Chapter 1

1563 Words
ANNOUNCEMENT Hello po mga sissy, baka pwede n'yo po i-vote ng ❤️ ang story ko na The Rise of the Pathetic Genius Billionaire. Kasali po ito sa writing contest sa The Rise from the ashes: King from Nobody writing competition (Sept 15- Dec 31, 2021). Ito po ang official entry at story ni Amara Madrigal 2nd Generation ng one last cry for a Mafia Boss. FREE UPDATE po ito since isa po ito sa required ng competition. TO VOTE 1) CLICK HEART (❤️) 2) LEAVE COMMENT. Just Search The Rise of the Pathetic Genius Billionaire here in Dreame and yugto. Kung hindi n'yo o mahanap search my pen name Dragon1986 (Wala pong space) MARAMING SALAMAT PO. BABALA: Bilang Author ng SEDUCING MR. GAY ay tanging ako at ang stary lamang ang may legal na karapatan na magkaroon ng kopya nito. WALANG SINUMAN ANG PINAHIHINTULUTAN KO NA KUMUHA NG KAHIT ANONG BAHAGI NG STORY KO LALO NA ANG KOPYAHIN ITO AT IBENTA NG WALANG PAHINTULOT KO. Ang sino mang mahuli ko na nakawin ang story na ito ay kakasuhan ko ng COPYRIGHT INFRINGEMENT❗ SEDUCING MR. GAY ay may contract under stary at tanging sila lamang ang may LEGAL na karapatan na ibenta ang story na ito online READERS MAGBASA PO TAYO SA LEGAL NA PARAAN ❤️❤️❤️ Zeneth POV. Dahil malapit na naman ang sportsfest ay busy na naman kaming mga school athletic na sumabak sa madugong training. Star player ako ng volleyball team namin kaya kailangan ko ng matinding focus at training. "Napoles tama na ang training natin ngayon. Bukas ulit," sabi ni coach. Naglakad ako papunta sa bench kung saan nakalagay ang mga gamit ko pero nagulat ako ng may nakaupong lalaki doon. Walang naglalakas loob lumapit sa lugar kung saan nakalagay ang mga gamit ko dahil alam nila na may pagka maldita at suplada ako. Hindi naman talaga ako ganun, hindi lang talaga ako friendly na gaya ng dati dahil lagi akong na ta-take for granted. "Excuse me, bakit nakaupo ka d'yan sa bench ko?" Seryosong tanong ko ng makalapit dito. Bench ko dahil personal na pinagawa ko ito for my own benefits. Alam ng lahat 'yon kaya walang nangangahas lumapit dito maliban sa isang ito. Nag-angat ito ng mukha at saka tinanggal ang headset sa kaliwang tenga. "May sinasabi ka?" Nakakunot noo na tanong nito. Hindi agad ako makapagsalita at para akong na hipnotismo ng nagtama ang aming mga mata. Ang ganda ng hugis ng mata nito at ang ganda rin ng features ng mukha. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng bumuka ang mapupula at manipis na labi nito ng magsalita ito at marinig ang baritonong boses nito. "Sabi ko, anong sinasabi mo?" Tanong pa ulit nito. Saka lang ako natauhan at bumalik sa sarili. Nahihiya akong sumagot dito dahil halos sumabog ang dibdib ko sa matinding kabang nararamdaman ko habang nakatingin sa mukha at mata nito. "Ah, yeah, sabi ko bakit dito ka naupo?" tanong ko dito. "Bakit bawal ba?" Masungit na tanong nito habang nakakunot noo? Seriously hindi n'ya alam na pag-aari ko ang lugar na kinauupuan n'ya? Napairap ako, lahat ng tao sa school na ito halos alam kung sino ako. Pero itong isang ito mukhang walang alam sa mundo. "Hindi sa bawal, gamit ko kasi ang mga nariyan at isa pa pag-aari ko ang bench na 'yan at ang lugar na ito." Nakataas ang kilay na sabi ko saka ko pinagsalikop ang braso ko. "Brat!" Inis na sabi nito saka tumayo. "Sa susunod lagyan mo ng pangalan mo at malaking karatula na pag-aari mo ang lugar na ito para walang maliligaw na gaya ko sa lugar na ito," sabi nito. Mabilis itong tumayo saka inilagay ulit ang headset sa tenga saka mabilis na naglakad palayo habang ako naiwang nakatulala. "Zeneth ano 'yon? Hinayaan mo lang na bastusin ka ng kumag na lalaking 'yon?" Turo ng kaibigan at kaklase ko na si Jessa sa papalayong lalaki. "Sino kaya siya?" Hindi ko mapigilang itanong dito. "Sino pa eh si Billy 3rd year na rin gaya natin at napakasuplado n'yan. Sayang gwapo sana may pagka mahina lang daw ulo at nasa lower section. Kaya pala hindi ko kilala kasi kalimitan mga top section ang nakakasalamuha ko. Isa pa dahil ang family ko ang pinakamayaman dito sa buong Masbate kaya naman halos walang nakikipag lapit na mga lower section sa akin dahil tingin nila suplada ako. Aaminin ko abot kamay ko ang lahat. Lumaki akong nasa akin na ang lahat ng pwede kong hilingin pero ganun pa man ay pinalaki ako ng mga magulang ko na mapagpakumbaba. Nagkataon nga lang na natutunan kong baguhin ang dating ako na mahilig makisalamuha sa ibang tao dahil masyado na akong na-take for granted ng mga taong lumapit lang sa akin dahil may pera at pangalan ako. Nakakasawa na kaya nagiging cold ako at bihira na lang makipag-party. Mas gusto ko na sa bahay ako at magpahinga. Manood ng movies at makinig ng mga sweet music o kaya naman sumayaw kesa makipag plastikan ako sa mga social climbers na mga nakapaligid sa akin. Minsan gusto ko ng kalimutan kung sino ako. Mas gusto ko ang simpleng buhay malayo sa pangalan at apelyidong taglay ko. Bilang nag-iisang anak at tagapagmana ng mga hotels and resorts namin dito sa Masbate and other parts of the country kailangan kong matutong kumilatis ng mga taong may lihim na intensyon ng pakikipag lapit sa akin. Isang bagay na itinuro sa akin ng lolo ko bago pa ito nawala sa mundo. Kung sa iba pangarap ang ganitong buhay pero ako mas gusto ko ang simple lang. Tahimik kasama ang mga taong mahal ko na may oras at panahon para sa akin at sa pamilya namin. Lumaki akong puro kasambahay lang ang nasa paligid ko. Laging wala ang mga magulang ko dahil busy sila sa negosyo lalo na ng mag-expand sila mg hotel business namin sa Malaysia. Mas lalo silang nawalan ng oras sa akin. Uuwi lang sila minsan kung may okasyon na alam nilang babango ang pangalan nila gaya na lang ng graduation ko ng grade six na naging valedictorian ako. Akala ko sapat na 'yon para mapansin nila ako pero pagkatapos ng isang araw umalis na naman silang dalawa at naiwan akong mag-isa kasama ang mga taong narito sa paligid ko dahil binayaran ng mga magulang ko. I hate seeing them leaving me, pero wala akong nagawa at nasanay na ako. Ayaw ko ng umasa na balang araw maalala nila na anak nila ako at kailangan ko rin sila. Kaya nga ng mag-high school ako pinili ko na pumasok dito sa public school. Iniwasan ko ang mga dati kong kaibigan at mga taong naging malapit sa akin sa utos din ng mga magulang ng mga ito dahil sa pangalan ko. Nakakalungkot na minsan inaway ako ng isa kong kaibigan na itinuring kong bestfriend dahil napipilitan lang umano itong maging kaibigan ko dahil 'yon ang utos ng ina nito. Palibhasa bata wala pang pakialam sa mundo kaya sinabi nito kung anong alam nito. Simula noon nagbago ako at naging mailap sa mga tao. Tumigil din ako ng pag-aaral pansamantala at ginusto kong manatili sa bahay ng mag-isa. Kahit ganun ang nangyari wala akong narinig na pag-aalala mula sa mga magulang ko. Hinayaan lang ako ng mga ito at sinabing sa susunod na taon at sa Manila na ako papasok. Naging matigas ang pasya ko kaya nasunod ang gusto ko na dito sa probinsya ituloy ang pag-aaral ko kaya heto ako 3rd year high school na. Malaki ang naging kapalit ng desisyon ko na dito sa public school mag-aral dahil kailangan kong manatiling nasa top one or two lagi dahil 'yan ang gusto ng mga magulang ko. Karangalan… "Zeneth ano ka ba, tulala ka na d'yan." Tapik ni Jessa sa balikat ko. Lumingon ako dito para lang makikita na nakasimangot ito. "Kanina pa kaya ako panay ang daldal dito tungkol kay Billy hindi mo naman yata narinig o naintindihan dahil tulala ka d'yan." Reklamo nito sabay wasiwas ng kamay. "Pasensya na may iniisip lang ako." Hinging paumanhin ko dito. Sa lahat ng taong nakilala ko si Jessa ang isa sa masasabi kong tunay na kaibigan ko. Sasabihin nito ang sa tingin nito tama at totoo. Kahit minsan masakit pero tinatanggap ko dahil totoo itong kaibigan ko. Alam ko na may malasakit ito sa akin. "Ano na namang iniisip mo ang mga yayamanin mong mommy at daddy?" Naka-ngising sabi nito. Alam mo na kapag ganito ito ay alam nito ang laman ng isipan ko. "Nalulungkot kasi ako Jessa malapit na akong mag-birthday wala pa rin sila. Bukas na kaya 'yon ni hindi man lang nila ako naalalang tawagan." Malungkot na sabi ko. "Hindi ka pa nasanay Zeneth, 'wag mo ng isipin 'yon busy talaga ang parents mo. Sure naman bukay ay may regalo ka na namang matatanggap mula sa kanila." Pang-aalo nito sa akin Tama nga s'ya, may regalo ako bukas mula sa mga ito na kung hindi ako nagkakamali ay ang secretary ng daddy ko ang personal na bumili o kaya naman in-order nito online. Sanay na nga dapat ako, materyal na bagay lang ang katapat ng mahalagang okasyon na dapat kasama ko sila. "Hi welcome po sa story nina Belle and Zeneth. Sana po magustuhan ninyo rin at supotahan gaya ng story nina Julia Xander at lander. ♥ "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD