(Chapter 18 - Ang pagbigay ni Mr. Travino ng bonus kay Morado) Kinn's POV Natatandaan ko na siya. Si Tamara pala iyong babaeng palaging nagco-comment sa bawat post ko. Lahat ng picture ko pinupusuan niya. Mahigit ilang buwan na siyang active sa mga post ko. Lahat din ng page at private group page ay active na active siya. Minsa, ito pa nga ang nag-aaya na fan meeting. Hindi ko naman mapatulan ang hiling nito dahil ayoko talaga ng fan meeting. Ayoko nang magulo. Kanina, habang papaalis na siya sa bahay namin ay kita ang lungkot sa mukha niya. Naniniwala talaga siya na mag-a-abroad na ako. Inaasahan niya siguro na mapapapirma niya ako. Hindi bale, magiging bodyguard naman na niya ako kaya dapat lang na maging masaya pa rin siya. Iyon nga lang, hindi itong guwapo kong mukha ang makakasama