------ALTHEA's POV----- Matapos ang nangyari sa amin ni Tryke ay hindi ko na ulit siya nakita kahit sa sarili naming bahay. Hinahanap na rin siya sa akin ng kanyang mga magulang. Kaya naman nang lumipas na ang isang linggo ay wala na akong choice kundi ang puntahan siya sa bar na pag-aari niya, ang THE BAR. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob. Hindi ko alam kung ano ang madadatnan kong eksena pero wala akong pakealam. Nahigit ko ang aking hininga ng makita ko ang aking asawa na nasa gitna ng dance floor at sinasayawan ng dirty dancing ni Kiersley. Nang mahagip ako ng paningin ni Tryke ay mabilis siyang umatras palayo kay Kiersley. Hinatak niya ako papunta sa isang tahimik na bahagi ng bar kaya umalma ako. "Why are you dragging me here? Natatakot ka na mag-eskandalo