Chapter 6

2038 Words
Chapter 6 My memories are blurry. I just remembered that I kissed someone again while I'm drunk. Dahil sa naalala ay napangiwi ako saka unti-unting bumangon. And when I slowly opened my eyes the fact suddenly slapped me that I am not in my place. Nanlaki ang mga mata ko at nawala bigla ang sakit ng ulo ko. No, this can't be. Hindi naman siguro ako nakipag one night stand kagabi, hindi ba? No! Mabilis kong sinilip ang katawan ko sa ilalim ng makapal na kumot at bahagya akong nakahinga ng malalim nang makita kong nakadamit pa ako. Pero nasaan ako? This is not Rica's place either! Maraming mga pumasok na ideya sa utak ko. Paulit-ulit at sobrang nakakalito na tila hindi ko na maintindihan. At natigil lang iyon nang unti-unting bumukas ang pinto ng malaking kwarto. My eyes are wide open as I wait for someone to get inside. No, hindi pwedeng nakipag one night stand ako. No way! At iyon na lang ang pagsinghap ko ng malakas nang tuluyang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang pamilyar na lalaki. He's topless and his holding a glass of water on his right hand. "Why am I here?" tanong ko kaagad at mas lalo pang lumaki ang mga mata ko nang tuluyang maalala ang nangyari kagabi. I kissed him! Siya ang hinalikan ko! "Get up. You'll be late for your class," sabi niya na tila wala lang ang lahat. Lumapit pa siya sa akin para ibigay ang tubig saka ang gamot na makakapagpawala ng hangover. "Bakit mo ako dinala dito? And you didn't even changed my clothes? I feel so stinky," reklamo ko matapos kong inumin ang gamot kaya napataas ang kilay niya. "You want me to strip you naked?" taas kilay na tanong niya kaya napalunok na lang ako at nag-iwas ng tingin bago tuluyang tumayo. So this is his place. Kaya pala pamilyar ang amoy. Saglit kong sinuyod ang kabuuan ng kwarto niya bago ko siya ulit balingan. At nang makita kong tamad siyang nakatingin sa akin ay hindi ko napigilan ang paghagod sa kanya ng tingin. His body looks so perfect. He looks like the human form of the Gods from mythologies. Wala siyang suot na salamin kaya kitang-kita ang mga mata niyang halos tagos hanggang kaluluwa kung tumitig. "Clean yourself, now. Ihahatid kita sa condo mo," sabi niya saka ako tinalikuran pero mabilis ako kaya naharangan ko siya dahilan para mapatigil siya. "I kissed you last night," mahinang sambit ko habang tinitingnan ang magiging reaksyon niya. And his reaction made me pissed. Inis lang ang bumalatay sa mga mata niya. "Just clean yourself so you can go home," inis na sambit niya saka ako mabilis na iniwan sa kwartong 'yon. Inis naman akong napairap bago pumasok sa isang pinto na alam kong banyo. His manly scent is all over his bathroom. I don't want to imagine the possible things that he has done here but I can't help it. Kaya para hindi na mabahiran ng kadumihan ang utak ko ay mas binilisan ko ang pagligo. I used his shower gel so I assume now that I smell like him. And after that, I wrapped the white towel around my body before going out. Wala akong susuotin. Balak niya bang pauwiin ako na naka tuwalya lang? At bago pa dumami ang mga bintang ko sa kanya ay muling bumukas ang pinto. He entered and his holding a huge paper bag. "I have no clothes here," sabi ko pero mabilis lang niyang inilahad ang paper bag na dala niya habang hindi makatingin ng diretso sa akin at umiigting pa ang panga. "Here's your clothes. Faster," sabi niya kaya mabilis ko namang kinuha ang paper bag saka tiningnan ang laman. The first thing I saw was the brand new bra. At its cup D! "No! Hindi akin 'to," inis na sambit ko. Cup D? Mukha ba akong cup D? "So, would you rather go out with that piece of towel?" inis na sumbat niya at sa pagkakataong 'to ay tiningnan na niya ako ng diretso. Ang inis niya ay sinasalamin ang inis ko ngayon. "Sinong bumili nito? Is this for your girlfriend? Mukha ba akong cup D?" inis na sambit ko at napasinghap ako nang bumaba ang mga mata niya sa dibdib ko. "Just wear it," sabi niya at mabilis na tumalikod hanggang sa tuluyan siyang makalabas kaya inis na lang akong pumadyak saka muling tiningnan ang malaking bra na nagpapainit ng ulo ko. Cup D? That's too big! Ganiyan ba ang mga gusto niya? Yuck! Nang makita ko ang isang crop top saka ang isang jeans na fitted ay bahagyang nabawasan ang inis ko. And I gasped when I saw the Gucci sandals. Hindi ko alam kung sino ang bumili ng mga damit na 'to pero nakikita kong may taste siya. I'll rate this eight over ten because of the bra. Hindi ko sinuot ang bra. It's so uncomfortable kaya diretso kong sinuot ang crop top dahil medyo makapal naman ang tela at hindi maaninag ang nasa loob basta huwag lang titigah masyado. And this kind of get up is already popular here so this is no big deal. Tamang-tama na tapos na akong magbihis nang muli siyang pumasok sa loob. And this time I slightly gasped because he's only wearing a towel around his hips. At mukhang mahuhulog pa iyon! "You're done?" kaswal na tanong niya saka mabilis na pumasok sa walk in closet. Dahil doon ay nawala siya sa paningin ko kaya naiiling akong naupo sa kama. His room feels so comfortable. I can sleep here almost everyday if he'll let me. Nasa ganoon akong posisyon nang lumabas siya. This time he's wearing his typical black tuxedo which suits him so well. Kaagad na dumapo ang mga mata niya sa akin kaya napangiti ako ng matamis. "Don't wear your glasses. Mas bagay kapag wala," sabi ko pero wala akong narinig na sagot. Malamig lang na napunta ang mga mata niya sa kama niya kung saan ko nilapag ang bra na hindi ko sinuot. Kaagad ko iyong kinuha dahil nakita niya na rin naman saka inis na binato sa kanya pero hindi naman siya natamaan. Dumaan ang galit sa mga mata niya dahil doon pero ngumisi lang ako. "I won't wear that. Ibigay mo na lang sa girlfriend mo. And where's my bag?" sabi ko pero inis niyang pinulot ang bra saka binato rin sa akin. "Isuot mo 'yan," malamig na sambit niya kaya inis akong tumayo at humalukipkip. "No way! That's so uncomfortable! Saka makapal naman ang croptop kaya hindi rin kita! Don't act like you are new to this," sabi ko saka lumapit ako sa maliit na drawer malapit sa parang study table niya para maghanap ng suklay at nakakita rin naman ako kaagad. "My secretary bought those. Isuot mo na lang," inis na sabi niya pero nagpatuloy lang ako sa pagsuklay ng buhok ko. His room's so cozy but it look dull. Kailangan ng kulay at ingay. "Ayaw kong magsuot ng hindi ko size. Ikaw na lang ang magsuot kung gusto mo," balewalang sabi ko at parang napigtas ko na ang pagtitimpi niya dahil napasinghap siya ng mariin. "D*mn you, little brat. Get some coat in my closet and wear it," inis na sabi niya kaya natawa ako nga bahagya bago tumakbo patungo sa walk in closet kung saan siya pumasok kanina. At kaagad na bumungad sa akin ang maraming mga damit at mga relo na parang koleksyon niya. Dad has his watch collection too but I can't help but to be amaze. Ang gaganda at halatang ang mamahal. "Hurry up, I'm already late. Ididiretso na lang kita sa University. I need to get something from my office at the firm," sabi niya nang sumunod siya sa akin at naabutan niya akong manghang-mangha sa mga relo niyang mamahalin. "Can I have one? Iyang maliit na black akin na lang. Pwede sa babae," sabi ko at kita ko sa gilid ng mga mata ko na siya na lang ang kumuha ng isang coat bago lumapit sa akin. "Get it," sabi niya nang makalapit saka nilagay sa balikat ko ang malaki niyang coat pero sa pagkuha sa relo na nagustuhan ko ang pansin ko. Nang makuha ko iyon ay sinuot ko kaagad. Medyo malaki ang relo para sa akin pero maganda siya sobra. Ang mahal nito panigurado. "Huwag mong iwawala. Let's go," sabi niya saka nauna nang maglakad palabas kaya nakangisi naman akong sumunod hanggang sa makalabas kami sa kwarto niya at makababa sa sala. At doon sa sala niya ibinigay sa akin ang bag ko na dala-dala ko kagabi. "Can we eat first? I'm hungry," reklamo ko nang lumiko siya at sumunod naman ako. At doon nagbunyi ang gutom kong tiyan nang makita ang mga pagkain sa island counter. Hindi na ako nagpaalam sa kanya at mabilis na akong umupo sa isang high chair at naglagay ng pagkain sa plato na nandoon na rin naman. The tacos tastes so perfect. Gutom na gutom ako at ngayon ko lang napansin. "Gosh, I love this," I murmured while eating. Nang ma-satisfy ko ang sarili ko ay doon ko lang siya tiningnan. At nakita ko na mukhang kanina pa siya tapos kumain at hinihintay na lang ako. "Are you being kind? Bakit mo ako dinala dito? Dapat inuwi mo ako kagabi sa condo ko," sabi ko sa may tonong nanunuya. "Alam ko ba kung saan doon ang unit mo?" pabalang na tanong niya pabalik kaya natawa ako. "You can find some ways, Attorney. Beware, hindi ako pumapatol sa college professor," panunuya ko pero dumilim lang ang mga mata niya. "Don't worry, hindi rin ako pumapatol sa batang spoiled brat na hindi pa yata alam ang plano sa buhay," diretsong sambit niya saka mabilis na tumayo para ilagay lahat ng pinagkainan namin sa dishwasher. I was stunned for a moment because of what he said. "You are so rude!" I said after a couple of seconds. Matapos iyon ay wala na siyang ibang sinabi kaya nakasimangot na lang akong sumunod sa kanya palabas ng penthouse niya. At tulad ng sinabi niya kanina at diniretso niya ako sa University at pagkababa ko ay kaagad rin siyang umalis para pumunta sa Law firm niya. And I am so happy as I walk inside the University. At nang makita ko na inaabangan ako ni Rica malapit sa gate ay mas lalong lumaki ang ngiti ko habang siya ay inis na inis akong hinila ng pabiro. "Wow, nakangiti ngayon ang babaeng naglaho sa bar kagabi. Ano? One night stand?" tanong niya na ikinangiwi ko. "Excuse me," I said before rolling my eyes. Naningkit naman ang mga mata niya at kaagad akong inamoy na parang aso kaya natatawa naman akong lumayo. "Stay away!" "No! Amoy lalaki ka! Ang bango! Familiar!" "Just stay away!" natatawang sabi ko at nauna nang naglakad patungo sa classroom namin pero hindi pa siya tumigil kakatanong kahit alam niyang wala naman siyang makukuhang impormasyon sa akin. What would I say? Nag overnight ako sa penthouse ng instructor namin? And plus the fact that I kissed him, too. Hindi ko ngalang maalala masyado ang tungkol sa halik. Malambot kaya ang labi niya? Some guys have sweet lips. Does he have sweet lips? The manly scent stayed all over me for the whole day. Wala akong dinagdag pero sobrang bango pa rin. Gusto ko tuloy malaman kung saan siya nagpapa-laundry ng damit at kung anong pabango niya. I kinda like this manly scent. After class, Rica and I decided to shop. Sobrang confident akong mag-shopping dahil may pera ako. At bibili ako ng mga bagong blouse at pagkain na rin. But everything was so fast. Halos tatlong damit lang ang nabili ko at kumain lang kami sa isang restaurant pero habang papauwi nasilip kong limang daan na lang ang pera ko. "Gosh! These are so expensive!" I shouted when I saw the receipts. "Because you are an impulsive buyer. Sino bang may sabi na bumili ka nang bumili na hindi tumitingin sa price?" pambabara ni Rica at halos maiyak na lang ako nang ibaba niya ako sa harap ng building ng condo ko. Naubos ko ang perang binigay ni Axl. Mabuti na lang at wala na akong pasok bukas!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD