Chapter 2

1192 Words
PHILIP Umuwi akong pawisan sa maliit na apartment na tinutuluyan namin ni Karlos. Gustuhin ko man na mag taxi uli ay wala na akong pera. Naibayad ko na kanina dahil late na ako sa meeting. I don't want to show up wearing a wrinkled suit. Sa tanang buhay ko ay hindi pa ako nakapag-suot ng gusot. Since Karlos got sick, he couldn't help me with the things he used to do. Namalantsa pa ako kaya inabot ako ng siyam siyam.  Kung hindi lang namin kailangan ng pera ay hindi ako mag-aapply sa agency na 'yon. Husband for hire? How tacky! I get the cringe just thinking about it. I'm a Duke for f*ck's sake. Gaano ba kadesperado ang mga babaeng kliyente nila at kailangan pang magbayad ng malaking halaga para magkaroon ng asawa? Sinusian ko ang pinto at pumasok sa loob. "Philip? Is that you?" Ang boses ay nanggaling sa kwarto.  "Yeah, it's me. Have you had lunch?" tanong ko sa kanya. "Yes. I had soup. Sorry, I couldn't cook lunch. Baka mahawa ka pa sa akin."  "It's okay. I will just make myself a sandwich or something. Do you need anything? Water?" "Okay na ako. Kumain ka na lang at magpahinga. By the way, how was the client?" Naglalahid ako ng peanut butter at strawberry jam sa loaf bread ng magtanong sya. "You won't believe it if I tell you." Kinuha ko ang pitsel ng tubig mula sa refrigerator at nagsalin sa baso.  "That bad?" "You mean, that awesome! It was great!"  Narinig ko ang mahina nyang tawa. "Bakit? Maganda ba?" "Maganda pero ubod ng sungit." "Really? So did you charm her?" "I tried. It didn't work." "That reminds me of someone four years ago. Remember that young girl you met at Club Rogue? What's her name again? It sounded like that Marvel character. The one with the sledgehammer." Napahalakhak ako. "Isusumbong kita kapag nagkita kami ulit." "Baka kamo ipagpalit ka pa nya, magandang lalake ang nagportray ng character na 'yon sa pelikula." Napatawa rin ito. "Wait, did you say ulit? Nagkita na kayo?" "She is the client." Kumagat ako ng tinapay pagkasabi ko sa kanya ng magandang balita. "What?!" Narinig ko ang pagbalikwas nya sa higaan. "Yes. Victoria Vargas Vega, or we can call her Tori." "Ayun! Tori nga pala! Sabi ko sa 'yo, malapit sa Thor eh. Ang galing ko talaga." "Hindi nya ako ipagpapalit kay Thor." Napangiwi ako ng wala sa oras. She clearly hates me. At kung ihaharap ko si Thor sa kanya katabi ko, siguradong hindi ako ang pipiliin nya. "Ikaw ang kaisa-isang taong kilala ko na nag-uumapaw ang kumpyansa sa katawan. So, anong sabi nya sa 'yo?" "Ano pa ba ang magiging unang reaction nya? Syempre, nagulat tapos sinungitan ako kaagad. Mali daw ang napasok kong kwarto. Tapos sinabi nyang hindi ako ang hinihintay nya, si Karlos daw. Basta, ayaw nyang pumayag." "Talaga? So, may pag-asa ako sa kanya?"  "Subukan mo lang at papalitan ko ang apelyido mo ng Nasupil." Tumawa si Karlos ng malakas. "Biro lang syempre. Aagawin ko ba sa 'yo si Tori, eh ilang taon mo na syang hinahanap. Sa kahahanap mo nga sa kanya, napalayas ka tuloy sa palasyo nyo." "Kung ikaw ba ang nasa tayo ko, papakasalan mo si Camilla?"  Si Camilla ang prinsesang ipinagkasundo sa akin ng ama ko. I don't like her. She's too timid for my liking. I like my women wild. At ang pinakaimportanteng dahilan – hindi ako naniniwala sa kasal. But how ironic, I will be getting married in a few days. Kasal ang tinakasan ko sa Norway, pero kasal din ang nilagpakan ko sa Pilipinas.  "She looks okay. Prinsesa 'yon, ano ka ba?" "Ayaw ko sa kanya." "Napansin ko lang, medyo boring nga s’ya. Sobrang tahimik at closed neck palagi ang suot. Ako nga ang nababanasan kapag nakikita ko sya." "That's exactly my point. She is not my type." "Oo na. Pero nakita mo naman ang inabot mo sa Papa mo. Napalayas ka ng wala sa oras." "Okay lang, nakita ko naman si Tori. Kung hindi ako pinalayas ni Papa, malamang kasal na ako ngayon at miserable." "Teka, nakalagay sa kontrata ang tungkol sa kasal ah. Handa ka na bang magpakasal?" "Basta kay Tori, walang problema." “Akala ko ba hindi ka naniniwala sa kasal? Eh bakit biglang gusto mo ng pakasalan si Tori? Pumayag ba sya?" "Ayaw nya noong una, gusto pa nga mag-r****d ng ibinayad n’ya. Akalain mo, six million!" "Well, Blush is not Blush if they are not expensive. Quality ang ipinagmamalaki ng agency na 'yon. Mabalik tayo, pumayag ba s’yang makasal sa iyo?" "Oo. Basta tumupad daw ako sa usapan. Ganito pa nga ang pagkakasabi nya. Fine, I'll take him and let me be clear on this while we are at it.  I am only taking him because you rendered me no choice. She said that to the agent before telling me this. And you -- you better not bolt." Humalakhak ng malakas si Karlos hanggang ubuhin. "She clearly hates you." "Kung hindi mo ako tinawagan noong umaga, hindi pa sana ako aalis. I planned to take her out for breakfast, you dork." Naubos ko na ang tinapay ko pero nagugutom pa rin ako. Sadly, we don't have any bread left. Sa sobrang init sa labas ay tinatamad akong bumili sa tindahan. Papawisan na naman ako. "Kung hindi kita tinawagan, malamang nakabaon na ako sa lupa. Galit na galit s’ya noong araw na 'yon. You were supposed to show up in a charity event that day kasama ng kuya mo. Ang hindi ko akalain ay magdedesisyon ang hari na dumalo doon ng walang pasabi. But he is the King, so he can do whatever he pleases." Napangiwi ako. "Plano ko naman talagang magpunta sa charity, napuyat lang ako." "Ang sabi ko kasi sa 'yo, umuwi na tayo. Tori already ignored you, ikaw lang ang ubod ng kulit." "But it worked, we even spent the night together." I chuckled at the thought. "Single here, huwag kang mang-inggit." Maktol nya sa akin. Napabuntong hininga ako bigla ng maalala na wala pa akong isusuot sa kasal. "Ikakasal na kami in about three days. I need a new suit." "May naitabi pa akong pera dito, you can use it." "Ibabalik ko kaagad sa iyo kapag natanggap ko ang sahod." "Okay." Natahimik sya bigla at parang may iniisip. "Paano nga pala ang --" Ito talagang si Karlos, laging binibitin ang sasabihin. "Ang alin?" "Ang kasal nyo. It's only for six months. After that, wala na kayo?" "Hindi ko na sya papakawalan." "That's what I'm telling you. Binasa mo ba ang kontrata?" "Just the first part." Napakunot ako. "May iba pa ba akong dapat malaman?" "Hindi mo sya pwedeng hawakan, you already know what that means. At after ng kontrata, finish na." Napangisi ako. "I wasn't a rule breaker for nothing." "Philip, times two ng kontrata ang halaga ng penalty na babayaran mo kapag sumuway ka. Wala tayong pera. At higit sa lahat, may iba pang parusa." Napalunok ako ng wala sa oras. Twelve million kung ganoon ang penalty. Kung pera lang, marami ako. Noon. F*ck! Why does it have to be this hard?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD