( Chapter 36 - Busted ulit si Denver ) Tamara's POV Beer in can ang ininom namin ni Latina. Hindi ko inaakalang mahilig sa inuman si Latina. Sa isang oras na lumipas ay nakaka-anim na can na siya, habang ako naman ay nakaka-apat lang dahil chill lang talaga ang gusto ko. "I like you na, Tamara," saad nito habang hawak-hawak ang beer in can niya. Mapula na ang mukha niya. Halatang may tama na siya ng alak. "Me too, aaminin ko, nang una ay hindi kita masyadong bet. Ang tapang kasi ng mukha mo, tapos ang seryoso mo pa. Feeling ko, ayaw mo sa akin dahil napakatipid mong magsalita at hindi mo manlang ako nginingitian." Tumawa naman siya sa sinabi ko. "Ganoon talaga ako sa una, hindi kasi ako iyong tao na kakakita o kakakilala lang natin ay makikipag-close na agad ako. Kinikilala ko muna ka