HINDI KO alam kung saan ko pa ibabaling ang mukha ko, kung sa unan ba o sa kama dahil kahit hatinggabi na hindi pa rin ako nilalayasan ng kilig hanggang sa makarating sa kwarto ko. HIndi ko mapigilang mapangiti, inayos niya ang damit kong ginulo niya at muli na naman akong hinalikan nang mariin. Ang kamay niya ay kung hindi baywang ay sa hita ko namamalagi at marahan akong hinahaplos. Ang sayang lumulukob sa akin ay hindi maipaliwanag. Makailang ulit kong kinurot ang magkabila kong pisngi para lang gisingin ang sarili at baka isa lang ito sa mga napapaginipan ko kasama si Lennox. Pero ang pamamaga ng labi ko ay dulot pa rin ng halik niya. Kinabukasan ay maaga pa rin akong nagising kahit na napuyat ako sa kakaisip sa asawa ko. Ginawa ko ang dating routine, ipagluto siya bago pumasok. Nags