CHAPTER 8 Nang marinig ni Adam ang mahinang hilik ni Ricci ay maingat siyang bumangon. Pumasok siya sa CR at nagshower. Nang mapunasan ang buong katawan ng tuwalya ay inayos niya ang kaniyang mamahalin relo sa kaniyang bisig. Tulog pa din si Ricci nang lumabas siya sa kuwarto. Pinagmasdan niya ito ng malapitan. Dahan-dahan niyang hinaplos ang maganda nitong mukha. Parang anghel lang itong natutulog. Inosente at walang kamuwang-muwang. Mukhang hindi pa dumaan sa masasakit na pagkabigo. Kailan lang nang magkasing-edad sila ni Ricci. Puno rin siya noon ng pangarap at pag-asa na may darating na babaeng tatanggapin siya at mamahalin habang-buhay. Iyon ang alam niyang pangarap rin ng dalagang ito ngayon. Ayaw niyang siya ang sisira sa pangarap ni Ricci. Hindi siya ang tuluyang babasag sa p