CHIEF JONATHAN POV--- Simula nang nalaman ko na, ang kasal kasalan na laro ay naging legal na kasal para sa amin ni Mia. May kung anong saya sa puso ko ang umusbong. Marami mang dumaan na babae sa akin, may naging kasintahan din naman ako dati, pero hindi ako nakaramdam nang ganito, katulad nang naramdaman ko para kay Mia. Tiningnan ko ang account nya sa epbi nang makita ko nagpadala ako agad nang mensahe at nag add friend ako sa kanya. Pero naabutan lang nang pitong buwan kahit isa sa chat ko hindi manlang tiningnan. Araw-araw ko syang pinadalhan nang mensahe pero wala talagang balak akong e seen, kaya hinayaan ko muna baka busy sya sa kanyang trabaho. Naging busy narin ako sa trabaho. Pinuntahan ko ang kanyang magulang, sinabi ko sa kanila ang aking nalaman at kung paano kami napunta n