Ang dalawang oras na paalam niya sa akin ay naging anim na oras. Kumain pa kami bago kami bumalik ng bahay. Nagutom kasi kami, siguro dahil sa kakapalitan namin ng laway. Itatanong ko nga sana kung ilang muscles ba ang gumagana kapag nakikipaghalikan ang isang tao pero hindi ko na nagawa. Busy kami eh. Dumating kami sa parking lot ng hotel ng ala-una ng madaling araw pero umakyat kami ay alas dos na. May naganap pang kissing session sa kotse. Ganoon pala ang pakiramdam kapag mahal mo, lalandi at lalandi ka talaga. Hindi ko na siya pinauwi dahil mukhang inaantok na siya. “Dito ka na lang matulog. Kukuhanan kita ng unan at kumot.” Parang may voice over na sumigaw ng Landian session starts now. Dahil hinila niya ako sa tabi niya nang mahiga siya sa sofa. Kasya naman kami