Maximillian's POV Naging emosyonal ako sa tinatambayan namin kanina at pagkatapos non ay tahimik na lang ako sa tabi. Trek also became silent afterwards. Nang magpasya kaming umuwi na pareho ay kaagad na rin naming nilisan ang magandang lugar na iyon. Kahit na hindi rin siya nagsasalita, naging panatag naman ako sa huli niyang sinabi. But then what happened makes me realize what the heck I just did. Hindi ko na nakontrol ang aking emosyon at nasigawan na siya ng mga bagay-bagay na hindi pa niya dapat marinig. And because of it, he might probably think that I'm too dependent on him at this point. I just hope that doesn't somewhat turned him off. Yakap-yakap ko siya habang nagmamaneho ito sa kanyang motorsiklo. Habang pababa kami sa syudad, lalong lumalamig ang simoy ng hangin kay