BINABA KO ang mataas na baso ng mango juice at sumandal sa headboard ng kama. Naubos ko ang laman tray na pinadala niya and I almost felt so full in my stomach. Hindi man ako sanay kumain sa kama, okay na rin dahil sa hapo ba naman na nararamdaman ko ay malaking kaginhawaan na iyon. When I’m done, tumayo na ko iniwan muna sa ibabaw ng kama ay breakfast tray. Hinahanap ko kasi ang sleeping dress na suot ko kagabi na pinagpipigtas ni Lennox. Kanina nandito lang iyon sa ibabaw ng couch, pero paglabas ko ng banyo ay wala na. I looked at the walk-in closet, I scanned the chairs, syempre I doubted kung ibabalik iyon ni Lennox sa cabinet e, nasuot ko na iyon. Lalo na ang panty ko! But then, natigilan ako. Pa’no kung pinabigay niya iyon kay Aling Clarita o kay Maya? Makikita nila ang pantulog n