( Chapter 43 - Luluha rin siya sa akin ngayon ) Kinn's POV Kakatapos ko lang panuorin ang CCTV dito sa loob ng kotse ko. Nahiya ako bigla nang makita kong ako nga pala ang unang humalik kay Tamara. Hindi lang iyon, ang wild nang halikan namin doon. Ang tagal din niyon. Mabuti na lang at hanggang ganoon lang ang ginawa namin. Mabuti na lang at nakatulog na lang ako kusa. Ito ang ayoko kapag nalalasing ako. Kung anu-ano ang nagagawa kong mali. Pero, ang malaking tanong ngayon sa isip ko ay baka tila tinakpan ni Tamara ang camera matapos kaming maglaplapan? Doon na ba niya ginawa ang pag-selfie habang kini-kiss niya ako sa pisngi ko? Napangisi ako. Maaring ganoon nga ang ginawa niya. Baliw din talaga ang babaeng iyon. Bumaba na ako sa sasakyan ko nang makita kong papunta sa garden si mam