Chapter Ten

269 Words
MATAGAL nang walang imik si Knox simula pa noong natapos silang kumain. Konti lang ang kinain ni Knox kanina dahil mailap talaga ito sa mga maanghang na pagkain. “Huy. Kanina ka pa tahimik,” basag si Selene sa katahimikan. Nakaupo silang dalawa sa couch pero walang nagsasalita. Napapaisip na tuloy si Selene kung may nagawa ba siyang mali sa kanya kaya hindi ito nagsasalita. “I`m tired,” sagot ni Knox. “Gano`n ba? Sige, magpahinga ka na lang,” giit naman ni Selene. Kung pagod nga si Knox, hindi na lang niya kukulitin ito para kausapin siya. Naiintindihan naman niya kung pagod ito. Sino ba naman siya para mag-insist na kausapin siya ni Knox `di ba? “I don`t need to rest,” ani Knox. Seryoso ang mukha nito at parang malalim ang iniisip. “You sure? Mukhang kailangan mong magpahinga muna.” Or baka naman kailangan ni Knox na mapag-isa muna? “I`m fine. Madami lang akong iniisip,” saad ng binata. “Iwan na lang muna kita para makapag-isip ka ng mabuti.” Aalis sana si Selene nang marinig niya nagsalita si Knox. “Stay. I want to talk to you.” “Okay. Anong sasabihin mo sana?” tanong no Selene. “I was embarrassed back then,” panimula ni Knox sa usapan. “You can eat spicy food and I can`t. Nakakahiya `yon bilang isang lalaki,” dagdag pa niya. “You shouldn't feel that way, Knox. May mga lalaki naman na hindi mahilig sa maanghang,” ani Selene. “Kahit na pero nahihiya pa rin ako,” sagot nito sa mababang boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD