CHAPTER 13 "Sir, pasensiya na talaga yung sa nangyari sa loob." Pagsisimula niyang paghingI ng tawad. Huminga siya nang malalim para maibsan ang tensiyong naghahari sa kaniyang dibdib. Hindi ang Adam na seryoso, terror at istrikto ang nakikita niya ngayon sa harapan niya kundi si Adam na nakakabiruan niya, nakayakap, nakahalikan at nakatalik. Si Adam na siyang nagpapatibok sa kaniyang puso at pinangarap niyang muling makita. Bawat sandali ay ito ang inasam niya, ang muli silang magkita. Tumigil nang muli ang mundo niya nang nasa harap na naman niya ito. Nakatitig sa kaniyang mga mata. Amoy na naman niya ang mamahalin nitong pabango, na-iimagine niya ang mabango nitong hininga. Napakislot siya nang hawakan ni Adam ang kanyang kanang braso. May kung anong nagpabilis sa t***k ng kaniyang pu