NANGINGINIG ang kamay ko at napansin ni Balt 'yon. He held my hand to put me at ease. The minister was very nice and even said it's normal to be nervous. Ganoon daw talaga kapag ikakasal, samu't saring emosyon ang nararamdaman at irregular ang heart beat. Nakarinig ako ng tawanan ng biglang yumuko si Balt at bumulong sa akin. "Children, wait lang wala pa tayo sa you may kiss the bride," natatawang sabi ng ministro. Ngumiti si Balt sa kanya saka bumaling ulit sa akin. I can feel his lips on my ear. "Relax. Just look into my eyes and hold my hand. Everything will be okay," the brute even kissed my cheeks. I heard him chuckle. Bakit ganoon ang ngiti n'ya? Parang ngiting tagumpay. Huli na ba para mag-back out? Aish! Ano ba 'tong napasok ko? Nang mag-umpisa ang seremonya ay halos wala akong