MIA POV--- "Bruha ka, kung hindi pa nag post si Jonathan, hindi ko pa nalaman na ikakasal na kayo sa simbahan." nag tatampong sabi ni May, sa akin habang kausap ko sya sa selpon. Plano ko namang sabihin sa kanya, kaya lang nauna na palang nag post si Jonathan. Marami ang napa comment na masaya sila para sa amin. Marami din ang bumati. Kinilig nga ako sa kanyang post hawak hawak nya ang kamay ko na may sing-sing may caption na. "I already found my the one, to treasure every single moment of my life. Im so excited to marry you again my beautiful Wife." Kilig na kilig ako habang binabasa ang caption. Hindi ko akalain na ang isang Chief ay napaka sweet na mamahalin ako ng ganito. Halos ipag sigawan nya sa buong mundo na ako ang babaeng mamahalin nya habang buhay. Nandito na kami ngayon sa