Sinamahan ako ni Ashton sa restaurant on my first official day of apprenticeship. Kinumbinsi ko ang sarili ko na ayos lang ang lahat. Titiisin ko na lang ang presensiya ni Derek. Isang linggo lang namang pagdurusa. Hindi pala nasabi ni Clint kay Ashton na hindi siya ang makakasama ko. “Mahal ko, bakit hindi mo sinabi wala pala si Clint dito ngayon and for the whole week? Kung wala siya, I’m not comfortable leaving you here. Mas okay pa na huwag na lang for two weeks. Pwede ko naman gawan ng paraan o sa iba na lang kita papag-train. Pwede sa restaurant sa. . .” “Huwag na. Ikaw naman, ang OA mo. Ayos lang ako. Sige na, you can leave me here.” Sinubukan ko namang magmukhang masiyahin ang expression ng mukha ko kaso ay sadyang matinik ang nobyo ko. “Karla, par