Chapter 14 - Pag-uungkat ng Nakaraan

1049 Words
"Isang linggo po kayong magbabakasyon dito? Parang mas maganda po ata na pumaraito muna kayo para mas sigurado ang kaligtasan?" tanong ko. Gusto ko sana silang makasama pa sa mahabang panahon. Tutal hindi rin naman sila makalabas masyado, magands na kung sama-sama kami. "Titingnan natin kung pwede, Minlei. May business din kasi tayo na kailangang i-manage," sagot ni Dad. Oh? So may business pala talaga kami? Ano ba ang estado ng buhay namin? Ano kaya ang pwede kong maitulong sa kanila? "Baka po makatutulong ako sa inyo habang walang ginagawa rito. Kahit ano po na pwedeng trabahuhin sa bahay," tanong ko. Hindi pwedeng wala akong ginagawa habang sila ay nagpapakahirap sa pagtatrabaho para sa kinabukasan namin ni Minari. "Mas gusto sana kitang magpahinga muna. Baka lalo kang mapasama kung magtatrabaho ka. Siguro kapag pinayagan ka na ni Mio, tsaka lang kami papayag," saad naman ni Mom. Napasimangot na lang ako sabay tingin kay Mio, seryoso ang tingin sa akin. Mukhang alam ko na agad ang isasagot niya. "Hm... Mukhang sa itsura po ni Mio ay hindi siya papayag. Sige po, maghintay na lang po ako ng araw na pwede na po akong tumulong," saad ko. "Mas maganda talaga na magpahinga ka muna, Minlei. Sa dami mong tinrabaho noon, deserve mong magbakasyon muna at magpahinga sa trabaho," saad naman ni Tita Michie. Nagkakaisa na sila. Napakasipag ko naman pala noon. Ano kaya ang mga tinatrabaho ko noon? Sa kwarto ko muna pinapatulog si Mom at Minari. Si Minari ay pinili na sa ibang kwarto na muna dahil may tatrabahuhin siya at may kailangan tawagan. "Mom, ano po kayang nangyari sa akin para mawalan ng malay?" kuryosong tanong ko. Nanlaki ang kanyang mga mata. Tumungo pa siya at hindi makatingin sa akin nang diretso. Naiintindihan ko na mabigat ang mga pangyayari. Hindi ko na pala dapat itinanong iyon kay Mom. "Nagkaroon kasi ng isang malaking pagsabog sa paaralan ninyo. Graduation iyon nangyari kaya maraming nasaktan. Isa ka sa malalang nasaktan noon at nagulat na lang din kami na ang tagal mong nawalan ng malay," sagot ni Mom, halatang nagpipigil ng luha. "Mom, don't cry, okay? Maayos na po ang aking pakiramdam. Bampira naman po ako kaya mabilis naghihilom ang aking mga sugat kagaya ninyo," saad ko, nagbigay pa ako ng isang magandang ngiti kay Mom para hindi siya mag-alala. Nakatulala lang sa akin si Mom. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman niya. Malungkot ba siya? Nagulat ba siya na alam kong bampira ako? "Are you okay, Mom? Bakit po ganiyan ang reaction ninyo?" nagtatakang tanong ko. "Wala naman, Anak. Nagulat lang ako na alam mo na," sagot niya. Ngumiti lang ulit ako sa kanya. Ramdam ko ang pagiging malungkot niya at ayoko naman iyon. Kasama ko siya ngayon, dapat maging masaya siya at huwag nang isipin ang nakaraan. "Mom, hayaan na po natin sa nakaraan ang mga masasamang alaala. Huwag na po nating ungkatin ang nakaraan. Ayoko pong malungkot kayo kapag naaalala ang mga iyon. Sa ngayon, gusto ko po ay masaya lang tayo. Gusto ko po na mag-look forward lang tayo para sa susunod na mga araw," payo ko kay Mom. "Pasensya na kung makulit si Mommy ha? Sobrang tagal lang kitang hindi nakita," malambing na tono niya. "Ayos lang po iyon, Mom," wika ko. Yumakap ako sa kanya habang nakahiga kami. Parang nami-miss ko ang pagyakap sa kanya kahit hindi ko maalala ang nakaraan. "Aminado ako na marami akong pagkakamali sa nakaraan mo. Kaya ngayon, babawi ako sa iyo. Sana mapatawad mo ako sa mga pagkakasala ko sa iyo," makabuluhang sabi niya. Ano kaya iyon? Gusto ko man tanungin, baka lalo lang siyang malungkot. Kahit kay Mio, nagiging maingat ako sa mga tinatanong ko. "Mom, tulad nga po noong aking mga sinabi, hayaan na po natin iyan sa nakaraan. Kahit naman po ako ay may nagawang mali noon. Hindi ko man po maalala, pero gagawin ko rin po ang lahat para maging mabuti ako sa iba," saad ko. "Mabuti ka talagang anak, Minlei. Lahat ay gagawin mo para sa mga mahal mo sa buhay. Sobrang tapang at matatag ka sa bawat laban na pinagdaanan mo. Hindi mo man kami nakasama, lagi lang kaming nakasuporta sa iyo," naluluhang saad ni Mom. Napakunot na naman ang aking noo. Hindi ko sila nakasama noon? Bakit? Kasi nag-aaral ako sa Vnight Academy na sinasabi ni Mio? "Busy po ata kayo masyado sa work habang nag-aaral ako. Okay lang po iyon. Dapat nga po ako na ang tumutulong ngayon at kayo naman ang nagpapahinga," saad ko. "Mahabang kwento, Minlei. Basta, humihingi ako ng kapatawaran sa lahat ng aking mga kasalanan. Mahal na mahal kita, Anak. Sana ay kapag nakaalala ka na, huwag magbago ang pagmamahal mo sa amin," malungkot na sabi niya. Bakit naman magbabago ang pagmamahal ko sa kanila? Kahit anong mangyari ay mga magulang ko pa rin sila. Hindi magbabago ang pagmamahal ko at hinding-hindi ko sila iiwan. Huminga ako nang malalim. "Paano naman po magbabago ang pagmamahal ko sa inyo? Lahat po tayo ay nagkakamali at lahat din naman po ay may karapatang magpatawad. Kung ano man po ang nakaraan, pinapatawad ko po kayo at sana ganoon din po kayo sa akin. Hindi po iyon magbabago dahil kayo ang aking mga magulang o kapamilya. Huwag po kayong negative mag-isip. Mahahawa po ako niyan," pagpapagaan ko ng kalooban niya. "Wala kang kasalanan sa amin. Lahat ng iyong ginawa ay para sa amin kaya sobrang thankful ako sa iyo. Kahit hindi mo kami kasama, ipinaglaban mo pa rin kami. Sobrang proud na proud kami ng Dad mo sa mga achievements mo," malambing na sabi niya. Na-touch naman ako. At least ay proud sila sa akin at iyon ang mahalaga. Wala na akong pakialam sa nakaraan basta masaya at ligtas kami. Mga ilang minutong sandali ay nakatulog na si Mom. Mukhang pagod siya sa byahe kaya madaling araw na siya nakatulog, hindi sa umaga. Hinayaan ko na lang siya. Pinagmasdan ko si Mom na parang puyat na puyat. Napatingin ko sa salamin. Wala akong eyebags, hindi katulad niya. Lumabas muna ako ng kwarto para i-check si Minari. Natigilan ako sa pagbaba ng hagdan nang makita sila ni Mio na nag-uusap sa kabilang balcony sa second floor. Nagdadalawang isip tuloy ako kung didiretso baba ako para hindi awkward o lalapit ako sa kanila para batiin sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD