Luna’s point of view
Nagulat kami nang mailabas kami bigla ni Lucas sa labas ng sinehan. Nang makababa kami, ay halos hindi makaimik si Jeremy sa kaniyang naranasan kay Lucas.
“Ano ka ba Lucas! Nakakagulat ka, paano na lang kung nakita tayo ng ibang tao? Paano na lang kung maraming tao ang nakatambay dito? E di nakilala ka pa nila lalo,” inis n ainis kong pag-kakasabi kay Lucas.
“Aray Luna, baka kasi kung anong gawin nila sa inyo kapag naita nila kayo kaya agad ko kayong binuhat palabas. Mas maganda na ang safe no kaysa sa kung anong mangyari sa inyo, hindi ba?” tugon naman niya sa akin.
“Sana nag-sabi ka man lang, hindi yung basta-basta mo kaming bubuhatin ng ganoon,” saad ko muli sa kaniya.
Tumingin naman siya muli sa akin, “Okay fine, I’m sorry. Gusto ko lang naman mag-madali at maging safe tayo, para maiwasan natin ang away at ang pananakit nila,” pag-sosorry niya sa akin.
“Okay sige, pero sana next time wag na maulit,” tugon ko naman.
Nang biglang nag-salit si Jessica nang nag-sisimula na kaming mag-lakad papalayo sa sinehan.
“Ito namang si Luna, napaka-init lagi ng ulo. Mag-pasalamat na lang tayo kasi agad tayong inilabas ni Lucas doon, kung hindi tayo nakalabas doon baka torture na tayo,” pahayag naman ni Jessica.
Hindi ako umimik nang sabihin iyon ni Jessica sa akin.
Daiman’s point of view
Katabi ko ang mga kaibigan ko habang nag-hahanap sa nakahuli sa kanila kanina noong palabas ang sine.
“Dapat makita ko ang taong yun, hindi ko pwedeng hayaan siya na may nakita o may narinig siya sa amin, lalo na ang pag-banggit namin ng aming pangalan,” pahayag ko sa mga kasama kong sina Raver.
Napatingin naman si Raver sa akin nang sabihin ko iyon, “Bro? ano ba kasi ang ginawa niyo ni Elise sa banyo. And for your information bro, we’re enemies! Yun ang nakikita nang ibang kasamahan natin at ng mga angkan natin, taka naman ako na nag-kakagusto ka kay Elise,” saad naman sa akin ni Raver.
“Hindi ko naman gusto si Elise, siguro kinapitan lang ako ng pag-kalalaki ko kanina kaya nangyari yun,” tugon ko naman agad kay Raver nang sabihin niya iyon sa akin.
“Ewan ko sayo bro, yan ang sinasabi ko sayo. Sana kinontrol mo naman, hindi yang nag-papauto ka dyan sa pakiramdam mo,” saad muli sa akin ni Raver.
Hindi na ako muli nakaimik nang biglang lumapit sa akin si Elise,
“Daiman? Can we go now? Hapon na and I need to go,” pag-aaya niya sa akin
Nagulat naman ako nang ayain niya ako ng ganoon, ngunit sumagot ako agad sa kaniya.
“Sorry Elise, hindi na kita masasamahan. May pupuntahan pa kami nina Raver, is it okay if ang mga kaibigan mo muna ang isama mo? Para may kasama ka pauwi or kung saan man? May bagay lang talaga kaming gagawin at aayusin ng mga kaibigan ko,” tugon ko naman agad kay Elise.
“Ah ganoon ba, okay. It’s okay, sige,” tugon naman agad sa akin ni Elise na parang hindi okay sa kaniya ang sinabi ko.
Umalis na si Elise kasama ang kaniyang kaibigan, at kahit ako hindi ko alam ang aking nararamdaman dahil sa nangyari.
“Ano ka ngayon Damian, sabi ko naman sayo ayusin mo yang mag ginagawa mo. Sana normal na tao lang ang nakarinig sa inyo kanina at hindi kagaya nating hindi,” pahayag sa akin ni Raver habang natambay sa isang upuan sa sinehan.
“Tama na bro!” saad ko naman na tila para akong naiinsulto nang naririnig ko ang mga sinasabi ni Raver dahil alam ko namang mali ako.
Elise’s point of view
Nang umalis na ako kayna Damian kasama ang mga kaibigan ko ay bigla akong tinanong ng isa kong kaibigan na si Alice
“Ano Elise? Are you okay? Sana sa susunod hindi mo na kasama yung guy nay un. Sobrang delikado kapag kasama mo siya, and hindi ka rin naman sure if gusto ka niyang talaga. Saan ba kayo galing kanina?” pahayag niya sa akin.
Napatingin naman ako agad sa kaniya ng sabihin niya iyon sa akin,
“Sa banyo, sinamahan niya lang ako na mag-cr,” tugon ko naman.
“Hmm, I don’t think sa Cr. Kasi kung sa CR mukhang ang tagal niyo naman,” saad naman niya nang isinagot ko iyon.
“Alise!” pahayag ko naman ng sabihin niya yun.
“Okay fine, sa cr kung sa cr. Pero girl advice lang ah? wag mo naman sana hayaan ang sarili mo na pag-laruan ng ibag tao, at the end of the day, mari-realize mo nalang na hindi tama ang ginagawa mo. Akala ko ba gusto mo si Lucas, pero sa ginagawa mo hindi,” saad niyang muli sa akin.
“I know, gusto ko talaga si Lucas. Mahal ko parin siya, pero sa ginagawa kong ito hindi mo ako masisisi, at tsaka alam ko namang ginagago lang ako ni Damian,” saad ko naman sa sinabi niya.
“Eh tanga pala kayo parehas eh, sa tingin mo girl anong sasabihin ng angkan natin kapag nalaman yang ginagawa niyong dalawa lalo na at alam natin na mag-kalaban ang angkan nila at angkan natin ha? Pinahihirapan niyo ang sarili niyo sa sitwasyon natin,” pahayag niyang muli sa akin.
Napatahimik ako nang sabihin iyon ni Alice sa akin, dahil naisip kong may punto rin ang kaniyang mga sinasabi sa akin.
Luna’s point of view
Habang nag-lalakad kami ay bigla naming tinanong si Jeremy,
“Bro? pasaan ka pa? may pupuntahan ka pa ba?” tanong ni Lucas sa kaniya
Napatingin naman siya sa amin, “Wala na rin ata bro, anyways. Kayo ba? May pupuntahan pa ba kayo? Eh kung samahan niyo ako?” saad naman niya
“Saan naman?” tanong ko naman kay Jeremy
“Basta, tara sa parking,” pag-aaya niya
“Sige,” tugon naman agad ni Lucas kay Jeremy
Nang napansin ko ang itsura ni Jessica na hindi sang-ayon sa nangyayari, ay pigil na matawa-tawa na lang ako.
At dahil malapit din naman kami sa parking ay mabilis kaming nakapunta doon at bigla naring nag-taka si Lucas.
“Bakit ba tayo nandidito bro? wag mong sabihin na may sasakyan kang dala,” saad naman bigla ni Lucas.
Tumigil kami sap ag-lalakad ng tumigil si Jeremy mag-lakad at ngumiti sa amin.
“Oo bro, tama yang sinasabi mo. Yan oh, yang nasa likod mo,” pahayag niya sa amin habang tinuturo ang kaniyang sasakyan na nasa salikod namin nina Lucas.
Nang tumingin kami ay hindi namin akalain na may ganoong kagandang sasakyan si Jeremy,
“Wow, ang ganda ng sasakyan mo bro. Hindi ko akalain na meron ka rin palang sasakyan, same as mine!” pahayag bigla ni Lucas nang makita ang sasakyan ni Jeremy.
Napatingin naman kami nina Jeremy bigla kay Lucas nang sabihin niya iyon,
“What? May sasakyan ka din bro? p—pero bakit hindi moa ta dinadala sa schoo o kung saan man? Bakit parang mas gusto mong mag-byahe?” tanong naman ni Jeremy kay Lucas.
Napatingin naman si Lucas kay Jeremy at ngumiti sa amin.
“Ang galing ng question mo bro, ganito kasi yan. Before ginagamit ko siya, hanggang sa dumating sa point na mag-bago ba. Parang mas masarap pang mag-byahe kesa sa mag-sasakyan, walang papasok sa isip mo, hindi ka mapapagod, hindi ka pa mamomroblema. Parang ano ba, rekta pasok sa school,” saad naman niya sa amin.
“May point ka naman Lucas, alam mo siguro kung ako rin, kung may sasakyan ako? Mas pipiliin ko pang mag-commute para naman ma-enjoy ko ang byahe,” saad naman bigla ni Jessica.
“So ano? Tara na ba? Sakay na kayo, tapos gala tayo. Siguro deserve naman nating sumaya, kahit minsan hndi ba?” pag-aaya ni Jeremy sa amin.
Doon pa lang sa sinabi niya ay bigla akong napaisip kung may problem aba si Jeremy. Kasi hindi niya yun sasabihin kung walang natakbo sa isip niya.
“Sige ba bro,” tugon naman agad ni Lucas.
Hindi nag-tagal ay isa-isa narin kaming sumakay sa sasakyan ni Jeremy. Kaming dalawa ni Jessica sa likuruan at sa unahan naman si Lucas katabi ni Jeremy. Nang umandar na ang sasakyan, papalabas palang ng mall, ay biglang gumaan ang pakiramdam ko kasabay ng maganda musika.
Nang biglang umimik naman si Lucas,
“Ang tahimik niyo dyan sa likod ah? may problema ba?” tanong sa amin ni Lucas
Napatingin naman ako nang itanong iyon sa amin ni Jessica, “Wala ah! nagagandahan lang ako sa paligid, ngayon lang ako nakaraan dito sa malawak na daan,” tugon ko naman sa tanong ni Lucas.
“Saan niyo ba gusto gumala? Gusto niy nalang ba mag-roadtrip o gusto niyong tumambay muna sa place ko?” tanong naman sa amin ni Jeremy
“Sa lugar mo nalang Jeremy, para naman makapagkwentuhan tayo at hindi ka napapagod mag-maneho,” tugon ko naman agad kay Jeremy.
“Okay po!” tugon naman din agad ni Jeremy nang sabihin ko iyon.
Doon pa lang sa sagot ko, ay tila parang nakita kong naging maganda ang ngiti ni Jeremy. Kahit hindi niya sabihin na may problema siya, ay nararamdaman ko na mabigat ang kaniyang nararamdaman kaya mas pinili niyang samahan kami at isama kami.
Nagulat kami nang makarating kami sa isang malaking building kaya’t nag-tanong ako kay Jeremy.
“Nasaan na tayo Jeremy?” tanong ko sa kaniya,
“Sa condo, dito ako natira,” tugon naman niya sa akin.
Nang maipasok na ni Jeremy ang sasakyan sa parking lot, ay bumaba na kami at agad na tumungo sa loob para sumakay ng elevator. Nang nandoon na kami sa kwarto niya at habang binubuksan niya iyon ay nag-tataka parin kami ni Jessica kung anong meron sa condo.
At nang buksan ni Jeremy ang kaniyang kwarto, ay nagulat kaming dalawa ganoon din naman si Lucas.
“Wow, ang laki at ang ganda Jeremy. Sinong kasama mong tumira dito?” pahayag ko naman agad kay Jeremy nang makita ko ang loob ng kaniyang condo.
“Sad to say, ako lang,” tugon naman agad sa akin ni Jeremy.
Nag-katinginan kami nina Lucas a Jessica nang sagutin iyon ni Jeremy. Habang nililibot namin ang lugar ay hindi kami makaimik at nag-kakatinginan lang nang biglang nag-alok ng maiinom at makakain si Jeremy.
“Anong gusto niyo guys?” tanong niya sa amin.
“Kahit wag na Jeremy, okay lang,” tugon naman ni Jessica.
“Hindi, kayo ang pinaka-una kong kaibigan na dinala dito. Kaya papakainin ko kayo, sige na,” saad naman niya sa amin.
“Hay nakoo bro, kahit ano nalang. Baka kasi bigla mo kaming palayasin,” tugon naman muli ni Lucas.
Mas pinili na naming sumagot kay Jeremy dahil posibleng hindi siya mapakali at mahiya sa amin kapag hindi namin tinanggap ang kaniyang offer. Kaya’t kahit nakakahiya at hinayaan na namin.