CHAPTER 62 Nasa ganoon silang kalagayan nang dumating sina Sackey at Sofia. "Anong nangyayari sa inyo? Umalis lang kami sandali dahil may tinignan muna kami pero pagbalik namin parang may nangyari na agad?" Bumunot ng malalim na hininga si Ricci. Kailangan niyang kapalan ang kanyang mukha. "Wala kaming matutuluyan tol. Ayaw kong maghihiwalay kaming magkakapatid." "Sino ba kasing nagsabing wala kayong matitirhan?" Si Sackey. "Bakit naman papayag kang maghihiwalay kayo kung puwede naman kayong magkakasama laha?" Ginagap si Sofia ang palad niya. "Ano hong ibig ninyong sabihin?" nagtatakang tanong ni Ricci. "Tara na." kumindat si Sackey kay Sofia nang inakbayan niya si Ricci. "Mula ngayon, nandito na kami ni Ma’am Sofia na bago mong pamilya." Tinignan ni Sackey ang mga kapatid ni Ric