Chapter Eleven

260 Words
“BAKIT hindi mo sinabing ayaw mo pala sa maanghang? Hindi sana tayo pumunta doon,” ani Selene. Hindi naman siya mahirap pakiusapan. Kung sinabi lang sana ni Knox na hindi siya kumakain ng maanghang, sana sa ibang restaurant na lang sila pumunta. “It`s alright,” he replied shortly. “Anong it`s alright? Ako lang yata ang nabusog sa pinuntahan natin, e!” malakas na giit ni Selene. Knox shrugged. “At least, I tried new dishes.” “Kahit na pero hindi ka kasi nagsabi,” giit pa ni Selene. Seryosong humarap si Knox kay Selene at pinantayan ang titig ng dalaga. “You enjoyed eating, right? That`s what matters. Tapos na `yon, kaya `wag na nating pag-usapan. Ang mahalaga, nabusog ka.” “Okay.” Iyan na lang ang sinagot ni Selene dahil ang lakas ng t***k ng puso niya at tila hindi siya makahanap ng magandang sasabihin. “Are you tired?” pag-iiba ni Knox sa usapan. “Medyo,” sagot naman ni Selene. “Why don`t you go and check your stuffs upstairs? Nandoon ang lahat ng binili mo kanina,” ani Knox. Biglang nabuhayan ng loob si Selene dahil sa narinig. Excited na siyang buksan ang mga binili niya kanina. “Talaga?! Sige, tataas na ako, ah!” masiglang saad niya at tumakbo na papunta sa ikalawang palapag ng bahay. “Don`t put your stuffs everywhere or I`ll make you clean our room!” pahabol na sigaw ni Knox mula sa baba. Our room. Shit! Share nga pala sila ni Knox sa iisang kwarto!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD