rin ang babae sa kanya.
“By the way, ako nga pala si JL Arizala. And you are?” pakilala ng babae pagkatapos.
Bigla ay natigilan siya sa pagtawa at napatitig sa magandang mukha ni JL. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit siya natawa nang ganun na para ba’y wala na siyang problema? Paanong kahit saglit lang ay nakalimutan niya ang sitwasyon ng kanyang asawa?
“Mister, okay ka lang?” Kinampay-kampay ni JL ang mga kamay sa kanyang mukha.
Napakamot-batok naman siya nang makuha niya ang kanyang sarili. “Uhm, yeah. Okay lang naman. Anyway, ako naman si Jonathan Villasera,” pagkuwa’y alanganing pakilala na rin niya.
Nagliwanag ang magandang mukha ni JL. Mas naging matamis pa ang pagkakangiti nito sa kanya. “Nice meeting you, Jonathan. At ang totoo ay gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa ‘yo ang kaso ay kailangan ko na talagang umalis. ‘Yung lolo ko, inatake siya sa puso kasi kaya nagmamadali ako.
“Sige, sige, okay lang. Puntahan mo na ang lolo mo.”
“Okay, thank you. Sana magkita ulit tayo. Bye!”
Tumango siya at pinanood na lamang ang mabilis na papalayong dalaga.