CHAPTER 31 "Hindi mo ba talaga ako titigilang buwisitin?" "Relax, okey?" Kalmadong itinaas ni Ringgo ang dalawa niyang kamay. "Nagsisimula palang ang laro natin galit na galit ka na agad! Gusto mo akong suntukin? Sige lang. Di kita papatulan. Gusto mong gumawa ng pag-uusapan at isipin ng lahat na pinepersonal mo ang new appointment ko bilang CDO? Sige, pagbuhatan mo ako ng kamay at tignan natin kung sino ang makakuha ng simpatya nila." Ibinaba ni Adam ang nanginginig niyang kamao. Itinulak niya si Ringgo saka siya tumalikod. Huminga siya nang malalim. Nang nasa tapat na siya ng Board Room ay inayos niya ang sarili. Kailangan niyang maging kalmado kahit pa sumasabog na siya sa inis sa nakabuntot sa kanyang si Ringgo. Hindi siya kailangang magpatalo sa kanyang matinding galit. He need