CHAPTER 28 Umupo na muna sa waiting area si Ricci at hinayaan niyang si Adam ang lumapit sa reception. Nagtext siya sa kapatid niya na hindi na siya makakauwi at bukas na lang ng umaga. Ang rason niya, may gagawin siyang research paper kasama ng mga kaklase niya. Hindi niya maintindihan ang pakiramdam. Nanginginig siya ngunit hindi naman giniginaw. Pinagpapawisan siya kahit hindi naman mainit. Naninikip ang dibdib niya kahit wala naman siyang sakit sa puso. Basta iba ang kanyang pakiramdam. Mas matindi pa kaysa nang unang may nangyari sa kanila ni Adam. Tinignan niya ang pintuan. Sinong may ayaw maulit ang isang sarap na natikman niya noon sa piling ni Adam ngunit natatakot siya pagkatapos no'n. Alam niyang lalo lang siyang mahuhulog, lalong mapapamahal si Adam sa kanya at siya na may n