“What a wonderful day!” nakangiting saad ni Thummy, habang nakadipa ang mga kamay na nakatayo sa labas ng kaniyang tinutuluyang bahay.
“Hoy bruha! Bakit ang saya-saya mo?” tanong ng kaniyang kaibigang si Missy.
Agad naman siyang umayos nang pagkakatayo saka hinarap ang kaibigan. “Good Morning kapatid! What a wonderful day, don’t you think so?” tanong pa niya rito na ikinatawa naman nito.
Ngayong araw kasi ang kanilang on the job training interview. Isa kasi siyang scholar sa all girls school sa San Juan City. Excited na siya para sa interview niya. Malaki kasi ang posibilidad na ma-absorb siya rito pagka-graduate niya. ‘Pag nagkataon, one time big time lang ang kaniyang paghihirap sa interview na iyon.
“Hayyy, ewan ko sa iyong babae ka. Hindi ka ba kinakabahan? Ako kasi wala pa man, halos maihi na ako sa salawal ko sa kaba!” anito habang nakahawak pa ito sa dibdib nito.
Natawa naman siya sa inakto ng kaniyang kaibigan. “Relax ka lang kapatid! The more na kinakabahan ka, the more rin ang posibility na bumagsak ka sa interview,” nakangiting saad pa niya sa kaibigan.
“Ewan ko kung paanong napakalmado mo, samantalang ito ang unang job interview mo ‘di ba?” sabi naman ni Missy sa kaniya.
Magkapanabay na sila ngayong naglalakad patungong sakayan, papunta sa kanilang paaralan.
“Kasi kapatid, wala namang magagawa ‘yong kaba ko kapag iyon ang pinairal ko. Hindi naman ako no’n matutulungang makasagot sa interview. Kaya worry not, smile, and be confident! Kaya natin ito!” nakangiting saad pa niya sa kaibigan.
Napailing naman si Missy at nakigaya na lang din nang ngiti sa kaniya. Ilang minuto rin silang bumiyahe bago makarating sa kanilang paaralan. Pagdating nila roon, naabutan nilang nagkakagulo ang kanilang mga kaklase sa pag-aayos, at pagme-make up. Aakalain mong may malaking beauty pageant na sasalihan ang mga ito. Napapailing, at natatawa na lang siya sa mga kaklase.
‘Talagang effort ang mga inday sa pagpapaganda,’ bulong pa niya sa kaniyang sarili.
Naupo siya saka kinuha ang kaniyang polbo, at lip balm sa kaniyang bag, saka nag-umpisang mag-ayos ng sarili. Wala kasi siyang panahong mag-effort sa pagme-make up. Okay na sa kaniya ang simpleng ayos lang. Para sa kaniya kasi, sa sagot pa rin magba-base ang mga mag-iinterview sa kanila.
“Huyyy, bakit hindi ka pa nag-aayos? Maya-maya lang nandito na si Ma’m para sunduin tayo,” sita sa kaniya ni Missy.
Nginitian lang niya ito at nag-beautiful eyes pa rito. “Naka-ayos na ako FYI. Hindi mo ba nakikita?” sabay nguso pa niya, para ipakita ang inilagay niyang lip balm sa kaniyang nguso.
“Huh? Asaan diyan?” sinipat pa nito ang kaniyang mukha. “Sus ko naman Grace, ayos na talaga iyang ginawa mo? Para ka lang nasa bahay eh. Halika at ako na ang mag-aayos sa iyo,” paglilitaniya nito sa kaniya.
Napasimangot naman siya sa kaibigan. Ayaw na ayaw niya kasing nagpapaayos dahil feeling niya nagmumukha siyang payaso.
“Missy, ‘wag na lang kaya? Okay na ako rito eh. Baka maging miyembro ako ng Boyoyong Club eh,” nagdadalawang isip na sabi niya sa kaibigan.
“Magtigil ka riyan Gracia! Pikit!” pinandilatan pa siya nito ng mga mata, bago siya inumpisahang ayusan nito.
Wala na rin naman siyang nagawa, kaya sumunod na lang siya rito. Ilang saglit lang, at sinabihan na siya nitong okay na. Agad niyang sinilip ang itsura sa salaming iniabot nito sa kaniya. In fairness nagmukha naman siyang tao.
“Salamat Missy. Mukha na akong tao,” humahagikhik pa niyang saad dito.
Pinalo naman siya nito sa balikat. “Puro ka kalokohan. Tara na, nasa baba na raw ‘yong service.” Yaya na nito sa kaniya.
Iniligpit na nito ang mga ginamit nitong pampaganda, saka isinalansan nang maayos sa bag nito. Habang siya naman ay nag-inat, bago dinampot ang bag, saka isinukbit iyon sa kaniyang balikat.
Sabay na silang naglakad patungo sa school service, na maghahatid sa kanila sa venue ng kani-kanilang interview. Magkatabi sila ni Missy sa upuan ng van. Cool na cool siyang nakaupo sa tabi nito, habang ang kaibigan ay parang hindi mapakali sa puwesto nito.
“Huyyy, Missy ‘wag ka ngang malikot diyan!” sita niya sa kaibigan.
“Eh kinakabahan ako eh. Ikaw ba?” tanong naman nito sa kaniya habang tinatapik-tapik ang mga daliri sa ibabaw ng bag nito.
“Bakit nga ako kakabahan? Hindi naman siguro tayo kakainin ng buhay doon sa pupuntahan natin. Relax ka nga lang diyan, humuhulas na ang make up mo oh,” bumubungisngis pa niyang pahayag dito, sabay turo sa mukha ng kaibigan.
Nakakatawa naman kasi talaga ang itsura ng kaniyang kaibigan. Malamig sa loob ng sasakyan, pero pinagpapawisan ito ng todo. Lalo namang napasimangot ito sa sinabi niyang iyon.
“Tao ka pa ba Gracia? Grabe ka! Ni hindi ka talaga ninenerbyos diyan? Samantalang ako ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Tignan mo oh!” Kinuha pa nito ang kaniyang kamay, saka inilagay sa tapat ng dibdib nito.
“Ano iyan may mga naghahabulang daga, at pusa ba diyan neng?” nakangising tanong pa niya rito. Hinawakan niya ang kamay nito saka sinabihang, “Inhale, exhale, breathe, and focus. Isipin mo na lang para ito sa ekonomiya. Kaya natin ‘to!” pagpapalakas niya ng loob sa kaniyang kaibigan.
Sinunod naman siya nito, kaya napangiti na siya nang sa wakas ay kumalma na ito sa kaniyang tabi. Ilang sandali pa, at huminto na ang van na kanilang sinasakyan. Medyo malapit lang ang hinintuan nito sa kanilang school.
“Grace, Missy, and Rowena, bumaba na kayo girls,” narinig nilang sabi ng kanilang guro.
Binigyan muna sila ng instructions nito bago pumasok sa loob ng Bitter-Sweet Cafe. Namangha naman sila sa ganda ng lugar. Agad niyang inilibot ang kaniyang paningin sa labas ng gusali. Madali naman matandaan ang lugar na iyon, dahil hindi naman iyon tago.
‘Yayamanin ang lugar na ito. Ayyy, bonga!’ impit na tili pa niya sa kaniyang isip.
“Hala Grace, paano na lang kung hindi tayo makapasa? Paano na lang kung ayaw nila tayo rito?” bulong ni Missy sa kaniya habang nakakapit ito sa kaniyang braso.
Animo pumapasok sila sa isang hunted house, at takot na takot itong nakakapit sa kaniya. Kung kaya’t nilingon niya ito’t kinausap, “Ikaw reyna ka ng ka-nega-han eh ‘no? Bakit naman iyon agad ang iniisip mong mangyayari? Saka hindi man tayo matanggap dito okay lang, mdami pang ibang venue. Kaya chill ka lang diyan. The more na iisipin mong hindi tayo matatanggap, iyon talaga ang mangyayari. Kaya dapat positive ka lang mag-isip,” mahabang litanya niya sa kaibigan.
Napabuntong hininga naman ito saka umayos nang paglalakad. Sabay pa silang napalingon nang magsaita ang kanilang guro, “Okay ladies, iyong mga bilin ko sa inyo ha? Susunduin namin kayo ulit dito mamaya ha? Kaya behave, walang maglalakwatsa,” anang kanilang guro.
Sabay-sabay naman silang sumagot ng ‘OPO’ sa kanilang guro. Ngumiti naman ito saka sila iginiya papasok sa loob ng BSC. Agad naman silang pinaupo ng isang service crew, upang doon maghintay sa manager na mag-iinterview sa kanila. Ilang beses huminga nang malalim ang kaniyang kaibigan. Ninenerbiyos talaga ito, kaya naman hinawakan niya ang kamay nito at nginitian.
Huminga naman ito ng malalim, saka natigilan nang marinig nito ang pangalan. “Missy Fernandez?” tawag ng isang crew sa kaibigan, na ngayon ay pinagpawisan na nang malapot, at medyo namumutla ang mukha dahil sa nebiyos.
Muli niyang pinisil ang kamay nito. “Kaya mo iyan kapatid. Remember, focus, and isipin mong mabuti kung para saan ang lahat ng ito.” Kinindatan niya ito saka sinenyasang tumayo na.
Tumayo naman na ito’t ngumiti sa kaniya, bago ito naglakad palapit sa service crew. Iginiya naman ito ng babae sa office ng manager ng BSC. Ilang minuto rin ang nakalipas bago nakalabas sa maliit na silid na iyon si Missy. Mukhang okay na ito dahil nakangiti itong bumalik sa kinauupuan niya kanina.
Tatanungin sana niya ito nang tawagin siya ng service crew, “Grace Calma?” Nakangiting sambit nito sa pangalan niya.
Agad siyang tumayo at sumunod sa babae. Pagpasok niya sa silid ay inihanda niya ang napakatamis niyang ngiti. Nginitian din siya ng manager ng BSC, saka siya pinaupo sa upuang nasa harapan nito. Agad naman siyang tumalima sa utos nito. Saglit na tinignan nito ang kaniyang resume, saka nakangiting tumingin sa kaniya.
“So, Ms. Calma, why we should hire you?” tanong nito sa kaniya.
Ngumiti siya at umupo nang maayos bago sumagot, “Though it will be my first job, I can assure you that I can be a good asset into your company. With my school reputation, I can make sure that you will not regret hiring me. I am a responsible, and hard working person too. Trust that you can rely into my skills,” confident na sagot niya rito.
‘Wow, pak na pak pang beauty pageant ang sagot!’ bulong pa niya sa kaniyang sarili.
Ngumiti naman ang manager, saka siya sinabihang hintayin na lang niya ito sa labas. Nagpasalamat siya rito saka lumabas ng silid na iyon. Ngiting-ngiti siyang lumapit kay Missy.
“Kumusta? Parang ang bilis mo naman?” magkasunod na tanong ng kaibigan sa kaniya.
“Isa lang naman ang tinanong sa akin eh. ‘Why should we hire you?’ famous question ‘di ba?” nakangising sagot niya kay Missy.
“Iyon lang ang itinanong sa iyo? Bakit ganoon? Ako ang daming follow up questions,” nagre-reklamong saad nito sa kaniya.
“Siyempre sinagot ko sila ng pang beuty pageant answer eh. Kaya siguro iyon lang ang tanong sa akin.”
Natawa pa siya sa itsura ng kaniyang kaibigan nang tumingin ito sa kaniya. Maya-maya pa ay lumabas na rin si Rowena na tila maiiyak na.
“Uyyy, kapatid kumusta? Okay ka lang ba?” tanong niya rito.
Tumango naman ito saka pilit ngumiti. Nagkatinginan naman sila ni Missy saka nagkibit-balikat. Ilang sandali lang ay lumabas na ang nag-interview sa kanila. Dala nito ang kanilang mga resume. Ngumiti ito at tumingin sa kanila ni Missy.
“Okay ladies. I’m glad that you’ve done a great job. Hintayin niyo na lang ang teacher ninyo okay? We will send the result of your interview to your school within the day,” mahabang pahayag nito sa kanila.
“Thank you po!” Magkakapanabay naman nilang sagot dito.
Nginitian naman sila nito bago ito umalis sa kanilang harapan. Nakangiting sinundan naman nila nang tingin ang manager na nag-interview sa kanila.
“Ayyy sana makapasa tayong tatlo!” excited na saad ni Missy.
“Kanina para kang basang sisiw diyan, ngayon naman para kang kititi!” Natatawa na lang niyang sabi rito.
Maya-maya pa’y napagpasyahan nilang sa labas na lang hintayin ang kanilang guro. Naupo sila sa isang bench na nandoon, malapit sa parking area. Tahimik pa rin si Rowena habang sila ni Missy ay nagkukulitan. Nagkatinginan pa sila ni Missy nang hindi ito nakikisali sa kanilang usapan.
Tumikhim siya saka ito kinausap, “Weng, okay ka lang ba? Parang kanina ka pa kasi wala sa sarili mo eh. Ano bang nangyari sa interview mo?” tanong niya dito.
Lumipat naman nang upuan si Missy upang mapag-gitnaan nila ito.
“Wala ito ninerbyos lang ako sa interview kanina.” Tipid na ngiti nito sa kanila.
“Sigurado ka?” paniniyak niya rito.
Tumango lang ito sa kanila bilang tugon. Hindi man siya kumbinsido sa sinabi nito, ay nanahimik na lang din siya. Hindi naman kasi nila talaga close si Rowena, kaya hindi rin nila mapipilit na mag-share ito sa kanila.
“Naku ako rin nga kanina eh, grabeng kaba ko no’ng ini-interview ako. Pero noong nag-uumpisa na, ayon okay naman na. Buti na lang kasama natin si Grace.” Pagmamalaki naman ni Missy rito.
“Sus pinalakas ko lang naman ang loob mo. Ikaw pa rin naman ang nagsalita during your interview,” sagot naman niya sa kaibigan.
“Maski na, ang laking bagay kaya no’ng may nagtitiwala sa kakayahan mo. Kaya thank you kapatid!” Tumayo pa ito mula sa kinauupuan nito saka siya niyakap.
Hindi niya alam pero parang may kakaiba talaga kay Rowena. Hindi na lang niya iyon inintindi, at nginitian na lang ito. Hindi rin naman talaga sila tropa, kaya baka hindi rin mag-open sa kaniya ang kaklase. Maya-maya pa ay dumating na ang kanilang sundo, kaya naputol na ang kanilang pag-uusap.
‘Thank you po. Natapos din ang interview, sana po makuha kami rito sa BSC.’ Nakangiting pasasalamat niya habang nakatingala sa langit.
Sumakay na sila sa van at hinatid sila pabalik sa kanilang paaralan. Wala rin naman silang ginawa sa maghapon, maliban sa pagsusulat ng mga notes. Next month sa field naman sila makikipagsapalaran.