"Where's Aldrin?" tanong ko sa katulong nila. Nang magising ako ay wala na si Aldrin sa kuwarto namin. Ang akala ko ay maaga lng talaga siyang nagising para magluto ng almusal tulad kahapon na ginawa niya. "Hindi po ba sinabi sa iyo na aalis si Sir. Aldrin?" takang tanong ng katulong niya. "Ayaw na siguro niya akong gisingin dahil madaling araw na ako nakatulog," alibi ko. "Siya na lang po ang tanungin n'yo kapag dumating." Sabay talikod ng katulong niya. "Abah! Nilayasan ako ng bruha." Inis na inis ako. Masyado na bang masama ang ugali ko para magalit sa akin ang mga katulong ni Aldrin? Hindi ko na tinapos ang kinakain ko. Pumunta ako sa swimming pool upang maligo. Mamaya pa magigising si Cedric kaya walang mangungulit sa akin. Hinubad ko ang suot kong roba at tumalon ako sa pool.