-------ALTHEA's POV------- Sinalubong ako ni Tryke sa pintuan ng sermon. Karga-karga niya si baby Angela at agad naman niyang inilipat sa kanlungan ko ang bata. "Asan ka natulog kagabi? Yung lalakeng iyon pa talaga ang sumagot sa phone mo! Ano yun magkatabi kayo? Tandaan mo lang to Althea ha wag na wag kang pabubuntis sa lalakeng iyon dahil lalo mo lang palalalain ang sitwasyon natin." Naningkit lalo ang tsinito niyang mata sa kaka-sigaw sa akin. Parang gusto kong tumawa sa harapan niya. Kung alam lang niya ang tungkol kay Jarred. Pero hindi ko siya bibigyan ng kasiyahan, ayoko na isipin niyang nakatali pa rin ako sa pagsasama namin. Kung kailangan kong magsinungaling ulit ay gagawin ko. Tutal nabuo naman sa kasinungalingan ang pagsasama namin mula pa sa umpisa. Agad akong nag pahap