TORI
Everything white. Well, not exactly. I am wearing a royal blue, Manolo Blahnik high heeled shoes to match my white wrap bodice midi dress with tie waist and pleat skirt. Ang haba nito ay hanggang taas ng tuhod ko. Bumagay sa balingkinitan kong katawan ang damit at ng tingnan ko ang sarili ko sa salamin ay napangiti ako. Ang ganda ganda ko! This dress leaves an imagination to anyone’s wild mind. Ang tangi kong alahas ay ang diamond studs na iniregalo sa akin ni Mommy noong nagdiwang ako ng sixteenth birthday ko. I applied a very light make up and curled the ends of my long hair. Who would have thought I would get married like this? And to Philip, of all people.
"Saan ang punta mo, anak? Mukhang bihis na bihis ka." Narinig kong sabi ni Yaya Tita nang makita nya akong palabas na ng pinto.
"May importante lang po akong gagawin. Babalik din po ako kaagad." Hindi ko sinabi sa kanya na magpapakasal ako ngayong araw na ito. Siguradong pipigilan nya ako sa binabalak ko. Pero hindi na lang farm at kabuhayan ng mga tao ang pinag-uusapan dito. I am about to lose the only place I have memories with my parents. Maaga na nga silang kinuha sa akin ay mawawala pa sa akin ang bahay na ito. Hindi ako makakapayag. Hanggang may magagawa akong paraan ay gagawin ko, huwag lang mawala ito.
"Tori, kung anuman ang pinaplano mo ay sana pag-isipan mo ng mabuti. Hindi ka na bata at alam mo na ang ginagawa mo. Basta, nandito lamang ako palagi para sa iyo. Aalalayan kita at aalagaan sa abot ng makakaya ko. Ipinangako ko 'yan sa iyong ama't ina."
Niyakap ko si Yaya Tita at pinigil ang pagpatak ng luha. "Opo. Mag-tiwala lang kayo sa akin. Magiging maayos ang lahat."
Hinagod nya ang likod ng ilang beses katulad noong bata pa ako. "Mag-iingat ka at huwag kang magpapagabi. Alam mo naman ang panahon ngayon."
Tumango ako at nagpaalam na. "Mauuna na po ako, baka mahuli ako sa usapan ay nakakahiya."
Lulan ng five year old kong BMW ay tinungo ko ang venue ng kasal namin. Sana lang ay nandoon na s’ya. Baka mamaya ay late na naman ito. Or worse, a no show! F*ck! Subukan lang nyang huwag magpakita at mananagot talaga s’ya sa akin. Medyo natraffic pa ako sa may bayan. Bandang alas dos na ng hapon ngayon, at may ilang estudyante na ang nakalabas ng eskwelahan kaya nagsisimula na ang rush hour. Nevertheless, I arrived ten minutes before the wedding. Ang unang hinanap ng mata ko ay ang mapapangasawa ko.
"Looking for me?" narinig ko ang baritonong boses nya mula sa likod ko.
I recognize his smell right away. Suave lang ang cologne nya at hindi masangsang sa ilong. He used the same cologne that night we first met.
Humarap ako sa kanya at umismid. "Ikaw lang ba ang tao dito? Assuming ka talaga. Pwede namang ang magkakasal ang hinahanap ko, sarili mo agad ang iprinisinta mo." Of course that's a lie, but I am not dumb to admit that to him.
Mahina syang tumawa. "I showed up and came on time pero nagsusungit ka pa rin. I should have showed up late, parehas din naman pala ang magiging reaction mo. Nagmadali pa naman akong magpunta dito tapos susungitan mo lang ako.”
"Whatever." Tumalikod ako sa kanya at nagpalinga-linga para hanapin ang magkakasal sa amin.
Naramdaman ko ang paglapit nya sa likod ko. His breath is fanning my neck and it made me hold my breath when he said, "I missed you."
Napaismid ako. "I didn't."
"Really? I like to think that I am unforgettable. Are you sure you didn't miss me?" Hindi pa sya nakuntento sa lapit nya kanina. Mas lalo syang lumapit sa akin at sa pagkakataon na ito, I can almost feel his lips at the back of my ear. "You were constantly in my thoughts for the last few years."
Damn this man to hell and back! Iniwanan nya akong parang basahan noong umagang 'yon pagkatapos ay sasabihan ako ng I missed you at you were constantly in my thoughts! Sinong niloko nya? I wasn't born yesterday. If I know, he's got women at his disposal -- left, right and center! Ang isipin na madami syang babae ay lalong nakapagpadagdag ng inis sa akin. Breathe, Tori! It's your wedding day. Sige ka, magkaka-wrinkles ka! Parang naririnig ko ang boses ni Mommy. That's what she always says to me when I get frustrated.
"Move away. You're too close." I said to him. Ang totoo ay pinapangapusan ako ng hininga dahil sa napakaliit na distansya namin sa isa't isa.
"You will be my wife soon. You should get used to it."
Napabaling ako sa kanya at halos magdikit ang mga labi namin. "D-didn't y-you read the c-contract?" Hindi ko alam kung saan ako humigit ng lakas ng loob na lumayo sa kanya. Ang mata n’ya ay tila may magneto at hinihigop ako. Nagkamali pa ako ng mapatingin sa labi nya. Damn it! Parang nalalasahan ko pa ang halik nya sa akin noon. Stop thinking about the past, Victoria. It's not going to do you any good.
"Not really." He said it so dryly.
"You better read it then. You're so going to need it." May diin ang salita ko sa kanya at sinalubong ang agent na bagong dating. Iniwan ko si Philip na nakita kong tatawa tawa ng saglit kong lingunin.
"Good afternoon, Miss Vega. Are we ready?"
"Yes. Let's do this and get it over with."
"Okay, come on. By the way, you need to share a kiss after you say your vows. We will record it so your lawyer will know the wedding took place."
Napaamang ako. "Video? Hindi pa ba sapat na may pinirmahan kaming kontrata?"
"It's just going to be you and him on that video. Besides, it's just the vows part. Souvenir mo na rin."
Napangiwi ako. Souvenir? Parang keychain? The wedding took place as planned. Vows and all. It was something like this.
"I, Philip Harald Madsen, take you, Victoria Louise Vega, to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, until death us do part." Isinuot nya ang singsing sa kamay ko at kumindat pa ang hayup. Kung hindi lang kami naka-video ngayon ay kanina ko pa sya inirapan. I can't even make a smirk.
"I, Victoria Louise Vega, take you, Philip Harald Madsen, to be my husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, until death us do part." Ako naman ang naglagay ng singsing sa kamay nya.
"By the power vested in me, I now pronounce you, husband and wife. You may kiss your bride."
His kiss was enough to send my heart in frenzy. Damn it! It's going thump-thump. Just like that night we first met. I am in so much trouble now.