CHIEF JONATHAN POV--- TATLONG buwan na simula nang umuwi galing Saudi si Mia. Naging maayos naman kaming dalawa. Minsan sa bahay nila ako natutulog, minsan sa bahay namin kami natutulog na dalawa.Kuntinto na muna ako sa yakap at halik. Ayaw ko muna s'yang madaliin baka matakot at lumayo. Hintayin ko na, kusa n'yang ibigay sa akin ang kanyang sarili. Nararamdaman ko na naman na malapit na mangyari 'yun. Hindi naman sya nag rereklamo sa tuwing yakapin at halikan ko sya, kahit pa sa harap ng kanyang magulang. Masaya kami ngayon sa piling nang isa't-isa. Marami na rin ang nakaalam na mag asawa kaming dalawa. May dalawa nga akong pulis Sargent na ka klasi dati ni Mia, hindi nga sila maka paniwala na asawa ko si Mia. Nabanggit ko na dati sa kanila na may asawa na ako, ngunit hindi ko sinabi an