Chapter 1

2675 Words
Chapter 1 "Ms. Luna, fully booked na po tayo sa wedding event on all weekends ng February and March. Both lunch and dinner po," sabi ni Kath, isa sa mga staff ng hotel. "I'm very glad to hear that, Kath. Good job. Make sure na wala tayong magiging conflicts or issues with our other clients, ha? Mahirap nang magkaroon ng aberya," nakangiting tugon pa ni Luna. "Yes, Ms. Luna. Noted po," mabilis na tugon nito sa kanya. Tumalikod na ito at saka umalis dala ang mga papeles na naglalaman ng mga information ng clients nila for wedding events nitong hotel. Siya si Luna De Leon, isang hotel manager sa Sun Bright Hotel. Currently single, because why not? She has been brokenhearted twice. Una, sa crush niya noong college na turned out gay pala. She was rejected in front of her classmates, which caused her a bit trauma. Second, her co-worker during her first year as a w**********l. Pinormahan siya at sinabihan na siya raw ang pinakamagandang babaeng nakilala nito. Naniwala naman siya, tapos malaman-laman niya, tatlo pala silang sinabihan nang gano'n? Nagkataong isa siya sa nakwentuhan ng isa pang babaeng niloloko nito. Imagine her surprise?  Since then, she just focus her time on her work. Hanggang sa na-promote siya nang ilang beses. She became a manager at a very young age. Naririndi na nga rin siya sa mga tao sa paligid niya, pamilya, kamag-anak na nagtatanong kung kailan daw ba siya mag-aasawa. Tila mas naiinip pa sila kaysa mismo kay Luna. Para kay Luna, hindi naman siya naghahanap. Hindi rin naman siya nagmamadali. She doesn't want to make any mistakes. Puso niya ang nakasalalay kung sakali man eh. But, she wanted to go wild once in her life. Tumatanda na rin lang naman siya at walang boyfriend, naisip niyang subukang lumandi kahit minsan lang. Suportado naman siya ng bestfriend niyang si Elisha na maloko rin pagdating sa mga lalaki at adventures. "Ganito kasi 'yan, Mamsh. Minsan kailangan nating gayahin ang mga lalaki. Gusto nilang mag-enjoy? Tayo, gusto at kaya rin natin na mag-enjoy lang. Hindi naman lahat ng babae gusto ng commitment eh. Ikaw ba? Gusto mo kaagad magkaroon ng jowa? Tapos pagbabawalan ka sa maraming bagay?" Tanong pa ni Eli sa kanya. "Siyempre ayaw ko no'ng pinagbabawalan. Matatanda na tayo. Alam naman na natin ang tama at mali," mabilis na tanggi ni Luna sa kaibigan. Kasalukuyan silang nasa restaurant, lunch out. Ang opisina kasi ni Eli ay apat na building lang ang layo mula sa hotel na pinagta-trabahuan ni Luna.  "Exactly! That's the reason why I don't want to have a boyfriend yet. Pareho lang kayong maiinis. May magsi-selos, maghahanap at magdi-demand ng oras sa'yo. Iri-require kang mag-text o mag-call back. Diyos ko po? Daig pa nila ang kliyente. Kaya kung ako sa'yo, Mamsh? Enjoy first. Malay mo? Habang nag-i-enjoy ka, do'n mo pa mahanap ang lalaking para sa'yo?" Nakangiting sabi pa ni Eli sa kanya. "Ay, ayaw kong umasa, Mamsh. But I will do that. I will enjoy my life. Tingin ko nga, I prefer younger men," natatawang sabi pa ni Luna sa kaibigan. "Shuta ka?! Gusto pa ng bata! Baka gawin ka namang Sugar Mommy niyan?" Kontra pa ni Eli sa kanya. "Biro lang. Let's see. Naisip ko pa lang naman. Hindi ko pa naman na-execute. Malay mo, one of these days? Gulatin na lang kita sa chika ko?" Mabilis na sabi rin naman ni Luna. "Gaga! Isama mo 'ko kapag ready ka na, at kapag gagawin mo na ang plano mong 'yan. Make sure na daks, ha? Remember, first impression lasts," paalala pa ng kaibigan. "Paano naman ako makakasiguro? Ano? Sisilipin ko isa-isa? Siyempre, I'll pick one and then, let's see. Bahala na. Sanay naman ako sa disappointments ng buhay," humahagikgik na sabi pa ni Luna. "Hoy, ibang usapan kapag sa s*x. Don't let men disappoint you and vice versa. Baka di ka ma- satisfy, hindi ka na umulit. First time mo pa naman!" Patuloy na paalala pa rin sa kanya ni Eli. Her bestfriend really has a point. Kung gagawin nga niya, dapat ay masiguro niyang worth it ang first experience niya. Isusuko na lang din naman niya ang Bataan, might as well enjoy the bombing, right? Kinagabihan ay hindi niya inaasahan ang isang kakaibang panaginip niya. Nasa isang malaking kwarto siya. Umiikot ang paningin niya pero kitang-kita niya na hindi siya nag-iisa. May kasama siyang isang lalaki sa loob ng kwartong 'yon pero hindi naman niya maaninag nang maayos ang mukha nito.  Nataranta siya nang makitang isa-isa nitong hinuhubad ang suot nitong damit. "Maghuhubad na rin ba ako?" Tanong ni Luna sa sarili niya. Iniisip niya kung ito na ba 'yon? Isusuko na ba niya ang Bataan niya? Masasaktan kaya siya? Napatili siya nang maramdaman niyang lumapit na ang lalaki sa kanya. Hinaplos pa nito ang balikat niya. Napapikit siya nang mariin at naramdaman na lamang niya ang mainit na labi nito sa mga labi niya. Muling humiwalay ang lalaki sa kanya at nakita niyang inaalis na nito ang suot na belt sa pantalon. Napalunok pa siya ng laway at pilit na hindi inalis ang tingin niya sa pantalon nito. Ibinaba nito ang suot na pantalon, kasunod naman nitong inalis ay ang boxer at brief nito. Ngunit laking gulat ni Luna nang makita ang p*********i nito. Maliit! Jutay! Wala man lang sa kalahati ng p*********i ng mga napapanood niya sa p**n! "No! Ayaw ko!" Sigaw niya bigla. Napabalikwas siya ng bangon at hingal na hingal. Panaginip? Buti na lamang at hindi pala totoo ang pangyayaring 'yon! Dahil kung hindi? Baka mag-madre na lamang siya kung nagkataon! Napahawak pa siya sa dibdib niya dahil sa bilis ng kabog no'n.  "Walanghiyang Eli kasi 'yon? Kung anu-ano naman kasi ang sinabi sa akin? Hindi pwedeng sa jutay bumagsak ang Bataan ko!" Nag-aalangan na sabi niya. Dalampu't-pitong taon niyang iningatan ang p********e niya, dapat lang na ma-enjoy niya ang unang gabi ng karanasan kung sakaling isusuko na niya ito.  Habang naghahanda siya ng almusal ay tumawag sa kanya ang paborito niyang pinsan. "Oh, aga mo yata napatawag, Ivan?" Tanong niya sa lalaking pinsan. "Si Auntie Imelda kasi nangungulit kagabi pa. Tanungin daw kita kung may nobyo ka na?" Natatawang sabi pa nito sa kanya. Si Ivan ay anak ng kapatid ng Nanay ni Luna. Close silang dalawa dahil magkasing-edad sila. Kasabay niya itong lumaki bago pa man siya lumuwas sa Maynila para makapag-aral ng kolehiyo at makahanap ng magandang trabaho. "Sabihin mo kakatanong lang niya niyan last month. Wala pa kamong update. Single pa rin ako," mabilis na tugon naman ni Luna sa pinsan niya. "Nagtatampo na. Ano raw ba ang ginagawa mo riyan sa Maynila? Puro ka raw trabaho, no'ng kasing edad ka raw nila ni Nanay ko, apat na raw ang anak niya no'n," muling kwento pa sa kanya ni Ivan.  "Naku, ibang-iba ang panahon nila sa panahon natin. Kita mo? Ikaw rin naman wala ka pang asawa sa edad mong 'yan?" Paliwanag pa ni Luna sa pinsan. "Lalaki naman kasi ako, Luna. Ikaw talaga. Nag-aalala lang sa'yo si Auntie. Sabi pa nga niya, umuwi ka na lang daw rito sa probinsya. Ipapakasal ka raw niya kay Badong," patuloy na kwento pa ni Ivan sa kanya. "Hoy! Awatin mo si Nanay! Magre-reto na nga lang siya sa anak niya, sablay pa? 'Yong dati pa nating kaaway at talagang 'yong bansot pa, ha? Ayaw ko kamo. Lalong hindi ko siya tatawagan kapag ipipilit niya 'yang si Badong. Siya na lang ang magpakasal do'n," inis na sabi ni Luna sa pinsan niya. "Kaya nga dapat magkaroon ka na ng nobyo riyan para hindi nag-aalala sa'yo si Auntie," payo pa nito sa kanya. "Mas dapat nga siyang mag-alala kapag nakahanap na ako ng boyfriend eh. Iba ang mga lalaki sa probinsya kaysa rito sa Maynila. Oh, siya. Usap tayo ulit next time. Papasok pa ako sa hotel," paalam na ni Luna. "Sige, ingat ka," tugon din naman ni Ivan sa kanya. Napa-iling na lang si Luna matapos niyang ibaba ang tawag. Kating-kati na ang Nanay niya na makapag-asawa siya. Paano? Nasusulsulan din kasi ito ng mga kapatid at mga kapitbahay ro'n sa probinsya. Karamihan kasi sa mga ka-edad ni Luna ro'n ay mga nagsipag-asawa at may mga anak na. Siya naman kasi, tinutupad pa niya ang pangarap niya.  Sinubukan naman niya noon, pero hindi talaga umubra. Dalawang beses na siyang nagkagusto sa lalaki, parehong nabigo lang siya. Sana sa ikatlo, tumama na siya.  Nang makarating siya sa hotel ay nagsimula na muling maging abala ang araw niya. May mga pagkakataon na madalas, hindi siya halos nakakaupo sa upuan niya lalo na kung sunud-sunod ang wedding events na inaasikaso nila. Swerte na ngang maituturing kung magawa niyang umihi sa oras na maramdaman niya ang pantog niya. Pero madalas ay nagpipigil na rin siya para lang makabawas ng mga intindihin sa events. Kasalukuyang may nagaganap na wedding receptions sa isa sa mga event halls nila. Hilung-hilo na nga siya kaka-ikot mula pa kanina. Buti na lang at patapos na halos ang event sa 4th floor. Wala namang issue. Sa kanila rin kasi ang catering kaya panay ang follow-up niya sa kitchen kung walang issue sa food.  Kasalukuyan siyang naglalakad papunta sa kabilang event hall para silipin ang kaganapan doon. Nang bigla siyang matapilok. Dahan-dahan naman siyang gumilid para ayusin ang strap ng heels niya. Yumuko pa siya nang bahagya para abutin ang sapatos niya. Mabilis niya itong naayos kaya naman tumayo na siyang muli at humakbang, ngunit ang kabilang sapatos naman niya ang natanggalan ng strap kaya muli siyang yumuko bigla. "Aw," reklamo niya. Naramdaman kasi niyang may tila bumangga sa kanya mula sa likuran. Naramdaman pa niyang may kamay sa bandang puwitan niya kaya nilingon niya iyon habang nakayuko pa rin siya. At nanglaki ang mga mata niya nang makitang may isang lalaki ang nakadikit at halos dumagan na sa kanya. Ang pang-upo niya ay nakadikit sa harapan nito at ang dalawang kamay nito ay nakahawak sa balakang niya. "Ma'am Luna?" Rinig niyang tila gulat na sabi ng isa sa staff nila. Saka lang na-realize ni Luna ang posisyon nila ng lalaki. Kaagad siyang napatayo at napa-ayos ng damit. "Sorry, Sir. I was just checking my shoe. Please go ahead," mabilis na paghingi naman ng tawad ni Luna sa lalaki. She can't act aggressively towards anyone from the hotel. Customer nila ang lahat ng nasa loob ng hotel. Nag-stay man sa rooms or um-attend lang sa wedding. They will treat everyone with the same respect. "My apologies also. I wasn't looking," tugon din naman ng lalaki sa kanya. Tumango at ngumiti na lamang si Luna. Lumakad na siya papalayo. Hindi na niya nagawang tignan pa ang mukha nito. She was too embarassed. Nakita pa ng staff niya ang eksenang 'yon. Pinag-iisipan pa nga lang niya kung paano siya lalandi pero na-puwitan na siya sa likod.  Namula siya sa naisip niya. Aksidente lang naman ang nangyari. Hindi nga niya naramdaman ang umbok nito? Teka, gano'n na ba siya katuyot at kahayok? Simpleng dikit lang? Dahil ba birhen siya? Mabilis siyang napa-iling.  "Hindi. Kapag nagka-experience ako, hindi na ako magkakaganito," sabi pa ni Luna sa sarili niya nang makalayo na siya sa lugar na 'yon. Kinagabihan ay napagpasyahan ni Luna na bilang preparation sa gagawin niyang paglandi ay nanood siya ng p**n mag-isa. May mga alam naman siya kahit na paano sa mga makamundong bagay pero hindi gaano. At siyempre, iba pa rin talaga ang may mga experience. Experience is the best teacher nga raw kasi. She typed and search the site in google, and then she selected the first site from the result. Nagugulat talaga siya minsan sa laki ng mga sandata ng mga lalaki sa p**n. Parang hindi naman kakayanin ng hiyas niya ang gano'n kalaki. Pero ang mga babaeng kapartner naman nito ay tila tuwang-tuwa at sarap na sarap pa. Napaisip tuloy siya kung gano'n din kaya siya kapag na-experience na rin niya?  Muli siyang naghanap ng ibang papanoorin. Napili niya ang nasa homepage na tila babaeng na-stuck sa ilalim ng kama at tinulungan ito ng stepbrother niya, pero bigla nitong inalisan ng shorts at underwear ang babae. Nagulat pa siya.  "Agad-agad?! Oh my, walang sabi-sabi, biglang pasok agad?" Gulat na sabi ni Luna.  Kaagad niyang pinindot ang back button sa keyboard niya. Ayaw niya ng gano'n, kahit na mukhang nag-e-enjoy naman ang babae sa video. She wanted it with a mutual consent. Pero ano pa nga ba ang aasahan niya sa mga p**n site? Hindi naman romance movie ang pinapanood niya ngayon. Napakamot na lang tuloy siya ng ulo. Sinubukan pa niyang maghanap ng ibang papanoorin at hindi niya alam kung paano siya napunta sa isang video na may title na gloryhole. At mistulang public place ito kung saan nagbabayad ang mga lalaki for s*x? Ang mga babae ay nakahiga sa loob ng may harang na plywood. Tanging p********e lamang nila ang nakalabas sa butas. Hindi kinaya ni Luna nang makitang pagkatapos na pagkatapos ng isang lalaki do'n sa babae ay kaagad na may sumunod na ibang lalaki na pumalit do'n.  "Okay. Maybe, it's time for me to take a rest. Kung anu-ano na ang napanood ko. Pakiramdam ko, hindi naman nila ako natulungan sa gagawin kong pagpapaka-p****k sa isang linggo," sabi pa ni Luna sa sarili habang nakahawak sa dibdib. She wanted to watch because she thought it will somehow teach her few lessons in bed. Pero parang mas kinabahan lang siya sa mga napanood niya. "Bahala na. Kiber? Ako naman ang babae. Dapat 'yong lalaki ang mas maalam," tumatangong sabi pa ni Luna para pagaanin ang loob niya. Isinara na niya ang macbook niya at umayos na ng higa. Napatitig siya sa kisame. Sinusubukan kasi niyang mag-imagine ng mukha ng lalaking gusto niyang makasama sa unang gabi niya bilang isang ganap na babae. Napapasimangot lang siya dahil wala naman siyang napupusuan sa mga oras na 'to. She guarded her heart so well after that two incident.  Wala rin naman siyang nakikitang potential target niya sa hotel. Ayaw na ayaw rin niya na magka-conflict siya sa mga katrabaho. Kung one night stand man, dapat sa lalaking posibleng hindi na niya makita ulit. Para siguradong no strings attached. Naiisip niya tuloy ngayon, kung foreigner na lang ba? Sure siya ro'n na wala siyang magiging problema kung magkataon. She could ask for Eli's help, malamang may mga alam itong lugar kung saan makakahanap ng mga poging foreigners. - Martin Miguel is the youngest heir of Miguel Corporation, which is the largest distributor of beer not only in the Philippines but also internationally. Everyone may think that he had everything in his hands. But, they are all wrong. He has all the material things any person could wish for, but there is one thing that makes his life a living hell. He has erectile dysfunction or some call it being impotent. Hindi siya kagaya ng ibang normal na lalaki na na-a-arouse kaagad sa mga seksing babae. He just can't get an erection, no matter if the woman will strip in front of him.  He tried countless times, but he failed. It was his dark secret. Even his own family doesn't know about this. His Doctor in the U.S wants him to undergo treatment. But the chance is still 50-50. Ayaw niyang pumayag at mag-aksaya ng oras. He decided to accept what he is. 'Yon lang naman ang sagot ro'n. He doesn't want to give up, but getting treatment from other country will only cause chaos in his life and in their business. Maaring malaman pa ito ng iba at gawing panglaban sa kanya. So, as long as no one knows, he will be fine. Ngayon pa nga lang na walang ibang nakakaalam sa sitwasyon niya, nagkakaroon na ng mga maliliit na balita tungkol sa sekswalidad niya. Sinasabi ng iba na baka raw kapwa lalaki ni Martin ang gusto nito. He just let any news to be reported and be printed in the newspaper. Wala namang ebidensya ang mga balitang 'yon. His secret will remain safe as long as he keep it until his grave.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD