Chapter 2

1775 Words
Chapter 2 Eli has been bugging her with her plan. Naging abala kasi siyang muli sa trabaho kaya ang plano niya ay naurong na nang naurong. "I'll check and try this Friday. Bakit ba mas atat ka pa?" Natatawang tanong niya sa kaibigan. Nasa baba lang sila ng hotel at kasalukuyang nagkakape sa coffee shop doon. "Because I support you on this one, Mamsh. Masaya lang ako kasi after 27 years, magpapadilig ka na. You should have realized this earlier. Mga tipong 19 years old pa lang tayo," mabilis na tugon pa ni Eli. "I was too busy with work after graduation. Alam mo naman ‘yan. Saka noon, I was hoping that I could find true love. Ngayon lang ako nagising sa pag-i-imagine na 'yon," paliwanag pa ni Luna. "Kaya nga. 'Yong love, hindi applicable 'yan sa lahat. Pili lang ang mga nakakahanap at sumasaya sa love na 'yan. Look at me? Masaya naman ako kahit na single ako. May tatlo akong Bebe. Kapag nainis ako sa isa, magpapalambing naman ako sa pangalawa, habang chinachat ko 'yong ikatlo," paliwanag din naman ni Eli sa kanya. "I can't, Eli. Hindi ko keri 'yang kagaya ng ginagawa mo. Okay na ako sa isa. Saka susubukan ko lang naman talaga. Hindi ko siya gagawing Bebe. Gagamitin ko lang ang jun-jun niya," paglilinaw pa ni Luna. "Sinasabi mo lang 'yan ngayon. Pero kapag nasubukan mo na 'yan, hahanap-hanapin mo na. Maku-curious ka lalo and you will see. Sasabihin mong tama pala ako," udyok pa rin ni Eli. "Talaga ba? Gano'n ba 'yon?" Nagtatakang tanong ni Luna. "You will start craving for more. For that guy or for just simply with s*x," kumindat na tugon pa ni Luna. Napatangu-tango lang naman si Luna. Ngayon pa nga lang ay curious na siya. Kinakabahan siya na parang na-e-excite na hindi niya mapaliwanag. Pagsapit ng Biyernes, tila umurong ang tapang ni Luna. Ang usapan nila ni Eli ay mag-o-observe muna siya sa bar at sa susunod na Biyernes na niya isasagawa ang orihinal na planong pagsuko niya sa Bataan. "Urong-sulong ka naman, Mamsh. Dapat go na kaagad eh! May nalalaman pang observe-observe? Ano ka? Nagwi-window shopping ng boys?" Reklamo ni Thalia. "Basta, ganito. Dapat 'yong lalaking mapipili ko, siguraduhin mo na hindi mo pa nabiktima, ha?" Bilin pa ni Luna. "Grabe ka naman sa term na biktima? Ano ba ang tingin mo sa akin? Manananggal?!" Gulat na tanong ni Eli sa kanya. "Oo, manananggal ka. Manananggal ng puri. Hahaha. Tara na, pumasok na tayo," natatawang tugon pa ni Luna. "Wow. Kapag ikaw naging mas malala pa kaysa sa akin, humanda ka. Aasarin talaga kita," bawi rin naman ni Eli sa kanya. "Siguraduhin mong walang makakarating kila Nanay na kahit na ano, ha?" Bilin pang muli ni Luna. "Oo naman! Wala ka bang tiwala sa akin? Saka kung malaman man ni Auntie, ano naman? Malalaki na tayo. Mabubulok na 'yang matres mo, padiligan mo naman muna bago mabulok," pang-aasar pa ni Eli sa kanya. "Baliw ka. Siyempre, ang gusto ni Nanay para sa akin, magka-asawa. Hindi makipaglaro ng apoy sa kung sino," paglilinaw pa rin ni Luna sa kaibigan. "Okay, fine. I get it. Let's go inside, Mama Mary," pang-aasar pa ni Eli lalo habang nauuna na itong maglakad papasok. "Siraulo!" Saway niya sa kaibigan. Sumunod din naman kaagad si Luna sa kaibigan niya na pumasok sa bar. She is currently wearing red fitted dress. Bahagya ring kita ang cleavage ni Luna dahil ideya lahat ito ni Eli. Kailangan daw na agaw pansin kaagad ang suot niya pagpasok pa lang nila sa bar. Sa damit pa lang daw dapat niya ay nababasa na kaagad ang karatulang 'I came here for sex.’ Sobrang maloko talaga ang kaibigan niya at kumakagat din naman siya sa kalokohan nito. Nasa bungad pa lang sila ay napansin na kaagad niya na ilang lalaki na ang tumitingin sa kanilang magkaibigan. She felt a bit shy. Iba kasi makatingin ang mga ito. "Lift your head. Be confident, Mamsh. Mas seksi ka sa akin, flaunt your body. Especially that big boobs," bulong pa ni Eli sa kanya. Naramdaman siguro nito na parang hindi siya kumportable. "I think I need a drink," suggest pa niya sa kaibigan. "Exactly. Let's go, humanap muna tayo ng table," pagsang-ayon pa ng kaibigan niya sa kanya. Pumwesto na sila sa isang bakanteng table na may mahabang sofa. Kaagad na umupo ro'n si Luna at inayos pa niya ang nalihis niyang dress sa bandang dibdib. Nakita niyang tumawag ng waiter si Eli at umorder ito. Hindi na nga siya tinanong ng kaibigan niya kung ano ang gusto niyang inumin. Ito na naman ang nagdesisyon para sa buhay niya. Napailing na lang siya habang natatawa. Nang dumating ang drinks at nachos nila, ay kaagad na tinungga ni Luna ang nasa shot glass niya sabay papak ng nachos. "Sarap nito, Mamsh. Ano 'to?" Nakangiting tanong pa ni Luna kay Eli. "Inumin mo na lang, Mamsh. Sarap, di'ba? Favorite ko 'yan," nakangising tugon pa ni Eli sa kanya. Tumango naman siya kaagad at kaagad na nagsalin muli ng alak sa shot glass niya. Nakikiramdam siya sa paligid. Malakas ang tugtog at tila lahat ay nagkakasiyahan. Buhay na buhay ang bar na ito. Kung titignan mo parang mga walang problema ang mga taong nandito. Ang saya nilang lahat panoorin. Napangiti tuloy si Luna. "Keep on looking around. If you found one suitable man, grab him and take your chance," udyok pa ni Eli sa kanya. "Ha? Hindi pa nga tonight. Ano ka ba?!" Paalala naman niya. "Your choice, Mamsh. Cheers!" Sabi na lang ni Eli sa kanya. Nakipagcheers naman siya at muling uminom. Hindi siya heavy drinker. Saka lang naman siya umiinom kapag may mga okasyon.  "Oo nga pala. May chismis ako. Remember that girl from HRM course no'ng college tayo? 'Yong maka-asta akala mo siya na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa?" Biglang sabi ni Eli. "Oh? Si Trisha? Bakit? Saan ka nakasagap ng chismis tungkol sa kaniya?" Tanong niya naman. "Sa f*******:, duh? Oo, tama. Trisha nga pala. I keep on forgetting her name. b***h kasi. So, ito na nga. 'Yong pinagmamalaki niyang boyfriend sa atin noon? Jowa niya for almost 10 years ngayon, pinagpalit siya. Ang masaklap, ang ipinalit sa kanya, kapwa lalaki. Lamunin niya ngayon 'yong pagmamayabang niya sa atin. Lalo na sa'yo," gigil na kwento ni Eli. "Talaga? Sampung taon? Tapos biglang ipinagpalit siya sa kapwa lalaki? Parang mas masakit naman 'yon? Okay pa kung sa kapwa babae eh," gulat na sabi ni Luna. "Karma 'yon kay Trisha. Mayabang kasi siya. Huwag na huwag ka talagang magpapaka-kampante. Hindi dahil mahal ka ng jowa mo ngayon, eh ibig sabihin na habang buhay ka na niyang mahal. Cheers to being single but happy!" Nakatawang deklara pa bigla ni Eli. Nakipag-cheers namang muli si Luna sa kaibigan. Napapa-isip siya habang umiinom ng alak. Talagang wala rin sa iksi o haba ng pinagsamahan eh. Kung mahal ka, mahal ka. Pero kung hindi ka na mahal at biglang makahanap ng iba, gano'n na lang? Ipagpapalit? Kahit na sobrang haba na ng pinagsamahan? Napa-iling na lang si Luna. Hindi niya magawang magdiwang at maging masaya sa kinahinatnan no'ng Tricia na dati nilang schoolmate. Masakit 'yon at mahirap tanggapin. She decided to drink another glass so she could forget what she's thinking. Pati problema ng iba, pinoproblema na rin tuloy niya. Napadapo ang mga tingin niya sa dance floor. May mga grupo kasi ng magkakaibigan na tila masayang nagsasayawan at nag-aasaran sa gitna. Napapangiti rin tuloy siya sa tuwing nakikita niya na may pinagtutulungan ang mga magkakaibigan na 'yon. "Tell me what you're looking for in a guy. May particular ka bang gusto?" Tanong bigla ni Eli sa kanya. Nakatatlong order na ito ng alak at pulutan nila. Hindi niya ito maawat. "Wala akong as in particular na hinahanap eh. Saka lalaking magtatawid at magdidilig lang naman sa p********e ko ang hanap ko. Hindi naman nobyo. Basta may maipagmamalaki, goods na 'yon," mabilis na tugon naman ni Luna. "Malaki ang etits pero pangit ang mukha, ano bet?" Tanong kaagad ni Eli sa kanya. "Pass. Sige, dagdagan na rin natin ng gwapo na salita para di naman ako bangungutin kapag maaalala ko na may nangyari sa amin," natatawang sagot naman kaagad ni Luna. Napahagalpak tuloy si Eli sa tawa. "Ayan! Magkaroon ka naman ng standards pagdating sa lalaking ikakama. Malaki at gwapo. 'Yan ang dapat na nasa checklist. Magpapatuklaw ka ba sa maliit? Siyempre do'n na kaagad sa malaki para sure na titirik ang mga mata mo, di'ba?" Dire-diretsong sabi ni Eli. Natawa na lang din si Luna. Her friend is a bit tipsy. Mas lalo itong nawalan ng filter sa pagsasalita ngayong nakainom na ng alak eh. "Oo na. I still have a lot of things to learn. Turuan mo ako," bilin pa ni Luna. "No. I will be your adviser when it comes to bed warming topic. Pero iba ang dapat na magturo sa'yo. Siyempre, lalaki dapat," pagtama pa nito sa sinabi niya. "Okay, noted. I'll go to the bathroom first. Kanina pa ako naiihi," paalam niya sa kaibigan. She tried to stand up but she failed on the first try. Inulit niya muling tumayo nang dahan-dahan at nagtagumpay naman siya. Hilo pa lang siya pero hindi pa naman siya lasing. Alam pa niya ang ginagawa niya. Naglakad siya at binaybay ang patungo sa banyo. Sinundan niya ang signage na nakaturo sa kaliwa. Mabilis niyang natunton ang banyo at kaagad na umihi. Naghugas siya ng kamay at nagpunas ng tissue. Lumabas siya sa banyo at pansamantalang sumandal para magpahinga dahil muli siyang nakaramdam ng hilo. Naisipan niyang i-check ang cellphone niya pero hindi nito ma-read ang fingerprint niya. Kahit ang pincode na ini-input niya ay nag-e-error rin.  "Miss? How long do you plan to lean on me?" Nagulat pa siya nang biglang may magsalita sa likuran niya. Napaisip siya kung kailan pa natutong magsalita ang pader? Dahan-dahan niya itong nilingon at laking gulat niya nang makitang isang lalaki pala ang sinandalan niya at hindi pader. Kaagad siyang umalis mula sa pagkakasandal dito pero nawalan siya ng balanse. Natapilok siya at muntik na mapaupo ngunit nahila niya kaagad ang suot na damit ng lalaki kaya hindi siya tuluyang bumagsak sa sahig. Mariin pa niyang ipinikit ang mga mata dahil sa takot kanina na baka mahulog siya. "Are you seducing me?" Rinig niyang tanong ng lalaki habang nakapikit siya.  Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at nakitang nakayuko na pala ang lalaking hawak niya ngayon sa kwelyo at nakayakap pa siya nang mahigpit dito. Naitulak niya tuloy ito nang malakas. What the hell was she thinking? Or was she really thinking?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD