(Chapter 47 - Sorry na! ) Tamara's POV Maaga akong gumising kinabukasanpara asikasuhin si Cyd. Natanggap ko na kasi ang sagot niya sa email na pinadala ko kagabi. Mabuti naman at hindi niya tinaas ang pride niya. Wala sina mama at papa ngayon kaya ako ang nag-asikaso ng mga food at pictorial na magaganap kapag pumirma na siya. Kailangan may picture dahil pino-post ko sa social media account ng Galvez clothing ang mga sikat ng fashion model mayroon ng exclusive contract sa amin. Nang una, ayoko na talagang kunin si Cyd. Kaya lang, ilang araw na kasi itong trending sa social media. May mga litrato kasi siyang kumakalat na tumutulong siya sa mga pulubi sa kalsada at namimigay siya ng pera sa mga taong na-ospital na hindi kayang bayaran ang bill. Hindi ko alam kung trip niya lang iyon, da