“Alam mo ang bagal mo! Nato-torpe ka na talaga.” Ani Michael ng matira silang dalawa sa newspaper room dahil sabay sabay na nag-lunch ang iba pa nilang kasama. “Di no. Mas maganda na ‘yong sinisigurado.” Sagot ni Andrew sa kaibigan habang nagta-type sa laptop. “Siya nga pala nakita ko si Mergene iba-iba ang kasamang lalaki, mukhang tama kang Vampire si Mergene. Balita ko kasi na malubha siyang nasaktan sa aksidente pero wala talaga siyang anumang sugat.” Sabi ni Michael na itinigil pa ang pag -susulat nito sa notebook. Napatigil din pagta-type si Andrew at saglit na nag-isip. “Diba tumigil ka na sa pagiging vampire hunter, hindi mo naman siguro sasaktan si Mergene ng Artemis mo, hindi naman sila ‘yong mga vampire na pumapatay kasi wala naman nababalita.” Si Michael na nakatitig sa kany