Pinakakalma ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pag-iisip ng nga posibilidad gaya ng nagkamali lang siya ng text at sa akin lamang iyon napa-send. Wala naman na nakalagay na pangalan. Maybe Paris was about to send it to Queenie and yet it ended up on my messages? Umikot ako sa aking higaaan. Hindi ako makatulog kahit sa alas tres na ng madaling araw at maya-maya lamang ay babangon na kami para sa huling araw ng camp. I screamed at my pillow at pinilit na makatulog. Masiyado nang ginugulo ng magkapatid na Silvejo ang isipan ko. Tinabunan ko ang sarili ng kumot at pinikit ang mga mata. Nagising ako sa alarm ko nang bandang alas singko y media. Gising na rin ang halos lahat ng facilitators at volunteers doon. Kinuha ko ang isang bagong pantalon at medyas. Mayroon din na spare t-shirt