"Love, puwede ba umusog ka malapit sa akin? Masyado kang malayo hindi kita mayakap. Inis akong umusog palapit sa kanya. Kung hindi lang sinabi ni Simon na kailangan kong maging mabait ako kay Aldrin. Kahit nasa iisang kuwarto kami hindi ako tatabi sa kanya. "Thank you." Ngumiti pa siya. Niyakap niya ako ng mahigpit at wala akong magawa kung hindi ang pagbigyan siya sa gusto niya. Hanggat nandito siya sa mansyon kailangan kong pagsilbihan si Aldrin. "Bukas ng umaga sa mansyon na pala tayo uuwi." Hindi ako nagsalita. Mula nang nandito siya sa mansyon. Hindi na naging maganda ang araw ko. Naiinis ako sa kanya lalo na kapag kaming dalawa ni Simon ang nag-uusap bigla siyang sumusulpot para magpapansin. Lumunok ako nang maramdaman kong ipinasok ni Aldrin ang kamay niya sa loob ng damit ko.