Kumurap si Lyn nang maramdaman ang kamay nito na humawak sa siko niya. “Pumasok na tayo sa loob. Stop thinking about unnecessary things.” Tiningala ni Lyn ang binata. Nagtama ang mga paningin nila. Uminit ang mukha niya kasi nakita niya sa mga mata nito na alam ni Benedict ang tumatakbo sa isip niya. Napahiya siya kasi nakikita niya sa facial expression nito na hindi ito natutuwa sa iniisip niya. “Sorry na.” Tumango si Benedict at inakay siya papunta sa entrance ng restaurant. Nawala ang worry ni Lyn nang makapasok na sila sa compound ng kainan. Garden ang napasukan nila. May hagdan paakyat sa restaurant na sa unang tingin mukhang art gallery kasi may mga painting na naka-display. Lahat din ng mga gamit, antique. Kaswal at halos homey ang am