MIA POV---
Nagising ako na nasa, ibabaw na ako nang aking kama. At naka paligid na sa akin ang tatlo kung mga ate. Binigyan ako ni ate Jen nang isang basong tubig. At nandito din ang hayop na taksil. Nang makita nya akong nagising na, dali dali syang pumunta sa akin pero sinalubong ko sya nang nanliliksi kung tingin.
"Habibi! I'm sorry! nadala lng ako sa pang akit ni Aya . wala akong gustong sabihin sa kanya at hindi ko na gusto pang marinig ang mga kasinungalingan nyang sasabihin. Umalis ka sa harapan ko, lumayas ka! dito alis! tinuro ko ang pintuan para palayasin sya.
"Aron, ang mabuti pa umalis kana muna. sabi ni Ate Jen, kay Aron.
"Huwag kayong, makialam! dito mag uusap kami ni Mia, problema namin ito. Dahil sa galit at inis ko sa kanya, sinigawan ko na sya. At dinuduro duro at hindi mapigilan na umiyak.
"Hayop ka! alis problema mo lang yun, kasama nang haliparot na babe na yun. Kaya wala na tayong pag usapan pa. layas! lumayas! ka dito sa loob nang silid ko. Tumingin ako sa mha ate ko, na humihingi nang saklolo. Kaya sinabihan na ni Ate Mel, si Aron na lalabas na bago sila tumawag nang security sa baba. Kaya wala nang nagawa pa si Aron, at umalis. Niyakap ako nang mga ate ko at pinapatahan.
"Tama na 'yan bunso wag mong sayangin ang mga luha mo sa wala kwentang lalaki na yan. at ang malanding Aya, na yan hindi na makakabalik pa dito. Dahil kinaladkad namin palabas ang gaga sabi sa akin ni Ate Mel.
"Tama yan bunso iiyak mo lang yan ngayon. aAt bukas wag mo nang sayangin ang luha mo sa mga taksil na yun ,nandito lang kami mahal ka namin. sabi naman ni Ate Jessa.
"Tahan na langga may kalalagyan din ang gagang Aya, na yan sabi naman ni Ate Jen.
Nagpapasalamat ako sa kanila dahil kung wala sila sa tabi ko. Baka hindi ko kakayanin ang aking natuklasan. Hinahagod hagod nila ang aking likod at ulo.
"Salamat, mga ate! Huwag kayong mag alaala hindi ko sasayangin, ang buhay ko dahil lang sa kanila.Mga hayop sila . Binuhos ko na lahat ang aking mga luha para bukas hindi ko na iniyakan ang gagong yun.
"D'yan na muna kayo, at lalabas na muna ako para makapag luto nang pagkain natin. Sigurado akong hindi pa nakakain si bunso nang tanghalian. Dahil nakita ko kanina na may indomie sa basurahan. Kaya indomie naman kanina ang kanyang kinain. Pag paalam ni ate Jessa, dahil sa aming tatlo si Ate Jessa, ang mahilig magluto. Kami ni Ate Mel, nag aambag lang kung ano ang kanyang lulutuin.
"Sige Jessa, sarapan mo! at lutuin mo ang paborito ni bunso. Ang pinakbet na kanyang bet! na bet! at hindi ang kabet. Birong sabi ni ate Mel, kaya kahit sumisinghot singhot pa ako sa iyak napatawa ako. Oh! jiva! tumawa na si bunso. kaya dapat itawa nalang natin ang problema.
"Tama! sabi ni ate Jen, na dito daw muna sya. At mamayang gabi nalang sya uuwi, sa kanyang apartment. Dahil alas dose nang tanghali palang ngayon. Alas dies nang umaga kami, kanina dito nakabalik. At naabutan ang ginagawa nang dalawa na kababuyan.
"Wow! sarap! mo talaga magluto Jessa, papuri ni ate Mel,sa luto ni Ate Jessa. Dito na kami ngayon sa harap nang mesa kumakain.
"Uo nga! Mel, kita ko nga dahil parang ubusin mo na ang luto ko. Sabi mo kanina, lutuan si bunso nang paborito nya. 'Yun pala ikaw ang may gusto. pang bubuko ni Ate Jessa, kay ate Mel. Na ningusuan lang ni ate Mel, at patuloy parin sa pagkain.
"Alam mo naman, nagutom ako. Sa pagka ladkad kanina sa malandi! naubos ang powers ko. Grabi nga kanina hugas, ko nang alcohol sa aking kamay. Pagkatapos kung mahawakan ang gagang yun. "Eww! yuck! baka mahawaan pa ako. Mahabang salita ni Ate Mel, na kinatawa namin lahat.
"Marami ka talaga alam na kalokohan Mel, sabi sa kanya ni Ate Jen.
"Hay ako Jen! kung hindi lang ako nagpipigil kanina, at iniisip na baka makulong ako. Sa gagawin sa malandi na yun nako! nako! baka lumabas dito yun kanina na wala nang buhok, kamay, at paa. Ramdam ko ang galit ni ate Mel. Dahil sa aming tatlo, sya talaga ang palaban pag malaman n'yang may umaaway sa amin sya ang rumiresbak.
"Tama, na nga 'yan! wag na nating pag usapan pa sila. Isipin nalang natin na may masamang bisita tayo na pinalayas. sabi naman ni ate Jessa. kaya nag sang ayun kaming lahat sa sinabi nya .
"Pagkatapos naming kumain tumambay kami sa sala, at nag movie marathon. Ayaw nila akong papasukin sa loob nang aking silid. Dahil baka daw iiyak lamang ako, kaya dito kaming lahat sa sala. Nagluto ni ate Jessa, nang popcorn at gumawa nang orange juice.
"Pagsapit nang, alas otso nang gabi umuwi na si Ate Jen, sa kanyang apartment. Nagpasalamat at yumakap ako sa kanya. Bago sya umuwi pati narin sina ate Jessa, at ate Mel."
Magkatabi kaming tatlo, matulog dahil ayaw parin akong iwan nilang dalawa na mag isa. Dahil baka daw iiyakan ko parin, ang hayop na manloloko. Kaya wala na akong nagawa kundi makitabi sa kanila. Naglatag kami nang foam dito sa sala. Dahil hindi kami sa kwarto kasya, kaya nilabas lang namin ang aming mga foam at tinabi tabi para higaan.
"Mga ate! sobrang nagpasalamat talaga ako sa inyo. Hindi nyo ako pinabayaan at pangako ko sa inyo. Hindi na ako iiyak bukas dahil sa manlolokong yun."
"Kami, pa ba! bunso, hindi lang kaibigan ang turing namin sa'yo. Kundi kapatid na bunso namin ni Jessa." Sabi ni Ate Mel, Diba Jessa?"
"Uo naman Mel, hindi ka namin pababayaan bunso. At kami ang bahala sa gagang Aya, na yun. Tingnan natin kung may trabaho pa sya sa susunod na araw." Sabi ni ate Jessa .
"Hayaan mo na sya ate, basta hindi lang ako nila guguluhin. Hindi ko na sila pa papansin. Pero kung guluhin pa ako nila hindi ko talaga sila uurungan."
"Tama! Sabi nang dalawa kung ate, at yumakap sa akin. Yumakap din ako sa kanila at sabay kaming nakatulog .
Araw nang lunes, kaya balik trabaho naman kami. Medyo gumaan na ang aking pakiraramdam. Pero hindi ko parin maiwasan na masaktan. Dahil hindi ko lubos maisip na gagawin sa akin ni Aron, ang bagay na yun. At wala pang may naka alam sa pamilya ko, o kahit na si May. Bukas ko nalang sasabihin sa kanila.
Pagkatapos kung maayos ang aking sarili at gamit. Lumabas na ako sa aking silid para pumunta nang kusina. Para sa almusal, dahil kinatok na ako kanina ni ate Jessa. Pagdating ko sa kusina, ako nalang ang kanilang hinihintay.
"Good morning! mga ate." bati ko sa dalawa kung ate.
"Good morning! din bunso , sabay na bati nilang dalawa sa akin. Halika kana at makapag almusal na tayo . Para maaga tayo sa trabaho. Sabi ni Ate Mel. Kaya nag umpisa na kaming kumain, binigyan pa ako ni ate Jessa,nang isang basong gatas. Alagang alaga talaga ako nang mga ate ko. Kaya napaka swerte ko sa kanila."
"Pagkatapos naming kumain,tulong tulong kami sa pag linis nang aming pina kainan. At pagkatapos, gumayak na kami papuntang trabaho . Habang nasa sasakyan kami nagtanong ni Ate Jessa sa akin okay na ako .
"Okay! kana bunso? alam mo naman na nandun rin si Aya, nagtatrabaho."
"Sinungaling ako! ate kung sasagot ako na okay!, ako ngayon. Para sa inyo ni ate Mel, pilitin kung maging normal sa harapan nya, kung sakaling mag kasalubong kami."
"Mabuti naman kung ganun, basta nandito lang kami ni Mel, para sayo."
"Salamat ate! sagot ko kay ate Jessa.
Ang bilis nang araw at tapos narin ang isang araw na trabaho. Kaya oras na naman nang uwian. At hindi rin nagkita ang landas namin ni Aya. Baka nahiya kaya tudo iwas, asta wala na akong pakialam sa kanila.
Kinabukasan maaga akong nagising dahil plano ko nang sabihin kay bff Mayang. Para hindi nya na kukunin pa ang aking cenomar. Dahil walang kasalang magaganap."
Speaking of my bff ! na plano kong tawagan, pero pag online ko pa lang sya na ang tumawag .
"Hello bff! kamusta kana d'yan?" bungad ni Mayang, sa akin pag sagot ko nang kanyang tawag.
"Hello bff! okay, lang ako! Ikaw kmusta na d'yan? parang busy ka sa pagluluto ah! biro kung sagot sa kanya.
"Bff may sasabihin ako sabay naming sabi. Kaya nagka gitian kami."
"Sige bff! Ikaw ! na mauna. sabi ko sa kanya.
"Hindi na bff! Ikaw na." Sabi nya rin sa akin. Kaya ako na ang naunang magsabi."
"Bff! hindi ko na ituloy ang kasal dahil alam ko na. Hindi pa nga ako naka tapos magsalita, nang magsalita sya ."
"Alam mo na bff? sigurado ka? Hindi ka galit sa akin?"
"Bakit naman, ako magagalit sayo, Mayang? Dahil sa nalaman ko."
"Sure! ka bff? Hinding hindi ka talaga galit sa akin? Pag uulit nya pang tanong.Kaya nagtaka ako bakit magagalit ako, sa kataksilan ni Aron. Baka nga matawa pa sya, na hindi matuloy ang kasal namin. Dahil ayaw nya talaga si Aron, para sa akin."
"Ano ba ang pinagsasabi mo Mayang? bakit magagalit ako sayo? kung hindi matuloy ang kasal namin ni Aron? dahil nalaman kung niloloko nya ako kaya hindi ko itutuloy ang pag papakasal sa kanya. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata. Dahil naka vedio call kami ngayon."
"Natuklasan, mo pala? na niloloko ka nang Aron na yun? Kaya hindi matuloy ang kasal ninyo tama ba? At Hindi ang ibang natuklasan mo? panigurado pa na tanong ni Mayang sa akin. Kaya nagtaka talaga ako sa mga kinikilos nya ."
"Bakit? may iba pa ba akong dapat matuklasan? maliban sa panloloko ni Aron, sa akin?"
"Ganito yun bff! kasi diba pinakuha mo sa akin ang cenomar mo? kaya nalaman kung kasal ka na kay Chief Jonathan Mendoza, at may bisa pa."
"Anoooooooo!" sigaw ko sa aking kaibigan.