Chapter 3: Kenji

2960 Words
"Kenji, anak, please..." pakiusap ni Daddy ngunit tumalikod lang ako ng higa. Ayokong makinig sa kanya. Ayokong makinig sa kanila. "Anak, para rin naman sa'yo itong ipinakikiusap namin sa'yo." Muli niyang pakiusap. Hindi pa rin ako sumasagot. Bakit ako makikinig sa kanila kung sila ang dahilan kung bakit ako nagdurusa ngayon? Kung hindi nila... damn. Kung hindi nila kami pinakialaman ni Azyra, sana wala ako ngayon sa ganitong sitwasyon. "Ipapaakyat ko na lang ang dinner mo." Sumusukong sabi ni Daddy bago ko narinig ang mga yabag niyang papaalis, ang pagbukas at ang pagsara ng pintuan ng kuwarto ko. I know I am being hard to my parents. I was known as the more obidient son sa aming dalawa ni Kuya Akira. But since that day I discovered na sila ang sumira sa buhay ko, nawalan na ako ng amor sa kanila. Hindi pa naman tuluyang nawala ang respeto at pagmamahal ko sa kanila pero simula nang malaman kong kinausap ni Papa si Azyra para makipaghiwalay sa akin, naging malamig na ako sa kanilang dalawa. Papa wouldn't do it kung wala ang blessing ni Dad kaya alam kong silang dalawa ang nagplano ng lahat. They tried to keep it from me for two years. Kay Kuya Akira ko pa nalaman ang lahat a year ago. Nagkasagutan daw sila ni Azyra and he admitted to my brother the real reason why he broke up with me. Kaagad namang itinawag iyon sa akin ni Kuya. When I confronted my parents, hindi na nila itinanggi iyon lalo at naging saksi sila sa ginagawa kong pagsira sa buhay ko simula nang iwan ako ni Azyra. I couldn't accept their reasons. Gusto raw nilang mag-mature kaming dalawa ni Azyra. Gusto raw nilang may patunayan muna kami sa aming kanya-kanyang pamilya. Gusto raw nilang makita na matuto kaming tunayo sa sarili naming mga paa. What the f**k?! Ano pa ba ang kinakailangang patunayan ni Azyra? Graduate na siya sa kurso niya at nagtratrabaho sa company ng mga Vladimiers sa Russia. He is already independent. Ako naman ay graduating na sa kurso ko. We can do what they want na hindi namin kinakailangang maghiwalay. Pero ano ang ginawa ni Papa? Minaliit niya si Azyra. Minaliit niya kaming dalawa that Azyra was forced to prove himself to my father. Damn. It has been four years and yet the pain is still here in ny heart. I remember after the break up, natuto akong magbisyo para alisin ang sakit na hindi maalis-alis sa puso ko. Liquor, tobacco, drugs. I used them all just to make me forget for a moment. Hindi ko matanggap na iniwan ako no Azyra ng dahil lang sa parents ko. Ang masakit pa, I was not allowed to leave. Papa used his influence para ipa-ban akong lumabas ng bansa. Ilang beses akong nagtangkang sundan si Azyra sa Russia ngunit hindi ako nagtagumpay. I tried contacting Jayden to help me with his brother ngunit ang pagtatangka niyang ayusin kami ay nagdala ng lumot sa relasyon nilang magkapatid at mas pinili ni Jayden ang kapatid kesa sa akin. Naiintindihan ko naman siya. I tried talking to their other cousins ngunit maging sila ay hindi nakikipag-cooperate. Malaki ang sama ng loob nila sa pamilya ko dahil sa ginawa ni Papa sa kadugo nila. Hindi ko na idinamay pa ang kuya ko dahil ayokong siya ang mapagbalingan ng galit ng mga Vladimiers lalo at may kasalanan pa ito sa pamilya nila sa paglalagay nito noon sa buhay ni Zion sa panganib. My father's friends were also useless. Mas malakas ang power ni Papa sa kanila kesa sa akin. Besides, some of them sided with the Vladimiers-Salvadors. So I was left all alone, suffering from heart break and depression. Dahil lang din sa impluwensiya ng mga magulang ko kaya ako naka-graduate in time. Akala ng parents ko ay darating ang araw na mare-realize kong tama sila at mali ang ginagawa ko. But that day didn't arrive. Nagpatuloy ako sa pagsira sa katawan ko sa bawat araw na gumigising pa ako and now I am suffering its effects. After two years of daily liquor, tobacco and drugs, I now have lung cancer. Maagang na-detect kaya nalaman naming nasa Stage 1 pa lang ito. Magagamot pa. Mabuti na lang daw sabi ni Dad na kasama namin ang mga lolo ko noong magpunta kami sa ospital for our annual check up. Alam kasi nila na sina Lolo lang ang makapagpapasunod sa akin. Good thing, the result was never told to them. Dahil tiyak ko na ito ang magdadala sa kanilang maagang kamatayan. My parents wanted me to go under medication. Pero bakit pa ako magpapagamot kung sirang-sira na ang buhay ko? Bakit pa ako magpapagaling? Para saan pa? Para kanino pa? Iniwan na ako ng taong mahal ko. May dahilan pa ba para mabuhay ako ng matagal? Maybe gusto ko ring konsensyahin ang parents ko dahil kung hindi sa kanila hindi ako magkakaganito. Ewan ko ba. Mula nang iwan ako ni Azyra, napakalaki na ng naging pagbabago ko. Malayong-malayo na ako sa Kenji na tahimik lang, mabait at masunurin na anak. I became my opposite. And I don't like it but can't help it. Gusto ko na lang ngang mabaliw na lang especially whenever I remember how much tears I gave for the lost of Azyra in my life. Kung iipunin ko lang ang mga iyon, baka may dagat nang ipapangalan sa akin. The day he broke up with me was the worst day I have ever experienced. Sinong mag-aakala na basta-basta na lang magwawakas ang apat na taon naming relasyon? I never dreamt about it. Masaya na ako sa relasyon naming dalawa. Kahit na every weekends at holidays lang kaming magkasama dahil sa responsibility niya sa pamilya niya at dahil nag-aaral pa ako, kontento naman kaming dalawa. Hindi kasi ako pinayagan ng parents ko na magtransfer sa isang school sa Russia para magkasama kami ni Azyra. Naiintindihan ko naman sila. Nasa pamilya na ng mga Salvador si Kuya Akira. Siguro ay hindi lang gusto ng parents ko na pati ako ay malayo sa kanila. Kaya naman tatlong taon ding pagsasakripisyo ang kinakailangang gawin ni Azyra. Time, effort, money. Imbes na magpahinga siya from his work sa company nila, bibiyahe pa siya papunta dito sa Pilipinas para makasama ako kahit ng dalawang gabi lang. Kung minsan nga ay dumarating pa siyang may sakit o over fatigued. I wonder why hindi nakita iyon ng parents ko kaya masama talaga ang loob ko sa kanila for they didn't see Azyra's worth. Samantalang ako, kitang-kita ko ang mga pagsasakripisyo niya para sa akin, para lang patunayan kung gaano niya ako kamahal. At lalo ko pa siyang minahal dahil doon. He became my inspiration in my studies and in my writing career. Candidate nga ako for Magna c*m Laude kung hindi lang nasira ang lahat ng araw na makipaghiwalay siya sa akin. Napabayaan ko ang lahat. Ang pag-aaral ko, ang pagsusulat ko at ang relasyon ko sa pamilya ko ay binalewala ko lalo na noong wala na akong matakbuhan pang iba. My life was completely destroyed. Nito lang natahimik ang buhay ko nang madiskubre nilang may sakit ako. I started to become more depressed. Mabuti na lang at may isang tao akong nakakausap na siyang napagsasabihan ko ng lahat ng iniisip ko. It was helping me a little para hindi ko basta na lang kunin ang razor at ihiwa iyon sa mga pulso ko. Pero he can't help me sa lahat lalo na kapag inaatake ako ng negative thoughts. Thinking about that made me look at my hands particularly sa may pulso ko. Obvious pa ang mga ginawa kong hiwa roon noon. Yes. I tried to commit suicide. Three times. I got tired of my life na eh. Pero nalaman iyon nina Lolo and Lolo Francis had a heart attack dahil doon, mabuti na lamang at naagapan siya. Dahil sa pangyayaring iyon, hindi ko na iyon ginawa ulit. Nalaman na rin nila ang totoong estado namin ni Azyra na itinago namin sa kanila ng napakatagal. Nasira si Azyra sa mata ng mga lolo ko dahil sa ginawa ko. They hated him for breaking up with me. Little they did know na ang lahat pala ay kagagawan ng anak nila. Mahal ko ang mga lolo ko at ayoko silang bigyan ng sama ng loob kaya lahat ng kagaguhan ko ay itinago ko sa kanila. Itinago ko na rin ang sakit ko dahil ayokong ako ang maging dahilan ng kamatayan nila. At least, kung tuluyan akong gagapiin ng cancer ko, hindi ko na makikita pa ang kamatayan nila dahil mauuna na ako sa kanila. Fuck. My mind is really f****d up. It has been four years since the break up pero hindi pa rin ako makapag-move on. Nakakulong pa rin ang buong puso at isip ko kay Azyra. Last week, kahit na malamig pa rin akong makitungo sa parents ko, I decided na magpaalam. Gusto kong pumunta sa isang lugar na wala akong kakilala. Gusto kong doon ko na lang sana hintayin ang mga huling araw ko. Pero tumanggi sila. They said na ginagawa na nila ang lahat ng paraan para matulungan ako kahit na ayokong makipag-cooperate sa kanila. Pinagtawanan ko lang sila. Ano pa ang magagawa nila sa sakit na meron ako? Kahit na gaano pa kami kayaman kung ayokong magpagamot, wala pa rin silang magagawa. Papa bargained with me. Maghintay daw ako ng isang linggo. Kapag wala raw 'yung hinihintay nilang tulong ay papayagan na nila akong pumunta sa gusto kong puntahan. At dahil nakakapagod makipagdebate sa kanila, pumayag ako. Ngayon ay ika-anim na araw na. Kapag wala pa bukas ang hinihintay nila, then aalis na ako. Bahala na kung saan ako makarating. Alam ko namang kahit saan ako magpunta ay mahahanap pa rin nila ako. Ang gusto ko lang naman ay lumayo, mapag-isa. 'yung walang magpapaalala sa akin kay Azyra dahil sa tuwing naririto ako sa bahay, sa tuwing pumupunta ako sa Martenei U, sa tuwing napapadpad ako sa ospital, even sa tuwing nakikita ko ang mga magulang ko ay naaalala ko siya. Dahil sa tuwing naaalala ko siya, kumikirot ang puso ko, umiikot ang isipan ko. Masakit. Masakit pa rin hanggang ngayon. Hindi ako makalimot. Hindi ako makapag-move on. I discovered na kapag pala pinipilit ng isang tao ang lumimot ay lalo lang niyang maaalala ang mga gusto niyang kalimutan. Kapag pinipilit mong mag-move on ay lalo ka lang hindi nakakapag-move on. Kumusta na kaya si Azyra? Tatlong taon na ring hindi ko siya nakikita.  Deactivated ang mga social media accounts niya, naka-private naman ang sa mga pinsan niya that I had to create a dummy account para lang makasilip man lang sa kanila. Pero maging sa mga pictures ng mga pinsan niya, he was at a distance. Malabo ang mga kuha niya o di kaya ay nakatalikod siya. Alam kong siya iyon. Kilala ko ang tindig at kilos niya. I also discovered through my stalking of their accounts na naroroon pala ang pinsan ko na si Sachiro sa Russia. Nagkaroon ako ng pag-asa na makakausap ko si Azyra thru my cousin but that was short-lived. My Kaide cousins do not have any social media account dahil na rin sa utos ni Tito Isly. Because they belong to the biggest yakuza group in Japan, napakarami ang bawal nilang gawin. I tried calling Tito Isly but I can't get through. Inisip ko na lang na baka pati siya ay naimpluwensiyahan na rin ng parents ko kaya hindi niya tinatanggap ang mga tawag ko. Isa pa, napaka-busy niya. Napakabata pa naman ni Sachiro para tuluyang manahin ang grupo nila. I was so devastated. I have so much fear in my heart. I was always thinking na meron nang ibang mahal si Azyra at hindi iyon matanggap ng puso ko. Lalo tuloy akong na-depress. Lalo akong naging independent sa masasamang bisyo para makalimot kahit sandali lang. At ito na ang naging bunga. Ito na ang naging kapalit: ang malagay ang buhay ko sa alanganin. But I don't care anymore. Mas mabuti na lang ang mamatay kesa ang makita ko ang taong mahal ko na masaya na sa iba, na may pinapahalagahan ng iba, na may minamahal ng iba. Dahil hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita na iba na ang nginingitian niya, iba na 'yung tinititigan niya ng buong pagmamahal, na iba na 'yung inaangkin niya ng buong-buo. Hindi ko matatanggap at kahit kailan ay hindi ko tatanggapin iyon. After eating dinner na ihinatid ng isa sa mga kasama namin dito sa bahay ay kinuha ko ang phone ko at pumunta sa isang app upang makausap ang taong tanging nakakausap ko at napaglalabasan ko ng lahat ng sama ng loob ko. Hindi ko talaga siya kilala. Na-wrong sent lang siya ng mensahe at simula noon ay nagkausap na kami at nagkapalagayan ng loob.  Isa siyang dalagang American na may pangalang Jane. College student siya na may kursong Architecture. Mabait naman ito, kadalasang may katarayan din. Naikuwento ko na sa kanya ang buong buhay ko and she sympathizes with me. Sinabi niyang hayaan ko lang ang sarili ko na umiiyak kapag naiiyak ako, malungkot kung nalukungkot ako, magwala kung gusto kong magwala. Kapag naaalala ko nga ang galit ko kay Azyra ay sabay namin siyang minumura ni Jane sa chat. Kahit papano ay may isang tao na nagpapagaan ng loob ko. I started chatting with her nang makita ko siyang online. KenJ: Barbie... I typed. Iyon na kasi ang nick name ko sa kanya dahil talaga namang tila siya si Barbie sa mga pictures na nasa albums niya. Jane: Ken!!! Nang sagutin niya ako ay nagsimula na akong magkuwento sa kanya. Sinabi ko ang tungkol sa usapan namin ng parents ko at as usual, ang sama ng loob ko sa kanila. Puro emoticons naman ang sagot niya. I asked for her opinion kung tama lang ba ang ginawa kong pagpayag sa gusto ng parents ko at sinabi niyang, sa huling pagkakataon ay bigyan ko sila ng chance. At least, kapag walang nangyari bukas, ang gusto ko naman ang susundin nila. May mga ikinuwento naman siya after kong magkuwento na ikinangiti ko kahit papano. Sinabi rin niyang may nagugustuhan na raw siyang professor niya at tila gusto rin daw siya nito.  In-encourage ko naman siya. Sinabi ko na kung gusto talaga niya ang isang tao ay wag na niya itong pakawalan. Dahil sa panahong ito, bihira na lang ang talagang nagmamahal ng totoo. Sinabi ko.ring wag niyang sayangin ang mga pagkakataon at panahong magkasama pa sila dahil baka may bigla na lang darating na pagsubok na ang magiging katapusan ay ang paghihiwalay nila. She thanked me at pagkatapos ay nagpaalam na siyang papasok na sa susunod na klase niya. Ako naman ay kailangan na ring magpahinga kaya natulog na ako. ... Kinabukasan ay medyo maaga akong nagising. Kaya ko pa naman ang kumilos kaya inasikaso ko na ang mga balak kong dalhin sa pag-alis ko. Binalewala ko na ang malipasan ng gutom basta matapos lang ako sa ginagawa ko. Naligo ako pagkatapos at bumaba na. Sinalubong ako ng isa sa mga kasambahay namin at sinabing nasa dining table ang mga magulang ko kasama ang isang bisita. Inisip ko na lang na baka isa sa mga kaibigan iyon nina Papa at Daddy na nagbalik-bansa at dumadalaw lang sa amin. Ngunit nang nasa bungad na ako ng dining room ay nanlamig ako bigla dahil sa bulto ng taong nakatalikod sa akin. Kilala ko ang katawang iyon. Kilalang-kilala ko. Maging ang paggalaw ng kanyang kamay, ang kanyang pag-iling. Nanikip ang dibdib ko, nanhapdi ang lalamunan ko. Nag-init ang mga mata ko at ilang saglit lang ay dumadaloy na ang mga luha mula rito. "A... A... Azyra...?" Halos hindi ko mabosesan ang sarili ko. Natigil naman sila sa pagkain at lumingon sa kinatatayuan ko ang parents ko ngunit ang mga mata kong luhaan ay nanatiling nakatutok sa taong nakatalikod pa rin sa akin. Napasinghap ako nang tumayo siya at lumingon sa akin. At nang matitigan ko siya ay lalo binaha ng luha ang aking mukha. He's here. He is really here. "Hi, Kenji. It's been a long time." Nanuot sa buong katawan ko ang boses niya, ang boses niyang matagal kong pinanabikang marinig. Ang mga ngiti niya, ang mga ngiti niyang kaytagal kong hinintay na muli kong masilayan. I miss him. How I miss everything about him so much. Napakaguwapo niya ngayon at tila lalo pang lumakas ang s*x appeal niya. At sa nakikita kong itsura niya ngayon, tila wala na siyang kinatatakutan. Tila wala nang makakapigil sa anumang nais niyang gawin. He stood with the confidence of the Salvadors and the pride of the Vladimiers. He matured, he stood before me prouder than he had ever been and with more confidence compared  before he left me. At nang maalala ko iyon ay kumabog ng napakalakas ang dibdib ko. Why is he here? Binabalikan na ba niya ako? Nagkaroon na ba siya finally ng courage para ipaglaban ako sa parents ko? Hindi na ba niya ako iiwan muli? "Bakit...? Bakit naririto ka?" I tearfully asked. Tipid siyang ngumiti and slowly walked towards me. At nang mapatapat siya sa akin ay tumitig siya sa aking mga mata at pagkatapos ay lumibot ang paningin niya sa kabuoan ng aking mukha. "Azyra?" Tawag ko sa kanya dahil hindi pa rin niya sinasagot ang katanungan ko. Muli siyang tumingin sa aking mga mata bago sinabing, "I'm here to save you, Kenji." Iyon lang ang hinihintay ko bago bumigay ang mga tuhod ko. Maagap naman akong nasalo si Azyra at pareho kaming napaupo sa sahig. Mahigpit akong yumakap sa kanya at umiyak sa dibdib niya. I savored his embrace, the way his hands caressed my back as he tried to calm me down. Finally, finally. My prayers had been answered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD