Habang nasa kalagitnaan kami ng aming pinag-uusapan ay biglang may nag-door bell sa labas ng condo ni Jeremy. At lahat naman kami ay napatingin
“Baka yan na yung pag-kain, saglit lang,” pahayag sa amin ni Jeremy at dali-dali siyang tumayo upang tingnan ang nasa pinto.
Nang binuksan niya ay yun nan gang pag-kain na inorder niya. At ng makuha niya ay nagulat kami na madami ang binili niya.
“B-bakit ang dami naman ata niyan Jeremy? Napagastos ka pa tuloy ng marami,” saad ko naman sa kaniya habang dala-dala ang mga pag-kain na dumating.
Napatingin naman siya sa akin, “Okay lang ano ka ba, unang beses kong mag-karoon ng bisita kaya deserve nyo ng maraming pag-kain. Hahhahaa, hayaan niyo nalang ako na maging masaya sa araw na ito, minsan ko lang naman maranasan ito eh,” pahayag niya sa amin ng sinabi ko iyon.
Nang bigla kaming mag-taka at mag-alala sa kaniya, “Ah Jeremy? May problema ka ba na hindi namin alam?” tanong ni Lucas sa kaibigan naming si Jeremy.
Napabuntong hininga si Jeremy ng itanong iyon sa kaniya ni Lucas. Ibinaba niya ang mga pag-kain sa harapan namin at agad siyang napaupo.
“Sa totoo lang guys, hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon eh. I don’t have dad but I have my mom, kaso sobrang busy niya these days. Wala ng bond, hindi ko na maramdaman yung saya. Kung anong meron ako ngayon? Wala naman sa akin yan eh, alam kong expensive pero iba parin kapag may magulang ka. Gets niyo ba point ko? Hindi mapapatungan ng pera ang pag-mamahal at pag-aalaga,” tugon ni Jeremy sa tanong ni Lucas.
Unti-unting napatingin si Jessica kay Jeremy, at nakaramdam ng awa.
“H-hindi naman kaya Jeremy ginagawa lang ng mama mo ang best niya para masuportahan ka sa pangangailangan mo lalo na at patanda na sila?” saad ko naman kay Jeremy.
Napatingin naman siya sa akin, “Hindi ko alam, simula noong naging busy siya hindi ko na siya nakakausap ng maayos. Kaya nag-decide ako na kumuha ng condo na malapit sa university, para maging mag-isa din. Kasi kapag nakikita ko si mom na dadating sa bahay, deretso na siya sa kaniyang office room. Hindi niya man lang ako kinakamusta, kung okay lang ba ako,” pahayag muli ni Jeremy sa amin.
“Hindi naman siguro sa hindi ka mahal ng nanay mo Jeremy, siguro ginagawa niya lang talaga lahat para mabuhay ka, makapagipon para sa future mo, para wala ka ng iintindihin kapag nawala ka. Ma-swerte ka padin Jeremy kasi may magulang ka pa, ako nga wala eh. Kamag-anak ko na lang ang nag-iintindi sa akin,” saad bigla ni Jessica kay Jeremy.
Napatingin naman si Jeremy kay Jessica nang sabihin iyon sa kaniya, at doon at namulat siya.
“Ewan, siguro nga. Gusto ko man malaman ang side ni mom, pero diko alam kung paano ko malalaman,” tugon naman ni Jeremy kay Jessica.
Nang biglang umimik naman si Lucas nang makaisip ng paraan, “Hmm.. what if, pumunta tayo sa inyo? Paano kung doon mamiss mo ang pagiging Jeremy mo dati? Maalala mo ang pagiging Jeremy mo dati, gets mo point ko? Hindi yung nag-kukulong ka dito sa condo ng mag-isa, magiging malungkot ka talaga sa ginagawa mo at mag-ooverthink at the same time,” saad nito
“Gusto niyo ba? Okay lang ba sa inyo kung isama ko kayo?” tanong naman sa amin bigla ni Jeremy.
“Oo naman, bakit hindi?” saad ko naman nang itanong iyon sa amin ni Jeremy.
At doon ay nakita naming naging magaan ang loob ni Jeremy at naging masaya. Habang si Jessica naman ay nanatiling tahimik.
Nang mag-tungo si Jeremy sa banyo ay agad kong tinanong si Jessica.
“Girl, bakit ang tahimik mo? Kanina ka pa hindi naimik, umimik ka lang nung sinabihan mo si Jeremy,” tanong ko sa kaniya dahil sa aking napansin.
Napatingin naman siya sa akin nang itanong ko iyon sa kaniya,
“Hindi ko alam siz, pakiramdam ko tuloy nakokonsensya na ako. Palagi ko siyang tinataboy kapag nasama siya sa atin, t-tapos hindi ko alam na ganoon na pala ang pinag-dadaanan niya. Hindi ba parang ang sama ko sa part ko na hindi ko muna inalam kung okay yung tao bago mantaboy, haaaayyy,” tugon niya sa akin
“Hindi naman siguro galit sayo si Jeremy, at naiintindihan naman niay siguro. Lalo na at hindi moa lam, e di mag-sorry ka nalang para maging maluwag yang dibdib mo,” saad ko naman sa kaibigan kong si Jessica.
Tumango naman sa akin si Jessica nang sabihin ko iyon sa kaniya.
Nang biglang bumalik si Jeremy ay biglang nag-paala na si Lucas sa kaniya, “Ah Jeremy? Okay lang bang mauna na akong umuwi?” tanong niya kay Jeremy
“Oo naman, kaso ang layo ng byahe niyo. Nakakahiya naman isinama ko pa kayo dito sa malayo. Hiramin mom una to,” tugon ni Jeremy kay Lucas at inihagis sa kaniya ang susi ng sasakyan.
Nagulat si Lucas nang iabot iyon sa kaniya, “A-ano ito? Susi? Saan?” tanong ni Lucas
“Ng sasakyan bro, sasakyan ko yang isa. I’m sure marunong ka naman magdrive, kunin ko nalang bukas sa school. Hatid ko na kayo sa parking lot,” saad ni Jeremy kay Lucas.
“Seryoso ka? Kaya nga hindi ako nag-sasakyan para mag-enjoy mag-byahe, tapos ipapahiram mo ito sa akin,” saad naman ni Lucas
“Baliw, may kasama ka. Alangan namang pag-byahihin mo pa ang mga kasama mong babae diba?” tugon naman kaagad ni Jeremy.
At bigla namang napatingin sa amin si Lucas, “Sige na nanga, tara,” saad naman ni Lucas.
Sabay-sabay na kaming lumabas ng condo ni Jeremy, at inihatid na kami ni Jeremy sa basement kung saan nandoon ang parking lot. Habang nag-lalakad sa parking lot ay kinausap ni Lucas si Jeremy.
“Hindi mo naman sinabi sa akin na may isa ka pang sasakyan,” saad ni Lucas
“Oo nga, binigay talaga yun ng nanay mo sayo?” tanong ko naman kay Jeremy
“Actually, yung lolo ko ang nag-bigay sa akin noon. Kaso nasa heaven na siya eh,” tugon naman sa amin ni Jeremy.
Nang bigla kaming tumigil, “So nasaan na siya?” tanong naman ni Lucas kay Jeremy
“Ayan, nasa likod niyo. Honda Civic, yan ang first car ko na ibinigay sa akin ng lolo ko. Binigay niya yan sa akin bago siya mawala, after a month siya nawala kaya masakit lang isipin palagi,” saad naman sa amin ni Jeremy
“Eh bakit ipapahiram mo sa amin?” tanong naman ni Lucas
“Gusto ko lang na makagala yan, hindi ko kasi nagagamit. Wag na kayo mahiya, para makilala rin kayo ng lolo ko kung gaano kayo kabuti sa akin,” saad naman ni Jeremy nang itanong yun sa kaniya ni Lucas.
“Pero Jere—” naputol kong pag-kakasabi kay Jeremy
“Ano ba kayo Luna, okay lang. Sige na sumakay na kayo, gagabihin na kayo oh, delikado pa sa daan, mag-iingat kayo ah?” pahayag naman ni Jeremy sa amin.
“Sige, uuna na kami. Wag ka ng maging malungkot diyan, pupunta tayo sa inyo,” saad naman ni Lucas kay Jeremy
“Oo bro, salamat sa inyo,” pahayag naman muli ni Jeremy sa amin
“Thank you Jeremy!” pahayag ko naman sa kaniya
Nang makasakay kami sa sasakyan ni Jeremy, ay pinaandar na kaagad ni Lucas ang sasakyan at umalis na. Kumaway si Jeremy sa amin nang papalabas na kami ng basement.
Habang nasa byahe na kami ay muli akong umimik sa mga kasama ko,
“Hindi ko alam na ganoon na pala ang pinag-dadaanan ni Jeremy. Sa araw-araw na kasama natin siya, mukha namang okay siya,” saad ko naman sa kanila
“Oo nga, kahit ako,” tugon naman ni Lucas
“Siguro paboritong apo siya ng lolo niya, bihira lang ang mabigyan ang apo ng sasakyan galing sa lolo ah?” saad naman muli ni Lucas sa akin
“Posible, at posible rin na napakabuting apo ni Jeremy noong kasama pa niya ang lolo niya. Kasi imposible naman siyang bigyan kung hindi di ba?” saad ko naman sa kaniya
Hanggang sa nanahimik na kami at napansin ni Lucas na napakatahimik sa likod ni Jessica,
“Jess? Bakit ang tahimik mo diyan? Hindi ka man lang ba iimik? Kanina ka pang tahimik kahit noong nandoon pa tayo kayna Jeremy,” pahayag ni Lucas kay Jessica
Napatingin naman ako sa kaibigan kong si Jessica nang sabihin iyon sa kaniya ni Lucas,
“Ah—wala wala, hindi lang din ako makapaniwala na ganoon na ag pinag-dadaanan ni Jeremy,” tugon naman agad ni Jessica kay Lucas.
“Delikado pa naman ang ganoon lalo na kapag kinakain ka ng lungkot. Sana kapag nag-punta tayo sa kanila, matulungan natin siyang mali ang sinasabi niya tungkol sa kaniyang ina,” saad ko naman sa mga kasama ko.
“Sana nga,” tugon naman ni Lucas.
Hindi nag-tagal ay nakarating narin kami sa aming dorm, at nang makababa kami ay nag-pasalamat kami kay Lucas. Nang biglang nagulat kami nang makita namin na may babaeng nakahalandusay sa labas ng aming dorm
“Jess a-ano yun?” tanong ko kay Jessica
Napatingin naman siya sa aking itinuturo, “Babae! Tara puntahan natin!” sigaw ni Jessica na makita ang babae na aking itinuturo at nang nilapitan namin ay puno na siya ng dugo.
Biglang bumaba naman ng sasakyan si Lucas, at nang makita niya ay napansin niya na may kagat ito nang hindi masabing nilalang.
“Pumasok na kayo sa loob! Delikado dito sa labas dali!” sigaw kaagad sa amin ni Lucas, at dali-dali rin siyang sumakay sa sasakyan upang tumungo na sa kanilang bahay.
Nang makapasok kami sa loob, ay biglang may dumaan na nag-roronda na barangay sa lugar namin nang bigla nila iyong makita. Nang mag-kagulo sa labas, ay agad silang kumilos upang maimbistigahan ang nangyari.
Dumidilim na ang lalong maraming tao sa labas, nang biglang tumawag sa telepono si Lucas.
“Hello? Luna? Kamusta dyan? May mga pulis na ba?” tanong niya agad sa akin nang sinagot ko ang telepono.
“Oo, ano ba kasing nangyayari? Bakit ganito ang nangyayari sa lugar natin? Hindi naman ganito dati ah?” tanong ko kaagad sa kaniya
“Hindi ko rin alam, sa ginagawa nila lalo nilang sinasadya ang mga ginagawa nila,” tugon anman sa akin ni Lucas.
“Sino?! Sino bang gumagawa ng lahat ng ito?!” tanong ko naman sa kaniya.
“Hindi ko alam! Hindi natin masasabi kung sino ang gumawa dahil hindi lang isa ang lobo na namamalagi dito sa lugar natin!” pahayag naman ni Lucas sa akin.
Nang marinig ko iyon sa kaniya ay hindi ako nakaimik ng ayos, hindi ko akalain na isang matatapang at malalaking lobo ang gumagawa noon sa mga tao.
“Eh kung lobo sila? Ano?!” tanong ko naman kay Lucas
Hindi siya makaimik sa akin nang itanong ko iyon sa kaniya nang bigla niyang pinatay ang telepono. Doon ay napaisip ako lalo kung ano si Lucas.
Nang biglang lumapit si Jessica sa akin, “Girl? Ano raw sabi ni Lucas?” tanong naman sa akin ng aking kaibigan.
“Hindi ko alam, hindi ko alam kung anong nangyayari dito sa lugar natin, nakikita kong hindi normal ang nangyayari,” saad ko naman kay Jessica.
“Natatakot na ako, pakiramdam ko hindi ako magtatagal dito sa lugar natin lalo na at ganito ang pinapakit sa atin araw-araw. Laging may nasasawi, paano kung umuwi muna tayo sa kaniya-kaniya nating probinsya Luna?” saad naman ni Jessica sa akin.
“Yun nga din ang iniisip ko, para kahit doon man lang maging ligtas tayo,” tugon ko naman sa kaniya.
“Sabihin natin kayna Lucas na ganoon muna ang ating gagawin para walang mapahamak sa atin, kahit siguro nasa sa loob tayo ng bahay, anytime dadalihin parin tayo ng mga halimaw na yan,” saad niyang muli.
Doon pa lang sa sinabi niya ay nakakabahala na, kaya sa isip ko ay mas gugustuhin ko muna tumira sa probinsya kaysa nasa lugar kami na hindi naman kami ligtas.