"Happy birthday!" sabay-sabay at malakas na bati sa akin ng mga tao sa paligid ko na naabutan ko dito sa kusina ng makababa ko mula sa silid ko.
"Happy birthday hija," nakangiti na bati sa akin ni Yaya Soleng. Siya ang nag-iisang taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal. Hindi na siya nag-asawa at nanatili dito sa bahay para alagaan ako.
"Salamat Nanay Soleng," maluha-luha na sagot ko saka yumakap dito. Wala man ang mga magulang ko tulad ng dati ay laging narito siya sa tabi ko at walang sawa na nagparamdam sa akin na may silbi ako at mahalaga rin dito sa mundo.
Ni minsan, hindi ko naranasan mula sa mga magulang ko ang salitang pagmamahal. Hindi ko nga alam kung mahal nga nila ako dahil lulong sila pareho sa trabaho.
Mahalaga sa kanila ang oras para magpayaman. Bawat oras ay mahalaga at katumbas ng oras ay pera sa pananaw sa mga magulang ko. Hindi sila napapagod at nagsasawa sa paulit-ulit na ginagawa habang inasa na nila ako sa mga kasambahay dito sa mansyon.
Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nilang gawin ang bagay na 'yun. Pareho silang nagmula sa may kaya na pamilya dito sa Masbate. Masasabi ko na parehong pinakamayaman ang Napoles at Gomez dito at lalong lumaki ang yaman nila ng parehong ipasakal ng mga grandparents ko ang mommy at daddy ko.
Ngayon, higit kaming maging mayaman. Halos hindi na mabilang ang ari-arian na nasa pangalan nila hindi lang dito sa Masbate kun'di maging sa ilang sulok ng pilipinas.
Kilalang-kilala sa alta sosyedad ang apelyido na dala ko kaya marami ang naghahangad na mapalapit sa akin dahil alam nila na ako ang magmamana ng lahat ng mga ito.
Bagay na hindi ko ginusto at pinangarap. Ayaw ko na dumating ang panahon na matulad sa akin ang anak ko. Gusto ko na bigyan siya ng masayang pamilya malayo sa kung ano ang meron ako ngayon.
Napailing ako, ano nga ba ang meron ako? Mga katulong na nasa paligid ko na siyang masaya ang mga mukha na binati ako dahil kaarawan ko.
''Halika hija, may surpresa sa'yo ang mommy at daddy mo," sabi ni Yaya Soleng habang hatak ako sa braso palabas.
Walang kibo na sumunod ako dahil ayaw ko na makita ng mga ito na hindi ko na appreciate ang mga ginawa nila para sa akin. Alam ko na si Yaya Soleng ang may pakana ng salu-salo dahil kahit ganitong birthday ko ay walang panahon na umuwi dito ang mga magulang ko.
"Surprise!" malakas na boses na sabi ni Tina ang narinig ko ng bumungad ito habang nakabuka ang dalawang braso na akala mo nag-presenta sa akin ng special na bagay.
Umikot ang mata ko sa nakita. As I expected, may material na bagay akong natanggap mula sa magulang ko. Isang bagong puting Honda CR-V ang regalo ng mga ito na ngayon ay nakaparada sa harap mismo ng pintuan ng mansyon.
Nag-palakpakan ang mga tao sa paligid ko pero hindi ako. Anong gagawin ko sa sasakyan gayong seventeen pa lang ako at hindi naman pwede pa na magmaneho?
Sa tingin ba nila ay masaya ako sa bagay nasa harap ko?
Sigurado ako na kay kuya Dan na naman ang bagsak nito, kaya anong silbi ng kotse sa harap ko? Isa pa, may walong sasakyan na sa garahe na anytime ay pwede na magamit ko, kaya walang excitement na nararamdaman ako para sa regalo na natanggap ko.
"Pakialis n'yan d'yan Yaya. Pakisabi po kay Kuya Dan na bahala na s'ya," sabi ko sabay talikod at walang lingon likod na pumasok sa kusina.
Lahat ay tahimik sa sinabi ko. Alam ko na sanay na sila alam na nila ang ugali ko pagdating sa bagay na ganito. Hindi ako kailanman natutuwa sa material na bagay lalo na ang kapalit ng mga ito ay presensya at pagmamahal ng mga magulang ko na hinahangad ko.
"Ano po ang gusto mong kainin Ms. Zhen?"tanong ni Anna na isa sa anak ng kusenera namin. Dito na rin siya lumaki at kasama siya sa mga anak ng tauhan namin na pinapag-aral ng mga magulang ko.
"Kahit ano, bahala ka na," kibit balikat na sabi ko. Alam na naman nito ang usual na breakfast ko dahil siya ang nakatalaga sa paghahanda sa lahat ng kailangan ko sa umaga.
Alam ko na marami na naman niluto ang ina nito lalo na at kaarawan ko. Bumabaha ang pagkain pero ni wala akong inimbitahan para sa birthday celebration ko.
Ayaw ko na ng sosyalan, mas gusto ko na manatili na lang dito sa bahay at mamaya ay sasakay ako ng scooter ko at mamamasyal sa lugar kung saan ako mapadpad.
Ito ang pinaka-stress reliever ko sa buhay. Pakiramdam ko kasi saka lang ako nagiging malaya kapag nagagawa ko ang 'yun.
Maghapon akong nag-kulong sa kwarto ko matapos mag-almusal kanina. Pinaakyat ko na rin ang tanghalian dahil wala akong gana na bumaba at makisalamuha sa mga kasama ko dito sa buhay.
Tulad ng dati lumipas ang maghapon na hindi ako tinawagan ni isa ng mga magulang ko. Hindi ko alam kung ikakalugi ba ng kompanya nila ang saglit na pagtawag sa akin ng ilang minuto para kumustahin ako at batiin ngayong kaarawan ko.
Kung sabagay bakit pa ba ako magtataka. Dapat sanay na ako dahil simula pagkabata ay ganon na ang trato nila sa akin.
Mabigat ang loob na tumayo ako sa kama ko at nagbihis. Mas mabuti na lumabas ako kesa magmukmok ako dito sa loob ng ng bahay at isipin ang mga magulang ko na wala namang pakialam sa akin.
Kinuha ko ang susi ng motor na malimit ay gamitin ko kapag naboboring ako dito sa bahay.
Suot ang itim na rubber shoes at itim na short ka partner ng puting sweatshirt ay lumabas ako ng silid ko at mabilis na tinungo ang garahe.
Ni hindi ako nakapag-paalam sa mga kasama ko sa loob ng bahay ng magsimula akong magmaneho sa driveway ng mansyon namin hanggang sa guardhouse.
Alam ko na kapag hinanap ako ay dito sila magtatanong kung lumabas ba ako kaya hindi na ako nag-abala na magpaalam. Nakakapagod kasi manatili sa loob kung minsan. Malaki ang bahay namin pero tila hindi ako makahinga.
Tanging sa loob ng silid ko lang ako komportable. Pakiramdam ko ito ang safe haven ko na nagagawa ko ang lahat ng gusto ko.
Malaya na tinatangay ng malamig na hangin ang nakatali na buhok ko. Hindi mahigpit dito sa amin sa probinsya na kailangan pa ng helmet kapag makasakay ng motor lalo na at wala namang checkpoint.
Marami dito ang mga kabataan na gaya ko na maaga natuto magmaneho ng motor kahit hindi pa sumasapit ng labing walong taog gulang.
Ewan ko, kung bakit sa pagkakataon na ito ay sa gilid ng dagat dito sa barangay El Dorado ako napadpad. Kanina kasi habang nagmamaneho ako ay wala akong direksyon na pupuntahan. Binaybay ko lang ang kalsada na pinili ko ng kinabig ko ang manibela ng motor ko papuntang kaliwa.
Hindi pa ako nagagawi sa lugar na ito mula noon dahil laging naririnig ko na lugar ito naghihirap. Dikit-dikit kasi ang mga bahay dito at crowded ang lugar sa dami ng nakatira sa dito.
Siguro ay dahil malapit ito sa dagat at maraming nakatira dito ay mga mangingisda na umaasa sa biyaya ng dagat.
Hindi ko sila masisi mahirap ang buhay dito sa probinsya. Hindi ito lingid sa kaalaman ko dahil mulat ako sa katotohanan sa paligid ko simula ng pinili ko na mag-aral public school kung saan ako nag-aaral ngayon.
Sa tagal na pinanood ko ang alon sa dagat at nakalimutan ko ang oras. Papadilim na ang paligid at heto nag-aagaw na ang dilim at liwanag.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi mapahikbi ng muli ay nakaramdaman ko ang kalungkutan. Ito sana ang isa sa pinaka espesyal na araw sa buhay ko pero heto ako malungkot na nag-iisa dahil hindi ko nararamdaman na may pamilya ako.
Isang tapik ang naramdaman ko sa balikat ko na naging dahilan para kabahan ako ng sobra. Bigla ay natakot ako para sa sarili ko dahil mag-isa lang ako sa lugar na ito habang patuloy na binabalot ng dilim ang paligid.
"Bakit narito ka at nag-iisa?" tanong ng isang baritono na boses. Pamilyar sa akin ang boses na ito na naging dahilan ng mas malakas na kaba pa sa dibdib ko.
Para masiguro na tama ang hinala ko ay dahan-dahan akong lumingon para tingnan ito.
Nahigit ko ang hininga ko ng nakumperma ko ang hinala ko. It's him again, 'yun nga lang hindi ko alam ang pangalan nito..
"Sabi ko bakit narito ka ng ganitong oras? Hindi ka ba natatakot na madilim dito at nag-iisa ka?" tanong ulit nito.
Tila nagdiwang ang puso ko sa sinabi nito. Ngayon lang ako nakatagpo ng isang estranghero na concern sa akin, sa kaligtasan ko ng walang bayad mula sa mga magulang ko.
"Gusto ko lang mapag-isa. Masarap kasi ang hangin dito sa dalampasigan kaya dito ko napili tamambay," sabi ko sabay ang mabilis na pahid ng luha sa pisngi at mga mata ko.
Mabuti na lang at madilim kaya hindi nito napansin ang mga luha na kanina ay mabilis na dumaloy mula sa mga mata ko.
"Hindi ka pa ba uuwi sa inyo?" tanong nito na nakatayo pa rin tabi ko.
"Hindi pa, dito muna siguro ako hanggang sa magsawa ako," sagot ko. Parang hindi siya ang masungit na lalaking nakatagpo ko sa school. noong isang araw.
Mukhang mabait naman ito at ngayon palagay na ang loob ko na kausapin ito kahit pa dalawa lang kami at pareho pa na stranghero.
"Sige, kung ganon ay sasamahan na lang kita dito," sabi nito sabay upo sa tabi ko.