"Pst! Kuya!" tawag ko sa securty guard ng club.
Nang makilala ako ng security guard ay lumapit siya sa akin. "Oh, mabuti naman at pumasok ka na?" Binuksan nito ang gate.
"Nandiyan ba si Nancy?"
"Oo, nandiyan silang lahat puntahan mo na lang sila."
Tumango ako. "Salamat."
Pumasok ako sa loob para bisitahin si Nancy ngunit bago ako makapasok ay nakita ako ni Mama Rita.
"Euhanna!"
Ang lapad ng ngiti ng bakla na si Mama Rita habang papalapit siya. Alas-sais pa lang ng gabi kaya nagsisimula pa lang na dumating ang babae na magbibigay aliw sa mga parokyano na pupunta sa club.
"Euhanna! Mabuti naman at pumasok ka na. Alam mo ba na marami ang naghahanap sa iyo kagabi ang dami mo sanang kikitain kung pumasok ka na kagabi."
Ngumiti ako sa kanya. "Maraming salamat pero hindi na po ako babalik dito."
Napawi ang ngiti niya saka nameywang. "At bakit? Akala ko ba kailangan mo ng malaking pera para sa operasyon ng anak mo? Ito lang ang mabilis na paraan para makakuha ka ng pera basta magpa-booking ka lang gabi-gabi siguradong ilang buwan lang ay makakaipon ka ng pera."
"Hindi ko na kailangan mag-ipon dahil may tao na tumulong sa akin para maoperahan ang anak ko."
"Talaga? Sino ang sugar Daddy mo? Kung sabagay hindi imposibleng magkaroon ka ng sugar Daddy. Maganda 'yan ginamit mo ang utak mo."
"Wala po akong sugar Daddy, may mabuting tao ang tumulong sa akin kaya may pera na para sa operasyon ng anak ko. Nandito po ako para bisitahin si Nancy."
"Ah, gano'n sige tatawagin ko siya." Nagpakendeng-kendeng siya na pumasok sa loob upang tawagin si Nancy. Ilang minuto pa at lumabas na si Nancy.
"Oh, Euhanna, bakit ka nandito?"
"Gusto ko lang ibalik sa iyo ang pera na inutang ko sa iyo." Sabat abot ko ng pera.
"Teka? Huwag mo muna akong bayaran mas kailangan mo 'yan."
Ngumiti ako. "Bukas na ang operasyon ni Elisa. Babalik din ako agad sa hospital dinaan ko lang talaga ito sa iyo."
"Saan ka nakakuha ng pera para sa operasyon ng anak mo?"
Tumingin ako sa paligid. Ayoko kasing may makarinig sa pinag-uusapan namin dalawa. "Yung customer kong lalaki siya pala ang may ari ng hospital kung saan naka-confine si Elisa."
Napatakip ng bibig si Nancy sa gulat. "Totoo ba 'yan? Kaya pala galante mayaman naman pala. Mabuti naman at tinulungan ka."
Tumango ako. "May kapalit ang tulong niya. Magiging maid niya ako para makabayad sa anak ko."
"Ibig sabihin magta-trabaho ka ng walang bayad sa kanya?"
Tumango ako. Sa ngayon ayokong may ibang nakakaalam sa naging usapan namin ni Aldrin. Ayokong madagdagan ang stress ko kapag sinabi ko sa kanila ang totoo.
"Okay lang 'yon ang mahalaga ay gumaling si Elisa. Ang sabi naman niya bibigyan niya ako ng pera para sa panggastos sa anak ko pero ang buong sahod hindi niya maibibigay," alibi ko.
"Huwag kang mag-alala kapag may sobra akong pera tutulungan kitang magbayad ng utang mo sa kanya."
Umiling ako. "Huwag na itabi mo na lang ang pera mo. Alam kong bawat sentimo ng pera mo ay mahalaga. Hindi biro ang trabaho mo diyan."
"Huwag kang mag-alala retired na ako sa booking." Sabay tawa niya.
"Maraming salamat sa tulong mo."
"Natutuwa ako dahil hindi ka nasadlak sa ganitong trabaho."
"Ipagdarasal kong makakaalis ka rin diyan."
"Ipagdarasal ko rin na sana maging maayos ang operasyon ni Elisa."
"Babalik na ako sa hospital pumunta lang talaga ako rito para ibalik 'yan sa iyo."
Ngumiti siya Nancy sa akin pagkatapos ay umalis na ako at bumalik sa hospital. Tulog na si Elisa nang dumating ako sa hospital.
"Ate Alice, umuwi ka muna para makapagpahinga ka. Ako muna ang magbabantay sa anak ko."
"Sigurado ka ba diyan?"
Tumango ako. "Thank you, Ate."
Tumayo si Ate Alice at inunat ang katawan. "Sige, babalik na lang ako bukas. Kung may problema tawagan mo ako."
"Sige, ate mag-iingat po kayo."
Palabas na sana si Ate Alice nang may bigla akong maalala. "Ate Alice, sandali lang."
Huminto siya at lumapit ako sa kanya. "Dalhin n'yo po ito para may pamasahe
kayo."
"Naku, 'wag na mas kailangan mo 'yan ngayon."
"Huwag po kayong mag-alala wala na akong ibang gagastusin. Kunin n'yo na po 'yan para pamasahe."
"Sige, maraming salamat dito."
Nang umalis na si Ate Alice ay pinagmasdan ko ang anak ko. "Anak, konting tiis na lang at gagaling ka na."
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang delivery boy. "Miss Euhanna Cardoña."
"Ako nga po. Bakit?"
Lumapit siya na bitbit ang dala niyang plastic bag na may lamang pagkain. "Delivery po para sa inyo."
"Wala po akong in-order ng pagkain. Bawal din po magpa-deliver ng pagkain dito."
Sa pagkakaalam ko kasi ay bawal pumasok ang food delivery sa loob ng hospital puwede lang silang maghintay sa labas pero ang pumasok sa loob ng hospital ay ipinagbabawal ng management nila.
"Pinabibigay ni Mr. Aldrin Herrera."
Tumahimik ako. Ngayon alam ko na kung bakit nakapasok ang delivery boy nang hindi hinarang ng security guard. Ang may ari pala ng hospital ang bumili ng mga pagkain.
"Thank you."
Isa-isa kong inalis sa plastic bag ang mga pagkain na dinala ng delivery boy.
"Mukhang masarap lahat ng pagkain." Sa umpisa ay tinikman ko lang ito ngunit nasarapan ako sa lasa kaya naubos ko na ang isang maliit na food box n nakalagay sa styro.
Huminto ako sa pagkain nang bumukas ang pinto. Akala ko ay nurse o kaya Doktor na naka-duty pero mas nagulat ako dahil si Aldrin ang pumasok at lumapit sa akin.
"Bakit nandito ka?" takang tanong ko.
Alas-otso na ng gabi dapat at wala na ang mga boss ng ganitong oras.
Umupo siya sa maliit na upuan. "Sasamahan kita magbantay sa anak mo."
"Ha?"
Nagsalubong ang kilay niya. "Siguro dapat magpagamot ka na rin may sira na yata ang tenga mo."
"S-Sorry, nagulat lang ako sa sinabi mo. Hindi ko inaasahan na sasamahan mo akong magbantay sa anak ko."
Tumingin si Aldrin sa nakabalot na pagkain. Sa sobrang pagkagulat ko kanina ay nakalimutan kong alukin siya ng pagkain na siya naman ang bumili.
"Tinirahan mo ba ako ng pagkain?"
Ilang beses akong tumango. "Oo!" Kinuha ko ang nakabalot na pagkain at binigay sa kanya. "Sorry, kinain ko na ang isa."
"It's okay, para sa atin naman ang pagkain na 'yan."
Isang tipid na ngiti ang naging tugon ko. Hindi na tuloy naging komportable ang pakiramdam ko dahil kay Aldrin.
"Ah— Aldrin may itatanong sana ako sa iyo?"
Huminto siya sa pagkain at inangat ang kilay niya. "Bakit?"
"Hindi ka ba busy? Ayoko kasing mapuyat ka."
"Gusto ko lang makasigurado na magiging maayos ang lahat. Ayokong masayang ang pera ko kung hindi naman siya gagaling."
"Salamat."
Binaling ko ang tingin kay Elisa. Hindi ko na kasi alam kung paano pa pakikipag-usap kay Aldrin awkward ang pakiramdam ko na parang napipilitan ako kausapin siya.
Natapos si Aldrin sa pagkain pagkatapos ay tiningnan niya ang monitoring sheet ni Elisa saka siya lumabas ng patient room.
Inakala ko ay tuluyan na siyang umalis ngunit nang bumukas ang pinto ay pumasok siya na kasama ang isang nurse.
Hindi ako umimik dahil nakatutok kami sa check up ng nurse. Nagpa-bllood pressure at ang pulso niya.
"Babalik po ako after two hours para sa medicine niya."
"Okay, thank you," sagot ni Aldrin.
"Sinadya mo bang tawagin ang nurse?" tanong ko.
Umiling siya. Nakita ko sa monitoring sheet niya na kailangan i-check ang BP sa ganitong oras. Hindi ko ba tinitingnan ito? Nakalagay dito kung anong oras sila nagbigay ng gamot para kung makalimutan nila ay ikaw ang magsasabi sa kanila."
Umiling ako. Hindi ko alam ang bagay na yan. Maraming salamat sa tulong mo."
"You're welcome, after your daughter's operation ay sa bahay na kita titira."
"Ha? Hindi ko ba puwedeng alagaan ang anak ko hanggang sa gumaling siya."
Seryoso ang mukha niyang tumingin sa akin. "Nagbago na ang isip ko. Masyado na akong mabait kung maghihintay pa ako ng isang taon bago mo simulan bayaran ang gastos ko sa magiging operasyon ng anak mo."
Tumango ako. "Okay, ikaw ang masusunod." Sabay tingin ko aky Elisa.
Kahit siguro anong sabihin ni Aldrin ay susundin ko huwag lang maudlot ang operasyon ni Elisa bukas. Si Aldrin na lang ang pag-asa ko.
"That's good." Umupo siya sa sofa at inabala niya ang sarili sa panonood sa cellphone niya hanggang sa nakatulog si Aldrin. Lumapit ako sa kanya upang gisingin siya.
"Aldrin, gising," marahan kong inuuga ang braso niya para magiding siya. Umupo ako sa tabi niya at muli ko siyang inuga. "Gising ka na umuwi ka na lang para makatulog ka ng ma— Ay!" sigaw ko.
Nagulat kasi ako nang bigla niyang hilahin ang braso ko at halikan sa labi. Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang t***k ng puso ko. Ilang segundo akong nawala sa sarili at hindi nakapag-isip ng tamang gagawin. Nang pumasok sa isip ko na nasa loob kami ng patient room ni Elisa at anumang oras ay puwede siyang magising.
Tinulak ko siya saka mabilis akong tumayo. Tumalikod ako sa kanya upang hindi niya makita ang pamumula ng mukha ko. "S-Sorry, N-Nasa ospital tayo," nabubulol kong sabi.
Hindi kasi ako puwedeng magreklamo o tumanggi dahil kasama yon sa binayaraan niya.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "I'm sorry, bigla kasi akong naalimpungatan."
"O-Okay lang."
Tumayo siya. "Siguro kailangan ko ng umuwi. Sorry, hindi na kita masasamahan sa pagbabantay ng anak mo."
Humarap ako sa kanya at nakita kong namumula ang mukha niya. Gusto ko sanang tanungin kung bakit namumula ang mukha niya kaya lang nahihiya akong magtanong.
"Okay, maraming salamat sa tulong mo sa akin."
Lumapit siya sa akin kaya umatras ako. Ngumisi siya. "Bakit parang natatakot ka sa akin?"
Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Hindi naman."
Yumuko si Aldrin para magpantay kami. "Alam mo Euhanna. Simula ngayon pag-aralan mo na kung paano mo ako paliligayahin dahil hindi ako papayag na naglabas ako ng malaking pera pero hindi naman ako magiging masaya. Humanda ka sa akin," bulong niya, pagkatapos ay hiwakan niya ang balikat ko at dinilaan niya ang leeg ko paakyat sa tainga.
Ilang beses akong lumunok upang pigilan ang sarili ko na huwag itulak si Aldrin. Hinayaan ko siyang gawin iyon sa akin.
"See you tomorrow." Sabay kindat niya sa akin.
Daig ko pa ang nabunutan ng tinik nang makalabas si Aldrin. Malamig sa loob ng patient room ni Elisa dahil na inilipat siya sa private room ni Aldrin kanina. Sa kabila ng lamig dulot ng aircon ay nararamdaman ko ang pawis sa noo ko.
Kuyom ang kamao ko. Ngayon pa lang ay hindi ko maintindihan ang ugali ni Aldrin.
Kayanin mo, Euhanna.
Kinabukasan ay maagang dumating ang tatlong Doctor na magsasagawa ng surgery kay Elisa. Sobrang kinakabahan ako para sa anak ko pero kailangan kong maging matapang. Wala na kasing ibang paraan para gumaling si Elisa. Ito na lang kaya sobrang ang pagdarasal ko para sa anak ko.
Pumunta si Nancy at Ate Alice para samahan ako. Hinalikan ko ang kamay ni Elisa. "Anak, pangako mo kay Mama. Lalaban ka. Huwag ka sasama kapag may gustong sumama sa iyo. Ako lang dapat ang sasamahan mo. Boses ko lang ang pakikinggan mo." Pigil na pigil akong huwag umiyak dahil ayokong panghinaan siya ng loob.
Tumango siya.
"Kapag magaling ka na ay mamasyal na tayo ay puwede mong kainin ang lahat ng gusto mo. Mahal na mahal kita anak." Hinalikan ko siya sa noo.
"M-Mama, magpapagaling po ako," sabi niya sa mahinang boses.
Tumango ako pagkatapos ay nilagay ko sa kamay niya ang rosaryo ginawa kong porselas niya ito. "Kapag natatakot ka pray ka lang."
Tumango siya at ngumiti.
"Mrs. Cardoña, oras na po para kunin ang anak n'yo," sabi ng nurse.
Tumango ako. Pagkatapos ay hinila ang wheelchair ni Elisa papuntang operating room. Sumunod pa ako hanggang sa may pinto ng operating room. Nang isara na ang pinto at humagulgol ako ng iyak. Natatakot ako sa operasyon niya. Kahit ayaw kong isipin ang hindi magandang bagay ay pumapasok ito sa isip ko.
Lumapit sa akin si Nancy at Ate Alice. "Magtiwala tayo sa Diyos. Alam kong malalampasan ni Elisa ang lahat. Hindi siya magpapadala ng taong nag-provide ng pera para pampaopera ni Elisa kung hindi siya gagaling. Naniniwala akong may dahilan si God kaya nangyari ito. Magtiwala tayo."
"Matapang ang anak mo parang ikaw din 'yon kaya 'wag kang umiyak. Halika ka na at magdasal tayo sa kapilya," ani Nancy.
Tumango ako saka sumunod sa kanila papuntang kapilya.
ILANG-BESES akong nagpabalik-balik sa may pinto ng operating room. Nagbabakasakali ako na baka bumukas ang pinto. Ilang oras na ang lumipas ngunit wala pa rin lumalabas na kahit isang doktor. Hindi na nakain ng tanghalian dahil sa pag-aalala kay Elisa.
"Euhanna, umupo ka rin nahihilo ako sa iyo," sabi ni Ate Alice.
"Ate, hindi ako makakapante hanggang hindi ko nalaman na ligtas ang anak ko."
"Wala tayong magagawa kung hindi ang maghintay na lumabas ang mga Doktor."
"Tama ang Ate mo, umupo ka muna dahil siguradong lalabas din ang mga yan."
Napilitan akong umupo ngunit nakatingin ako sa operating room kinakabahan ako at namumutla sa takot na baka hindi ko na makita ang anak ko.
"Kumain ka muna hindi ka pa kumakain."
Inabot niya sa akin ang burger ngunit hindi ko iyon kinuha. "Hindi ako makakain talaga."
"Hays! Baka ikaw ang magkasakit niyan," ani Nancy.
Hindi ako umimik. Nakatingin pa rin ako sa harap ng pinto ng emergency room.
Paging Mrs. Euhanna Cardoña, please proceed to the CEO office.
"Euhanna!" Tinapik pa ako ni Nancy para lang mapansin ko siya.
"Bakit?"
"Tawag ka punta ka raw sa CEO office."
Kumunot ang noo ko "Sino ang nagsabi?"
"Narinig kong tinatawag ang pangalan mo sa receptionist."
"Baka nagkakamali ka lang."
Paging Mrs. Euhanna Cardoña, please proceed to the CEO office.
"Sabi ko sa iyo ikaw ang hinahanap."
Siguradong si Aldrin ang tumatawag sa akin. Ngunit bakit ngayon pa niya ako tinatawag kung kailan naghihintay ako na may lumabas sa loob ng operating room.
"Paano kung may lumabas diyan sa pinto hindi ko malalaman."
"Tatawagan ka namin kapag may lumabas. Puntahan mo na dahil baka mainis 'yo at hindi bayaran ang gastos sa operasyon," ani Nancy.
Kahit labag sa loob ko ay umalis ako at pumunta sa opisina niya. Kumatok ako ng tatlong beses bago ako pumasok.
Nakadikwatro sisl Aldrin at seryoso ang mukha na nakatingin sa akin.
"Talagang gusto mo ng paulit-ulit na tinatawag," inis niyang sabi.
Yumuko ako. "Pasensiya na hindi kasi ako mapakali sa operasyon ng anak ko. Naghihintay ako na may lumabas sa operating room."
"Don't worry about your daughter, she's safe now."
Tumingala ako upang tumingin sa kanya. "Totoo ba ang sinabi mo?"
"Yeah, tumawag sa akin ang doctor sa operating room para sabihin na successful ang operasyon ng anak mo. Nasara na ang butas ng puso niya."
"Salamat!" Sa sobrang tuwa ko ay tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. "Thank you," tumutulo ang luha ko habang nakayakap sa kanya.
Hinaplos niya ang likod. "Don't worry, okay na."
Bigla kong naalala ang ginawa ko kaya kumalas ako sa kanya. " Sorry." Sabay yuko ko.
Narinig kong bumuntong-hininga siya
"Maraming salamat sa tulong mo."
"Pinapunta kita rito para sabihin ang magandang balita na iyon at para sabihin sa iyo na mula bukas ay sa bahay ka na titira kaya ngayon pa lang ay ayusin mo na ang mga gamit mo."
"Puwede ba akong magbantay sa anak ko?"
Saglit siyang nag-isip. "Okay, pagbibigyan kita sa gusto mo."
"Salamat." Sabay ngiti ko.
"Ilang beses ka ng nagpasalamat sa akin. Kung tutuusin hindi ka dapat nagpapasalamat sa akin dahil may kapalit ang lahat ng ito."
Ngumiti ako. "Wala na yatang makakapantay sa kaligayahan na nararamdaman ko ngayon dahil magaling na ang anak ko kaya kahit ilang beses akong magpasalamat ay gagawin ko."
"Okay, here." Sabay abot sa akin ng isang puting envelope."
"Ano ang laman nito?"
"Buksan mo para malaman mo ang sagot." Sabay simangot niya.
Binuksan ko ang envelope at nakita ko ang kulay black na invitation na may silver naka-ribbon sa ibabaw. Binuksan ko iyon at binasa ang nakasulat.
"Sino si Michaella Parker?"
Sumeryoso ang mukha niya. "My ex-girlfriend."
"Ay, sorry."
"Her birthday is on Friday, and she invited me to go, and I’ll take you to the party. You’re going to pretend to be my girlfriend."
“Girlfriend? Why?”
“Remember, you have no right to complain because you are my servant."
Tumango ako. "Naiintindihan ko, pero wala akong maayos na damit."
"“I will buy a gown that you will wear on Friday."
"Okay, puwede na ba akong umalis? Gusto ko ng makita ang anak ko."
Tumango siya. "Yeah, go ahead."
Halos takbuhin ko ang pinto para makalabas agad. Agad akong pumunta sa operating room pero wala na roon sila Nancy kaya naman ay nagtanong ako sa nurse na nadaanan ko."
"Inilipat na po ang pasyente sa private room."
Ngumiti ako. "Thank you,"
Hinanap ko ang silid ni Elisa hanggang sa nakita ko sila. Marami pa rin nakakabit sa katawan. ni Elisa at wala pa rin siyang malay. Gayunpaman, nakikita sa monitor ang mabilis na t***k ng puso ni Elisa patunay lang na nalampasan niya ang operasyon. At natutuwa akong makita iyon.