Chapter 07

2044 Words
CHIEF JONATHAN POV--- "Good morning, Chief! Bati nang mga naka salubong kung mga ka trabaho papasok nang aking opisina.Tatlong buwan na kami dito naka distino sa lungsod nang Cotabato. So far, maayos naman ang mga tao at mabait din ang Mayor. At mga kasamahan naming pulis at mabilis lang naming tatlo mapag lagayan nang loob." Buwan nang Nobyembre ngayon kaya busy kami,l. Dahil may mga malaking parol at ibang ibang desinyo sa harapan nang munusipyo. Dahil ito ang ginagawa ni Mayor, kada buwan nang pasko ang mag paligsahan gawa nang ibat ibang uri na bagay at gawing parol. At malaki ang halaga nang makukuha nang mananalo. Para mapasaya ang kanyang mga kinasasaluoan. Kaya bilang leader nang pulisya dito, dapat panatilihin ang pagiging ligtas nang bawat isa. Minsan hindi maiwasan na may lasing na pasaway pero mabilis rumisponde ang aking tauhan kaya naging maayos naman ang usapan. Tuwing gabi marami ang namamasyal dahil sa ganda nang mga ibat ibang desinyo nang mga parol. Labis na kina gigiliwan nang mga tao lalo nang mga kabataan. Habang nagbabasa ako nang mga nagdaang report dito sa aking opisina kumatok si Rodel at pumasok. "Chief, good afternoon". at sumaludo sa akin. Nagyaya si PO1 Magsaysay, sa kanilang bahay. May kunting salo salo daw sa kanila. Birthday nang anak nya, ano punta tayo?" Tanong ni Rodel sa akin. Kung kami lang first base lang tawag ko sa kanila pero kung sa maraming dapat may respito din kahit na ako ang Chief nila. "Ano oras ba?" Tanong ko naman sa kanya. Tiningnan ko ang aking relo, alas tres na nang hapon. "Mga alas kwatro daw, Chief! at may kunting inuman. Tumawag sya sa akin kani-kanila lang on leave kasi sya." "Okay! punta tayo, pero Hindi tayo magtatagal duon. Kailangan pa nating mag ronda sa paligid mamaya. Alam mo naman na maraming tao gabi-gabi ang namamasyal. Kahit pa sabihin natin na maayos naman ang paligid. Pero hindi tayo makakasiguro nang sugiridad, lalo na kung may mga dayo. Mas mabuting alerto tayo." "Da best, chief! ka talaga chief, kaya kahit saan ka idistino pag umalis ka marami ang nalulungkot. Dahil sa pagiging tapat mo sa serbisyo. Dahil hindi katulad mo ang umupo at maghintay lang, dito sa loob nang opisina mo para maghintay lang nang report nang tauhan mo." "Ginagawa ko lang ang sinumpaan kung tungkulin Rodel, kaya sa abot nang aking makakaya gawin ko ang lahat. Para mapanatili lang ang kaligtasan nang lungsod, at dahil narin sa tulong nyo." "Kaya loding lodi! ka namin Chief, eh! sige Chief, labas muna ako. Para sabihan ko ang mga kasamahan natin na pumayag kang pupunta tayo kay PO1 Magsaysay." Alas kwatro nang hapon nang nagligpit na ako ng mga papelis sa aking mesa. Dahil pupunta na kami sa bahay ni PO1 Magsaysay. Kinuha ko na ang aking jacket at sinuot. Paglabas ko sakto naman na nakita ko si Rodel, at Joel at iba pa na naghihintay sa akin. Kaya kanya kanya na kami sakay sa aming sasakyan. May naiwan naman na mag bantay sa opisina. Nagpadala din pala si Magsaysay, nang pagkain dito. Kaya ang iba dito nalang kumain." "Chief, salamat!, at pumunta kayo." salubong sa amin ni PO1 Magsaysay. "Salamat!, din sa imbitasyun PO1." Nagkamayan kami at pinapasok nya na kami sa loob. "Halika, pasok kayo." Pumasok na kami sa kanilang gate at tumuloy kami sa isang parang bahay kubo dahil dito kami dinala ni PO1 Magsaysay . "Sandali lang, Chief! tawagin ko lang si misis upo muna kayo. Sabi sa amin ni PO1 Magsaysay. "Mahal! halika ka, nandito na si Chief." tawag ni PO1 sa kanyang asawa may lumabas naman na babae galing kusina. At may kasamang bata, ito siguro ang may birthday. "Chief, ito pala misis ko, si Minda. At ito ang pangalawang anak namin. Mahal! ito ang mabait naming Chief. Si Chief Jonathan Mendoza. Kaka distino nya lang dito mahal mabait, masipag, at matapat na Chief, namin ito mahal! at sila ang mga kasamahan ko." Nahiya naman ako dahil pinuro nya pa talaga ako sa harapan nang kanyang asawa .Kanya kanyang bati sa asawa ni PO1 Magsaysay ang aking mga tauhan. "Hello! Chief, salamat at naka punta kayo." Bati sa amin nang kanyang asawa. "Hello, ma'am! Salamat sa pagtanggap sa amin, At wala ho yun maliit na bagay. Ito ba ang may birthday?" Tanong ko sa asawa ni Magsaysay. "Uo chief, tatlong taon nya ngayon Chief." sagot ni Magsaysay sa akin. Dahil wala akong gift dahil kanina ko lang naman nalaman.Kaya kinuha ko ang aking pitaka sa aking bulsa. At kumuha ng limang libo at binigay sa bata. "Baby boy! happy birthday!" "Ay hala! chief, ang laki naman nang binigay mo. Nakakahiya naman, pinapunta namin kayo dito pra sa kunting salo salo Chief." "Okay, lang yang ma'am. Minsan lang naman mag birthday si baby." "Tanggapin mo na ma'am, galanti talaga yan si Chief, at mabait. sabi ni Joel, sa ginang. "Nako maraming chief!, baby say thank you to sir Chief. Tumingin naman sa akin ang bata at ngumiti. "Thank you po! sir pogi." "Very good baby!, pogi talaga ako anuh?" sakay ko sa bata. Dahil may ilang tumingin na mga bisita lalo na mga kababaihan sa amin. "Pogi mo po! dami nga tingin sayo. At ganda din nila. Sabay hagikhik. "Nakong bata ka! mana ka talaga sa tatay mo .Sabi nang asawa ni PO1 magsaysay. "Bakit naman mahal, nasali naman ako d'yan?" "Kasi kung may makita kang maganda lumiliwanag ang mata mo. Sagot naman ni misis Magsaysay. Na tinawaan nang mga kasamahan ko si PO1. "Napakamot nalang nang ulo si PO1 Magsaysay, at niyaya nya na kaming kumain. Dahil mag nakalagay nang pagkain dito sa kubo. Kaya ang mga tauhan ko kumuha nang plato at nag umpisa nang kumain. "Mahal! yung tinabi ko pra kay Chief, paki dala na sa kanya alam kung magusgustuhan ni Chief 'yun." "Okay, mahal! kukunin ko na." Sandali lang Chief." paalam nang misis ni Magsaysay . "Mga buddy salamat sa pagpunta." Sabi ni Magsaysay sa aming kasamahan. "Salamat din buddy ,dahil kung hindi ka nang imbinta hindi kana makapasok sa opisina." birong sagot ni Joel na pangiti ngiti, pero joke lang buddy. Ikaw pa ba lakas ka sa akin eh! bawi ni Joel, kaya nag apiran nalang sila at nagpatuloy sa pagkain. Dumating narin ang misis ni Magsaysay,at may dalang malaking bowl at binigay kay PO1 Magsaysay. "Mahal! ito na." kinuha naman ni Magsaysay, at nilagay sa mesa. "Chief ito patotin ako nagluto n'yan masarap 'yan." Sa narinig kung patotin bigla akong nagutom dahil plano ko lang naman magpakita dahil busog naman ako kanina sa merienda sa opisina.Pero sa patotin hindi ko uurungan dahil paborito ko ito. "Wow! PO1 salamat paborito ko ito." Matagal tagal nang hindi nito nakakain. Last na kain ko si mama ang nagluto, ayaw ko kasing kumain pag iba ang nagluto. Minsan kasi may amoy o malansa pero pag luto ni mama taob ang kaldero sa amin. Pagkatapos naming kumain naglabas si PO1 nang beer para mag inuman. Marami pa naman kaming natirang ulam kaya yun nalang ang ginawa naming pulutan. "Mga buddy, hinay hinay sa inum, at alalahanin nyo naka suot pa tayo nang uniporme at kasama nyo ako. Baka masama sa iba ang tingin nila sa atin. At mag roronda pa tayo mamaya." Paalala ko sa aking mga tauhan mahirap na baka kung ano pa sabihin sa amin at makarating kay Mayor. Kahit wala naman kaming masamang ginawa buti na ang nag iingat. At ayaw ko nang matulad dati bago kami pumunta dito, na nagising akong may babae akong katabi dahil sa subrang lasing. Hindi ko alam kung anong nangyari pero ang pagkaka tanda ko walang nangyari sa amin nang babae. Kaya nang magising ako dali dali akong bumangon at umalis, tulog na tulog pa ang babae na iniwan ko lang. Subrang sakit nang ulo ko pagdating nang bahay. Sana hindi manggulo ang babae dahil malamang kilala nya ako at ang aking pamilya. Mabuti pagdating nang lunes natanggap ko na ang release order ko papunta nang Cotabato. At hindi ko na nakita pa ang babae. Kaya simula nuon ayaw ko nang magpaka lasing . "Chief, yes Chief! sabay na sagot nila sa akin." Tatlong case lang ang inubos namin at nagpaalam na sa mag asawa para bumalik nang munusipyo. Alas sais nang gabi pinaghanda ko na ang aking mga tauhan na maghanda para mag libot libot sa paligid nang lungsod. At duon kami tatambay kung saan nakalagay ang mga parol na dinadayo nang mga tao. Marami ring iba't ibang paninda. Alas dies, na nang gabi kami bumalik nang munusipyo. Dahil alas nuebe y media ang curfew para sa panunuod nang mga parol. At sinigurado ko muna na maayos ang kapaligiran, at gumayak narin kami pabalik sa munusipyo para uuwi nang kanya kanyang bahay. Si Rodel duon nakatira sa bahay ni Joel. Sa kanyang magulang. Taga dito din sya at nakaasawa lang nang taga Davao. Nalaman ko din na si Mia taga dito din pala. Pero kasalukuyang nasa Saudi sya ngayon. Nagkita lang pala sila ni May sa Davao, dahil duon ang sakay nya nang eroplano papuntang Saudi. Pagdating ko sa inuupahan kung bahay, hubo't hubad akong pumasok nang banyo para maglinis nang aking katawan.. Actually may kwarto naman ako sa aking opisina minsan duon narin ako nagpapalipas nang gabi. Pero ngayon naisipan kung umuwi baka kasi may masamang tao na maligaw mahirap na. Pagkatapos kung maglinis nang aking katawan humiga sa aking kama at tuluyan nang nakatulog." Alas singko nang umaga nagising ako dahil sa aking alarm. Pina alarm ko para para maka gising nang maaga para mag jogging. Alas otso maman ang aking pasok, ,kaya bumangon na ako nag tooth brush naghilamos at nag suot na nang damit pang jogging. Pinaresan ko nang Nike na sapatas na kulay puti at nang ready na ako lumabas na ako nang bahay. At mag simula nang mag ikot sa oval malapit lang sa bahay. Marami din ang nag jo-jogging at may ilang din na kababaihan na parang bago ko lng namukhaan. "Hi sir Chief, good morning! bati sa akin nang mga dalagita na sa tantya ko ay nasa dese otso ang sila o dese nuebe tatlo silang magkasama. "Good morning ladies! nag jo-jogging din pala kayo? " Hm! sir, inaabangan ka talaga namin sir." Ang nahihiya pang sabi nang isa.p Pwedi kami sir maki join sa pag jogging mo? Dahil maayos naman ang kanilang sinabi kaya pumayag narin ako. " Sure ang lawak naman nang oval mas marami, mas masaya at enjoy mag jogging. Nag hagikhikan nanam silang tatlo. " Samalat sir! " Sir ang gwapo! mo po talaga." Sabi nang isang babae na naka kulay black na shirt. Ngumita lang ako sa kanila at niyaya ko na silang mag jogging. "Sir, ako palasi Rudina, at sya naman si Kenda, at sya naman si Tala. Nag hi, naman sila sa akin at ningitian ko lang sila. Kaya tinanong ko nalang. Dahil parang nagpapa cute sila sa akin at naasiwa ako sa kanila. Ang babata pa nila at ayaw ko talaga na may umaligid na babae sa akin, maliban sa kapatid ko at kay mama. "Nag aaral pa ba kayo?" " Nagtatrabaho na ho kami sir. Ang totoo po kapit bahay nyo kami hindi nyo lang yata kami napansin. Dahil subrang busy nyo po, at d'yan kami nagtatrabaho sa tindahan ni aling Amani. "Busy kasi ako sa trabaho, alam nyo basta lider nang pulis, hindi magpapabaya sa obligasyun. Kaya siguro hindi ko kayo napansin, kasi gabi narin ako makauwi. At maaga naman pupunta nang opisina. "Single kapa ba sir!?" deretsahang tanong ni Rudina. At sya din kanina ang nagsabi na gwapo ako. Kaya diritsahan ko rin syang sinagot. "May asawa na ako" iwan ko kung bakit yun ang nasagaot ko, gusto ko na kasing lumayo sa kanila. "Ay, sayang sir! akala ko po, single kayo! Kasi hindi naman namin nakita na may asawa ka o kasama sa bahay mo. "Nasa abroad sya, at tinatapos nya nalang ang kanyang kuntrata para dito na sya sa akin. At magsama na kami. Nakita ko ang pagka dismaya nang mga dalaga lalo na si Rudina, ang pangalan. Bahala kung malaman nila na single talaga ako. Ayaw ko talaga sa mga babae na nagpapakita nang motibo sa akin. Dahil hindi naman ako inosenti sa mga bagay na yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD