Chapter 16 “Si Vlad ay may natatanging kakayahan upang maging isang magiting na tagapag ligtas ng kastilyo, kung huhusgahan siya at mababatid niya ang bagay na ‘yon maaring maging isang kalaban siya at banta sa atin. Sa mga Pagsusulit siya ang nangunguna, ang mga kaklase niya na may magagaling din na kakayahan ay malapit sa kanya maaring maging isang simula na naman ng digmaan. Bilang kanilang Guro gusto ‘ko na hangga't wala kayong napapatunayan ay huwag n'yong idiin ang pangalan ni Vlad. Isa siyang mabuting estudyante, hindi tama na husgahan siya base sa ala-alang hindi niya matandaan.” Wika ng Guro ni Vlad kay Drifher ng sadyain niya ito sa tirahan nito. “Ganyan din ang naiisip ko, ang marka niya ay hindi pa rin matuklasan. Sana ay matulungan niyo ‘ko, siguro iyon ang makakapag-tang